11/10/2025
TULUYANG GUMUHO!
ROMUALDEZ, NAGTALA NG PINAKAMABABANG RATING SA LAHAT NG OPISYAL:
TIWALA NG PUBLIKO, LUMAGAPAK DAHIL SA ISYU NG KORAPSYON.
PUMALO SA ALL-TIME LOW!
Isang nakakagulat na pagbagsak sa popularidad ang naitala ni dating House Speaker Martin Romualdez matapos ilabas ng PUBLICUS Asia ang kanilang PAHAYAG Q3-2025 Survey.
Ang survey ay nagpapakita ng matinding pagguho sa approval at trust rating ni Romualdez, na iniuugnay sa mga seryosong isyu ng korapsyon. Mula sa 15% bumagsak ang kanyang approval rating sa 7%, at ang trust rating ay halos nagkalahati mula 10% tungo sa 5%.
Ang mas nakakabahala, naitala niya ang pinakamataas na disapproval rating sa lahat ng pambansang opisyal, na umabot sa 74%, kasabay ng 77% distrust rating.
TANONG NG BAYAN:
Sa gitna ng lumalalang alegasyon ng anomalya, sapat ba ang pagbagsak ng ratings na ito para maging hudyat ng mas malalim na imbestigasyon?
Ano ang mensahe nito sa mga opisyal na sangkot sa korapsyon? Dasurb ba?
Para sa inyo, ano ang dapat na maging susunod na hakbang ng gobyerno at ng taumbayan?
I-react at I-comment ang inyong pananaw! 👇