05/06/2026
PRIDE MONTH 2026 | Ipakita. Ipagmalaki. Ipaglaban.
Sa mundong patuloy na nagbabago, mahalagang magkaroon ng lakas ng loob na maging totoo sa sarili. Ang Pride Month ay hindi lamang pagdiriwang ng mga kulay na ating nakikita sa watawat, ito ay pagdiriwang ng mga kwento, karanasan, at pakikibaka ng mga taong patuloy na lumalaban para sa pagkilala, respeto, at pantay na karapatan.
Ngayong Hunyo, ipinapaalala natin na ang bawat tao ay may karapatang mahalin, tanggapin, at ipahayag ang kanilang tunay na pagkatao nang walang takot sa diskriminasyon o paghusga. Ang pagkakaiba-iba ay hindi hadlang; ito ang nagbibigay kulay, lakas, at pagkakaisa sa ating komunidad.
Kaya't huwag matakot na "ipakita" kung sino ka. "Ipagmalaki" ang iyong pagkatao, ang iyong kwento, at ang iyong pagkakakilanlan. At higit sa lahat, "ipaglaban" ang isang lipunang may paggalang, pagkakapantay-pantay, at pagtanggap para sa lahat.
Magkakaiba man ang kulay ng ating mga watawat, iisa ang ating hangarin, isang mundong walang takot maging sarili, isang mundong may puwang para sa bawat isa, at isang mundong pinapakinggan ang bawat boses. ✨
This Pride Month, let's continue creating spaces where everyone feels seen, valued, and accepted. Because being yourself is never something to apologize for, it is something to celebrate. 🏳️🌈💖
Ipakita ang iyong kulay. Ipagmalaki ang iyong pagkatao. Ipaglaban ang iyong karapatan. 🌈✊
🏳️🌈✨