
20/08/2025
"10 Years of Passion"
by Dondon Luna (Director and Owner of Lunare Film Production)
Noong 2015, nag-"leap of faith" ako. Sa pag-e-encourage na rin ni Hazel (na noo'y nag-resign din at second year s'ya as a Law Student), iniwan ko ang stability ng corporate world at nagsimula ng maliit na negosyo (more on freelance business pa noon). Isang small video production called "LUNA FILMS". Ang target ko talaga noon pa'y mag-focus sa CORPORATE FILMMAKING. Thank God, may mga companies na nagtiwala kaagad sa unang taon namin. Unang-una na d'yan ang Magnus Job Fair nina Ninang Christine De Guzman at Tito Richard. Nagho-hold sila ng mga job fair na kino-cover namin at ginagawan ng mga online content. Subalit, hindi naman ito buwan-buwan kaya upang maka-survive ang sinimulan kong negosyo, tumanggap ako ng mga birthdays, binyag at social events (maliban sa kasal kasi hindi ko ito forte). Madalas solo lang akong nagshu-shoot. Ako na rin ang nag-e-edit. At lahat ng ito sa napakamurang halaga. Kahit mga evening events na inaabot ng umaga, sige lang ako ng sige. One of these events was the Philippine Beer Pong Championship c/o Coach Michael Abcede. Ilang magdamagang video coverages din ang ginawa ko for him.
Until finally, noong 2016, nakapasok ako sa original plan ko na CORPORATE FILMMAKING. Nakita ni Sir Nic Lazaro ng De La Salle Araneta University ang post ko sa OLX.com pa noon. Pinagkatiwalaan n'ya akong gawin ang Institutional Video ng university kahit na wala pa akong portfolio. Dito ako nagkaron ng team. I started hiring freelance videographers, drone pilots at production staff. It was a success and up until now, gumagawa pa rin kami, every once in a while, ng iba't ibang video contents ng school. Mula rin sa kanila, nagawan ko rin ng mga institutional videos ang ilang schools na affiliated sa kanila (nakarating pa kami ng Roxas, Capiz.)
For exposure, noong 2017, tumanggap kami ng mga x-deal. Ilalagay lang ang logo namin sa promo materials nila. Isang entertainment production company ang nagbukas sa 'min ng ganitong opportunity, ang Vivrefort Entertainment ni Sir Gio Bulanadi, Sir Clıff, Sir Vik at mga kasama. Mula sa kanila, na-shoot namin ang "Paw Patrol Live", "Hi-5 Live", "50 Shades the Musical", "Monster Jam" at--ang pinakaimpotante--nagawan namin ng video materials ang DISNEY ON ICE Southeast Asia (napanood sa surrounding countries ang ginawa namin). Mula sa opportunity na ito, nakilala ko si Ma'am Jenna Sy ng LJS Group of Companies, Sir Mark Adelchi Malaque ng Trademark Entertainment, at Feld Entertainment.
With Ma'am Jenna, na-shoot namin at nagawan ng video materials ang Chef's Classics, Aprica, Nubi at marami pang ibang products.
With Sir Mark, na-cover namin ang mga shows nila tulad ng "Pink Fong", "Badanamu" at "Tayo the Little Bus".
In between sa mga ito, marami kaming nagawan ng corporate videos tulad ng sa Foss Coffee ni Sir Edmar Batac, Asia's Lashes Franchise ni Ms. Leahs Asias, Salon 360 ni Tito Mike Cervera, Urbanessence Beauty & Wellness, Sabon Express ni Ma'am Mellany Zambrano at marami pang iba. Nakarating din kaming Singapore noong ang isang Telecom company, na may branch dito sa Pilipinas, ang kumuha sa 'min.
One of the biggest projects namin (and a more consistent one) ay ang street interview gig with Asian Boss (an international company based in South Korea). Ito ay dahil sa referral ng bihasang photographer na lagi kong nakakasama noon sa event, na naging mabuting kaibigan na rin, si Gio Verona. Ang gig na ito ang unang taste namin sa million views sa YouTube. And for 2 years, weekly halos kaming nagshu-shoot.
Along the way, nagkaron kami ng koneksyon kay Sir David at Vince ng Aqueous Entertainment at Star Image Family. Marami rin kaming naging projects with them at nagawan namin ng mga video materials ang ilan sa mga talents nila. Sila rin ang nag-introduce sa amin kay Ms. Gladys Guevarra. Ito ang unang taste ng Luna Films sa vlogging industry. For almost 2 years, nagawan namin s'ya ng mga content.
May mga nagawa rin kaming music videos ng mga up and coming musical artitsts tulad ng TERAZZA at Meryll Justimbaste Garcia ng The Fifth Sky. Itong production ng music video ang isa sa pinakagusto kong ginagawa.
May mga nagawa rin kaming mini documentaries na pam-post sa mga socmed, tulad ng sa Feed Hungry Minds Library Inc. ni Tita Arpie Patriarca (featuring ang kaming mga charitable works) at ni Fr. Galen Fontanilla (na pinagkatiwalaan akong gawin ang isang special video para sa noo'y obispo ng Diocese of Gumaga, Bishop Vic.
We we're fortunate din noong 2017, sa referral ng aking kapatid Atty. Aren Luna, na ma-cover at magawan ng mga videos ang isang sangay ng gobiyerno, ang Department of Justice noong 120th Anniversary nila. Nakapag-shoot kami for them as far as Cebu.
May mga video contents at short films kaming nagawa for individual clients, tulad ni Tita Jaq Tañada-Tierra at Ma'am Leonor Laluna-Tan Seng.
But Pandemic happened at nahinto lahat ng events at shoots namin. Natengga sa bahay at tanging nagpa-survive sa amin ay ang video editing. Buti, may mga nagpa-edit pa rin tulad ni Bro. Raymund De Luna ng CareMo Bay Area at ni Tito Mike Cervera. From Tito Mike, nakilala namin si Direk Paul Singh Cudail at naging editor n'ya ako sa mga vlogs n'ya--'yong pinakaunang edit ay habang naka-isolate ako noong 2020 dahil nagka-Covid-19 ako ('yong first variant).
2021, nirekomenda ako kami ni Direk Paul kay Nay Ogie Diaz--and the rest, as they say, is history.
With Nay Ogie and Ogie Diaz Showbiz Update, nagkaron ang Luna Films ng consistent video editing client. We're making at least 15 videos a month for them. At ang natigil na momentum namin noong Pandemic ay nagsimulang umakyat muli.
Dahil sa dami ng ine-edit namin for Nay Ogie's team, we decided na maghire na ng full-time assistant video editor noong 2023--ito si Liz Robles. Nagrent na rin kami ng maliit na apartment na kinonvert namin into an editing office. By this time, binago na rin namin ang pangalan namin into "LUNARE FILM PRODUCTION" ("Lu-na-reh" ang pagbigkas nito, sa mga nahihirapan, hehe). Ito'y dahil maraming "Luna Films" sa Pilipinas at nahihirapan kaming i-register sa SEC. Finally, we have a business name na uniquely ours.
2024 rin ay naka-isang taon nang lawyer si Hazel at dumami na ang hinahawakan n'yang kaso. Nag-decide kaming maghati sa office at nagkaron, finally, ng full-blown office place ang Lunare Film Production.
At ngayong 2025, kinailangan na rin naming mag-hire ng isa pang editor at isang researcher. Full house ang post-production room namin ngayon. At si Liz Robles ay promoted na into "Senior Video Editor".
Walang humpay na pasasalamat sa lahat ng nagtiwala sa amin sa nakaraang dekada. At pasasalamat din at pagsaludo sa lahat ng mga nakasama naming freelance videographers, photographers, drone pilots at production staff (Limveljay Fababeir, Jionor Verona, Fernando Nisola, Ting Nisola, Andrew Borines (na kasama kong nangarap noong High School na maging filmmaker), Christopher Nicole Ocsing, Mario II Rañosa, Rml Sysn, Jason Villaruel Lauzon, Jaem Cruz Araneta, Ivan Bautista Mendoza, Jhaymart Bernardo, Noel Reblando, Nestor Adobas Jr., Paul Anthony Lee, Jan Rei Uyengco Rodriguez, Ren Mercado, R-jay Luna (kapatid ko na nagshoot din for me sa dalawang projects), Allen Matthew Abad, Robertchristian Baltazar, Jaypee Labutap, Piolo Vasquez, Beniko Espera at maraming pang iba.)