28/11/2025
| “Bagsakan" ng magsasaka’t magbubukid mula sa San Jose Del Monte, Bulacan, bumalik muli sa “Mula Anihan Patungong Pamantasan” ngayong araw. Sa ikalawang pagkakataon, direkta nilang inilatag ang mga sariwang ani na may abot-kayang presyo sa komunidad ng PUP.
Ayon sa Unyon ng mga G**o sa PUP (UGPUP) at Unyon ng mga Nagkakaisang Kawani ng PUP (UNAKA-PUP), napapalapit nito ang mismong bukid sa unibersidad na lalong tumatangkilik sa mayamang agrikultura ng Pilipinas. Sa December 15, 2025 din muling nakatakdang babalik ang mga SJDM Bagsakan farmers. Kabalikat ng UGPUP at UNAKA ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa proyektong ito.
Abangan ang iba pang balita ng Sintang Paaralan, dito lang sa The Observer Online.
(Kimberly Torralba, CMO News)