02/11/2025
Kaya AYOKO talaga mag-Alaga ng a*o or pusa kasi ang sakit sakit kapag sila ay nawala!!!!!!!!
Backstory, January 2024 may isang stray cat akong pinakain. Siyempre maraming against lalo ang landlord at ilang mga kapitbahay dahil bakit nga naman ako nagpapakain ng pusa lalo at hindi nga akin. To make the long story short, ipinaglaban ko ang isang stray cat na 'yun at pinangalanan kong Sali, short for Salimpusa. That time, si Baby Gaga pa lang ang a*ong meron ako so masaya akong nakikita siyang masaya, may kalaro, kasama, hindi nagiisa kumain, matulog, etc. At first siyempre hindi sila magkasundo. Territorial ang mga pusa sa pagkakaalam ko pero hindi ko sinaktan si Sali, kahit si Baby Gaga hindi pumapalag, hindi umaalma kahit nakailang kalmot na si Sali sa kaniya... Pero pagkalipas ng almost a year hayun close na sila. Hanggang sa nagkaBaby na si Baby Gaga. Laking gulat ko, soooobrang amo ni Sali sa mga tuta.... Binantayan ko... Noong una akala ko sasakmalin, kakainin, papatayin pero hindi. Itinuring niya itong mga kuting. So since then, June 2, 2025 up to bago siya mawala ay super duper close nila. Ilang araw na akong nangungulila. Hindi siya in heat ha, hindi siya nagugutom, hindi siya pinabayaan. Sadiyang nanibago lang, nakalabas at hindi na nakabalik. Hinanap namin ni Baby Gaga. Araw-araw, gabi-gabi. Hindi lang sa kung saan ko banda narinig ang sigaw ng isang pusa noong gabing 'yun kundi halos 1km away palibot sa bagong bahay namin. Super tanong na din ako pati sa chatgpt kung anong pwedeng gawin, anong strategy pero wala na. Any signs of her wala. Wala na talaga si Sali.
Kaya again, AYOKO talaga mag-Alaga ng a*o or pusa kasi ang sakit sakit kapag sila ay nawala!!!!!!!!
Today, November 2, Furzones Fifth Birth month, First time wala si Tita Sali nila. Hayst. 😭😭😭