10/12/2025
Bawal magkasakit kung minimum wage earner ka.
Bawal magkasakit kung wala kang ipon.
Bawal magkasakit kung umaasa ka sa public hospital na kulang na nga sa pondo, kulang ang tao, kulang pa sa malasakit.
Kasi sa Pilipinas, minsan mas mabilis kang maubos kaysa gumaling.
Isang emergency lang, tapos na ang budget.
Isang night sa hospital, goodbye sweldo ng isang buwan.
At bago ka pa mabigyan ng gamot, ubos na ang dignidad mo sa kaka-explain, kaka-pila, kaka-asa.
Kaya totoo:
Hindi sakit ang kinatatakutan natin—bill. Hindi “paano gagaling,” kundi “paano babayaran?” Hindi “kaya pa ba ng katawan,” kundi “kaya pa ba ng bulsa?”
And the saddest part? We’ve accepted it as normal. We laugh about it, we shrug it off, but deep inside we know the truth:
Sa bansang ito, bawal magkasakit, hindi dahil ayaw mong magkasakit, kundi dahil hindi mo kayang magbayad para gumaling.