30/06/2025
๐๐ฒ๐ธ๐ผ๐น๐ผ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐น๐ฎ๐ป: ๐ ๐๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฝ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ
Ang wika ay hindi lamang kasangkapan ng komunikasyon; ito rin ay isang salamin ng ating kaisipan, kultura, at pagkatao. Sa panahon ngayon, kung saan ang pagkakakilanlan ay patuloy na hinahamon at pinapalawak, lalong nagiging mahalaga ang papel ng wika sa pagtanggap at pagunawa sa kasarian at sekswalidad.
Sa mga bansang Kanluranin, patuloy ang pagkilos tungo sa pagkakapantay-pantay na pagkilalaโgumagamit sila ng gender-neutral na mga salita at panghalip tulad ng "they/them" upang kumatawan sa mga indibidwal na hindi saklaw ng tradisyunal na binaryong kasarian. Ngunit sa atin sa Pilipinas, maaaring hindi na natin kailangan pang baguhin o likhain muli ang ating wika, dahil mula pa noon, tayo ay gumagamit na ng mga terminong walang kinikilalang kasarian. Isipin mo ang
panghalip na โsiya,โ โniya,โ at โkaniyaโ; ang mga ito ay ginagamit upang tumukoy sa sinuman, anuman ang kanilang kasarianโlalaki, babae, o non-binary. Wala itong katumbas na โheโ o โsheโ sa Ingles at hindi rin ito nangangailangan ng pagkakaiba sa gramatika depende sa kasarian ng pinatutungkulan. Isa pa, ang salitang โkapatidโ ay hindi kailanman kinailangan ng gender modifier upang maging epektibo. Hindi mo kailangang tukuyin kung โbrotherโ o โsisterโโang โkapatidโ ay
sapat na. Noong 2022, ako ay sumulat ng artikulo tungkol sa mga salitang kolokyal na ginagamit bilang tawag o endearment na sa kabila ng pagiging makabago ay hindi rin nakatali sa kasarian. Gaya ng โbeh,โ โteh,โ โboss,โ at โlodsโโmga salitang puwedeng gamitin sa sinuman, lalaki man, babae, o hindi binaryo. Ang kanilang likas na pagiging gender-neutral ay nagpapakita na sa ating pang-araw-araw na paggamit ng wika, natural sa ating mga Pilipino ang hindi pagbibigay-diin sa
kasarian.
Ngunit isang mas malalim na katotohanan ang lumilitaw kapag tiningnan natin ang ating kasaysayan. Bago pa man dumating ang mga dayuhan at dala ang mga konsepto ng patriyarka at โheteronormativityโ, ang ating mga komunidad ay may bukas na pananaw ukol sa kasarian. Ang mga babaylan, halimbawaโkadalasaโy kababaihan pero pwede ring asog, bayoguin, at binabayi
(Quintos 2012; UNDP, CHR 2018). Ayon kay Marc Conaco ng Smithsonian Asian Pacific American
Center, ang mga babaylan ay maaaring magkaroon ng relasyon sa sinumang kasarian at hindi sila nililimitahan sa mga pag-uuri gaya ng โstraightโ o โgay.โ Sila ay mahalagang bahagi ng lipunanโ tagapag-ingat ng kultura, espiritwalidad, at kaayusan ng pamayanan.
Kung gayon, bakit tila hirap pa rin tayo ngayong tanggapin ang mga pagkakakilanlan na lumalampas sa โlalakiโ at โbabaeโ? Sa isang lipunan kung saan ang wika mismo ay kayang maging inklusibo, bakit tila hindi makasabay ang pananaw ng marami? Ang kasagutan ay nasa sugat ng kolonisasyonโhindi lang sa katawan ng bayan kundi pati na rin sa ating mga pananaw.
Hindi ko sinasabing perpektong gender-neutral ang wikang Filipinoโsapagkat walang wika sa
mundo ang ganap na walang kasarian. Ngunit ang mahalaga, kumpara sa mga wikang Kanluranin,
may likas tayong kaluwagan at pag-tanggap. Hindi kailangang tukuyin ang kasarian maliban na
lamang kung itoโy mahalaga sa konteksto ng usapan. Maraming wika sa Pilipinas, hindi lamang Tagalog, ang kayang umiwas sa mga kategoryang kasarian at igalang ang identidad ng bawat isa. Sa huli, ang ating wika ay patunay ng kung sino tayo bago pa man tayo naimpluwensyahan ng dayuhanโbukas, marunong rumespeto, at may kakayahang yakapin ang pagkakaiba. Sa bawat "siya" at "kapatid" na binibigkas natin, inaanyayahan tayong balikan ang ating pinagmulan: ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐น๐ฎ๐ป, ๐ฎ๐ป๐๐บ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐๐ผ ๐ป๐ถ๐๐ผ.
๐๐ข๐ฎ ๐๐ฐ๐ด๐ฆ ๐๐ข๐ฏ๐ข-๐ข๐บ, 2025
๐๐ญ๐ญ๐ถ๐ด๐ต๐ณ๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ฃ๐บ: ๐๐ฐ๐ณ๐บ๐ฏ๐ฆ ๐๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ญ๐ช๐ฏ๐ข๐ฏ