Bukas na Lang Kita Mamahalin

Bukas na Lang Kita Mamahalin it's all about my life and event's

15/04/2025

LOVE STORY(THE FINALE)
Para sa readers ng aking kwento ito na po ang ending ng aking love story;
Masaya na malungkot:...masaya dahil natutunan kong palayain ang sarili ko sa isang relasyong toxic;na labis nagpahirap ng kalooban ko di lang pusot isipan kundi buong pagkatao ko,malungkot naman dahil pinakawalan ko ang taong buong buhay ko na minahal lahat na yata binigay ko na sa taong ito;pero mapagbiro ang tadhana sadyang ipaparanas nya muna ang sobrang sakit bago mo mauunawaan na mali na pala ang ginagawa mo para sa sarili mo.Kaya sa mga taong nagmamahal ng tunay at totoo wag nyong sayangin ang mga oras at panahon sa isang relasyon na wala ng pagmamahal ang nangingibabaw at respeto at the end of the day ikaw pa rin ang talo masakit sa masaki dahil yun naman talaga ang mararamdaman natin di biro ang sakit minsan pa nga nagagawa pa ng iba ang magsuicide dahil di kinaya ang depression na dulot ng pagibig ....para sa taong minahal ko ng buo at totoo alam mong kung gaano kita minahal at sobrang minahal na kahit paulit ulit mo aqng saktan nagawa kong magstay sau ng matagal bago aq natauhan sa pagmamahal na binigay ko para sau,alam mong di kita sinukuan at nagtiis sa lahat ng masasakit na salita na natanggap ko mula sau binalewala ko yun dahil sa pagmamahal ko.Kahit minsan diko nagawang magloko at maghanap ng iba dahil sapat na sa akin ang nakakausap kita araw at gabi,ang makita ka sa tuwing pagod aq,sapat na sa akin ang makasama ka lagi s pagtulog ko lahat ng bagay naging sapat dahil sau sapagkat mahal na mahal kita.Diko sukat akalain na mawawala ng sobrang bilis at maglalaho na parang bola ang pagmamahalan natin sa isat isa.Tandaan mo sana na may isang katulad ko na nagmahal sau ng totoo na di tumingin sa estado ng pamumuhay mo at kung ano ang nakaraan mo balang araw pag narinig mo ang pangalan ko sana maalala mo aq na minsan sa buhay mo na minahal aq ng taong yan ng lubos at kung mababasa mo to gusto kong malaman mo na sa tamang panahon makakalimutan din kita at masasabi ko sa sarili ko na isa ka na alaala na matagal ko ng binaon sa limot at bahagi ng aking nakaraan.....sa ngayon masasabi kong mahal kita dahil di naman ganun kadali ang lumimot sa taong minahal ko ng lubos ....magiingat ka sana,mahal kita papa paalam 💔💔💔💔hanggang sa muling pagkikita dito ko na isasara ang libro ng kwento nating dalawa.....PAALAM PAPA!

SALAMAT SA PAGBABASA
ABANGAN ANG NEXT STORY NA AKING ISUSULAT 🥰🥰🥰🥰🥰

13/04/2025

Love story 1.6
Akala ko ok na tau dahil nagusap na tau ....akala ko magbabago na ang lahat dahil napagusapan na hindi pa pala,umaasa aq na maayos pa natin dahil unti na bumabalik pero hindi pa rin pala,dati ok lang na magpost aq gamit ang acct. Mo pero ngaun bawal na bakit dahil ba may magagalit o dahil may iniingatan kang masaktan 😡😡😡😡sa umpisa lang pala...patikim mo lang pla ,di totoo,pinalasa mo lang sa umpisa na biglang umalat sa huli.wala ka ng ginawa kundi sumbatan aq sa kasalanan na di ko ginawa sa sobrang kitid ng utak mo puro sarili mo na lang iniisip,yang mararamdaman mo bakit aq inisip mo ba db hindi di mo mgawang isipin ang pageeffort ko sa relasyon aq na nga ang nasa malayo aqpa tlga ang dapat mgkaroon ng oras at atensyon sau samantalang ikaw na hawak mo ang oras walang panahon...tpos mali ko lahat dahil naging miserable buhay mo ng dahil sa akin bkit tinanong mo ba sarili mo kung naging mabuti la bang partner,nageffort ka rin ba minsan ba wala kang ginawang kasalanan at wala kang tinatago naitanong mo ba yan s sarili mo....ang hirap sau aq ang lagi mong nakikita pero sarili mo di mo mkita,sobra na ang pagtitiis ko sau at pagpapasensya ko sau...pilit ko pa rin magstay kahit sobrang sakit na kahit di na tama ang nangyayari .darating din tau sa punto na magsasawa rin aq at mapapagod na sa mga ginagawa mong pananakit sa damdamin ko cge lang ituloy mo lang dahil lhat ng to may katapusan .at pag dumating ang oras na yun asahan mong di na ko babalik at kung bumalik ka man di na kita tatanggapin pa kaya lubusin muna hanggang magsawa ka hanggat mahal pa kita hanggat kaya ko pang pagtiisan ugali mo .Dahil oraz nasagad na aq asahan mong walang balikan na magaganap alam kung bakit dahil sobra kitang minahal hinayaan mo lang na mawala aq at saktan mo lang ng walang paltos na pananakit sa pusot isip ko at sana pag napagod na ko at sumuko na wag mong isipin na di na kita mahal bagkus gusto ko ng makawala ka at aq sa toxic relationship na meron taung dalawa na wala kang bukambibig kundi aq ang may kasalanan sa pangyayari kung bakit tau ganito ngaun.

Happy reading
To be continued

09/04/2025

LOVE STORY 1.5
May mga bagay sa mundong 'to na hindi permanente,may mga bagay na di mo pdeng ipilit ng ipilit yung mga bagay na nakasanayan muna minsan may mga bagay na kailangan mong bitawan at ibaon na lang sa limot....minsan gusto kong itanong sau ang mga bagay na yan pero takot akong marinig sa isasagot mo😢😢😢😢😢baka kasi masaktan lang aq....tinatanong ko sarili ko hanggang kailan kita kayang mahalin at hanggang kailan aq magtitiis sa sitwasyong ganito higit sa lahat hanggang saan ang kaya ko pang ibigay para sayo...😞😞😞😞😞masyado na kong nagpakababa pero di mo nakikita,kulang na lang humalik aq sa lupa para lang makita mo ko;ganun na ba talaga ako katanga sa pagmamahal na binibigay ko para sau,ako na lang ba talaga ang nagpapahalaga at nagmamahal s ating dalawa o sadyang may nagpapasaya na sayo at may nagmamay-ari ng iba,madalas mong sabihin tamang hinala lang ako pero binibigyan mo ko ng dahilan para maramdaman ko yun na hindi ko dapat maramdaman yun dahil nga mahal mo ko tulad ng sinasambit ng bibig mo o sadyang hanggang salita na lang😭😭😭😭😭dati kahit ano pa ginagawa mo ok lang na magusap kahit anong busy mo pero ngayon ang dami mong dahilan;ok lang sayo kahit di muna ko kasabay sa pagtulog mo at ok lng sayo kahit napupuyat aq dahil di kita kasabay.Pilit kong sinasanay sarili ko na hindi na tayo tulad ng dati na may kulang na at may nawala na,bakit di muna lang sabihin ang totoo na wala na talaga?bakit pinipilit pang maging maayos kung isa sa atin wala ng pagnamahal?di ba ang hirap mahirap bang sabihin samantalang kaydali mong gawin....naghihintay ako sa bawat araw,oras,minuto at segundo na makita kitang muli at maabot ng mga kamay ko pero diko magawa dahil ang layo muna at may malaking pader sa gitna nating dalawa ganito na ba tau?maraming tanong ang sumasagi sa isip ko kung kailangan ko pa ba na gawin ko to kailangan ko pa bang magstay sa isang relasyon na diko alam kung may patutunguhan pa ba? O dapat na ba kong bumitaw pero pano ko gagawin kung ang puso ko ayaw kang bitawan....sabi nila ang tanga at nababaliw ako sa pagmamahal na alay ko sayo dahil nagmamahal ako sa taong di naman tanggap ang lahat sa akin ....tulad ngaun mas importante pa sila kaysa sa akin buti pa sila may oras kang nilalaan samatalang ako wala ni wala kang p**i sa mararamdaman ko pero ok lang di naman lahat ng panahon ganito aq sayo ienjoy mo lang hanggat kaya ko pang magstay sau at hanggat kaya ko pang mahalin ka sa kabila ng sakit na pinaparamdam mo sa akin baka isang araw paggising mo wala na ko sa tabi mo💔💔💔💔💔

To be continued;
Happy reading
Salamat

06/04/2025

LOVE STORY 1.4
ilang beses na taung nagaaway,nagkakaayos paulit ulit n senaryo di nga tayo nagkakasawaan s nangyayari sa ating dalawa....hanggang nagaway ulit tau sa dahilang may nasabi ka pero aq pa pala ang mali 2 days tayong hindi naguusap pero aq na naman ang sumuko kahit sinabihan mo aqng wag ng tumawag,napagisipan ko na aq na lang ang susuko tulad ng sinasabi mo na aq ang makipaghiwalay sau kaya ginawa ko numg araw na sinabi kong tatapusin ko na at malaya kana at iblock kita after kong kausapin ka ng bigla namang nawalan ng signal tinawagan kita ng paulit ulit at chat pero di ka na sumasagot s tawag o chat man lang akala ko kasi ok na sau ang pinagusapan natin pero bakit p**iramdam ko guilty aq kaya naisipan kong ichat ang anak mo para kausapin ka na sagutin tawag ko at chat ko at humingi na rin ng sorry at nang bigla kang tumawag....diko napigilan ang pagluha ko at humingi aq ng sorry s pagkakataong yun muli kong narinig na mahal na mahal mo ko at pinatatahan sa pagiyak dahil sa iyak na ko ng iyak sobrang sakit ang naramdaman ko ng araw na yun na masaya.Diko alam kung dapat ba kong maging masaya sa nangyayari hanggang ngaun paunti unti bumabalik tayo sa dati gusto ko na namang paniwalaan sarili ko na babalik tayo sa dati na puno ng pagmamahal at haharap sa mundo bg sabay...di ba ko nanaginip o isang patibong lang ba to na matatapoz ang lahat ng masasayang oras na kasama kita kahit LDR tayong dalawa....ni ayaw ko ng magising sa panaginip na to para di matapos ang marinig ko sau na mahal mo ko kahit minsan di muna ko naaalala kung kumain na ba ko o pagod ba ko...nawala na kasi ang good morning,good night,morning kiss at good night kiss na nakasanayan ko sau at yung sabay tayong kumain kahit on cam lang....umaasa pa rin aq na maibabalik ang lahat ng ito pero kung hindi na lalo lang kitang namimiss at ang mga bagay na sabay nating ginagawa kahit ang ilan naibalik na khit ang iba di pa sana bumalik ka na matagal na kitang hinahanap sa kawalan😭😭😭😭😭😭mahal na mahal kita kahit ganito na ang nangyayari sa relasyon nating dalawa💔💔💔💔.

To be continued:
HAPPY READING

11/03/2025

Love story 1.3

Sa bawat araw na lumilipas,oras na dumadaan,minuto't segundong kaybilis ganun kadali para sau ang balewalain mo aq at ganyan kabilis kung pano mo ko saktan;ok lang dahil yun naman ang gusto mo di kita pipigilan dahil dyan ka masaya,siguro masaya ka kapag nakikita mong nasasaktan aq.Sinisisi mo ko sa pagbabago at kung bakit aq nasasaktan ngaun dahil aq ang dahilan bakit mo ginagawa sa akin to,hindi mo nakikita lahat ng ginawa ko para sau para bang isang crime ang nagawa ko para hatulan mo sa isang kasalanan na pilit mong pinapaamin sa akin na minsan hindi ko ginawa na kahit anong gawin ko mali para sau.Sasabihin mong sabihin ko na ang totoo sa lahat ng hinala mo sa akin,naisip mo rin ba kung meron ka ring pagkukulang at pagkakamali,ang hirap lang kahit ganyan na ang pinaparamdam mo sa akin nanatili aq sa tabi mo kahit sobrang sakit na at durog na durog nako😭😭😭😭😭😭😭😭😭sinabi ko sa sarili ko na di aq magiging tanga pagdating sa pagibig pero bakit nangyayari sa akin ngaun?Sinasabi mong mahal mo ko pero iba ang pinaparamdam mo at ikinikilos mo sa simula pa lang aq na lang lagi ang nageeffort sa ating dalawa,ni hindi na kita maramdaman kapag magkausap tau 😔😔😔😔😔sa sobrang pagmamahal ko sau nakakalimutan ko na may sarili aqng mundong ginagalawan.Gusto kitang sumbatan,gusto kong magalit ng husto sau at isumpa ka pero diko magawa dahil mahal kita,araw-araw na lang lumuluha ang puso ko;nagdurugo ng kusa kahit di sugatan.Bakit hindi muna lang aq prangkahin para matapos na hindi naman aq ang tipo ng babae ipagsiksikan pa sarili ko sa taong hindi na ko ang mahal at di na kailangan....kaya wag kang magalala sasanayin ko ang sarili ko at iisipin araw-araw at gabi-gabi na wala ka na para pag dumating araw na handa na kong iwanan ka at pagod na sa paghahanap sa taong minahal ko noon sana handa ka rin sa lahat ng mangyayari,kung dumating ang araw na yun sana wag mong iisipin na sumuko aq dahil hindi kita mahal bagkus isipin mo na ginawa ko yun dahil guzto kong maging malaya ka at maging masaya dahil naging miserable at magulo ang buhay mo ng dahil sa akin tulad ng sinabi mong "AKO ANG DAHILAN NG PAGBABAGO MO"😔😔😔😔😔

HAPPY READING,NEXT TIME ULIT!

Amen
04/03/2025

Amen

18/02/2025

Love story 1.2

18/02/2025

LOVE STORY 1.2

Tuwing gabi ang saya lagi,araw at gabi laging may chat at tawag hanggang sa sinabi kong tau na...lalong naging makulay ang unang buwan nating dalawa hanggang umabot tau ng 1 year at nasundan pa ng taon madalas man tau mgaway nun pero di natin hinahayaang mtulog ng samaan ng loob sa isat isa nagbabati lagi tau ....andun lagi ang pagseselos na nahahantong sa pagaaway minsan pa nga sinasaktan mo pa sarili mo o di kaya magiinom ka na ayaw kung gawin mo alam kung bakit dahil marami kang nasasabi pag lasing ka kung anu ano ang lumalabas sa bibig na masasakit na salita pero pag tinanong na kita kinabukasan wala kang matandaan pero kahit anong sakit ang nardaman ko ng gabing iyon nawawala pag nagsorry kana at nag i love you ka na dahil nga mahal kita tinanggap ko sorry mo...paulit ulit ganun ang senaryo.Dumating araw na magkikita na tau sobra aqng excited,kabado at saya lalo na ng makita na kita abot kamay na kita pagkatapos ng 2 years na LDR tau sa maikling panahon na nagsama tau sobrang saya ko pero mas mahirap yun araw na maghihiwalay tau ulit dahil kailangan ko ng bumalik pero diko iniisip na dun na pla magsisimula ang lahat ng pagbabagong magaganap sa buhay nating dalawa....akala ko noon magiging ok tau hindi pla nagsimula la ng nagbago ng p**ikitungo sa akin kung noong una madalas kang magselos lalong lumala pati ang pagaaway natin dumalas ni hindi ko na alam kung san pa ko lulugar,kung noon lagi kang tumatawag at magchat ngaun di muna ginagawa aq nalng ang gumagawa nun araw at gabi pati pagtwag nakalimutan muna sinasabo mo lagi sa akin marami kang gawa at busy ka na dati naman busy ka pero nagagawa mo kong tawagan...tumagal ng ganun lagi wala na tayong ginawa kundi magaway at madalas humahantong pa sa hiwalayan pero ako namang tanga konting suyo ok na naman ako tayo ulit kasi nga mahal kita sobra kahit na sobra na kong nasasaktan tinatanggap pa rin kita😭😭😭😭😭😭😭😭mahirap pero kinakaya ko para tumagal tayong dalawadapat kitang unawain at intindihin kahit ang hirap na hirap na at ang sakit sakit para sau balewala ang lahat parang di mo nakikita yung sakit na nararamdaman ko para sayo ok lang na para bang walang nangyari na ok lang sayo na masaktan ako at umiyak bat ganun ako lang ang nagmamahal..ako ba mahal mo ba o nagpapanggap ka lang na mahal mo ko?araw araw tinitiis ko lahat lalo na pag nagaaway tau diko alam bat lagi tayong nagaaway kahit simpleng bagay minsan ang sweet mo sa akin minsan tamang timpla ka minsan diko maunawaan eh...ano ba ko sau kasangkapan mo lang na kahit anong oras na pede mong gamitin o kaya naman laruan na pag gusto mong laruin lalaruin mo ganyan ba yung tingin mo sa akin?akala ko noon nahanap ko na ang prince ng buhay ko akala ko lang pla,nagmahal ka ng lubos pero di ka rin pala mamahalin katulad ng pagmamahal na binigay mo....paulit ulit ang hiwalayan at balikan natin ang tanga diba?😭😭😭😭😭bat kasi ang tanga ko sau bat ba ko nagpapakatanga sa taong tulad mo na walang ginawa kundi ang saktan ako......

To be continued:good mornyt😘😘😘😘😘🥰🥰🥰🥲🥰🥰🥰🥰

11/02/2025

LOVE STORY!

Masasabi kong masyadong makulay,magulo at puno ng sakit ang buhay ko pero ang gusto kong ibahagi ang kwento ng nakalipas....dito nagsimula ang kwentong pagibig ko...
Nagsimula sa simpleng hi and hello ang naging usapan pero after nun di na nasundan,laging ganito ang intro ng usapan sa loob ng isang tao di na nadugtungan para sa akin balewala lahat ng yun walang malisya dahil nga kilala ko na sya pero sa mukha lang hindi sa pangalan kasi nakatira kami sa iisang lugar lang magkapitbahay pero di magkakilala,hindi ko kasi hilig ang lumabas ng bahay ever since taong bahay kahit noong nagaaral pa ko ng kolehiyo school at bahay lang aq....back to hi and hello yun lagi ang set up araw at gabi hanggang nagpasa aq ng isang link lahat ng fb friends ko pinasahan ko at kasama xa sa pinasahan ko noon ng link kaso di naman nya yta tiningnan ang link na pinasa ko hi ulit reply nya sa akin kaya sabi paheart po ng link kuya buksan nyo po ang link ngtanong xa kung anong meron dun at sinabi ko sa kanya kung ano yun hanggang sa nagkakwentuhan at humaba ang usapan diko na iniexpect na madudugtungan pa ang usapan namin ng gabing yun dahil wala naman sa akin kinagabihan yung nakahiga na ko nakatanggap aq ng message mula sa kanya hi ulit ang message ang hilig sa HI 😆😆😆😆pero ok lng sa akin dahil HELLO din reply ko hanggang sa napagusapan na namin ang personal na buhay kuya pa ang tawag ko sa kanya dahil matanda xa sa akin mnsan nagtatawanan at minsan masyadong seryoso parang lagi kaming nasa emergency roon 😅😅😅😅 magkagayunpaman mas ok na yun mula noon lagi na kaming magkausap araw at gabi minsan oras oras pa di matapos ang kwentuhan wag lang maputol ang usapan lahat na yata napagkwentuhan na namin dati nahihiya pa si kuya na magusap kami ng matagal pero habang tumatagal ang paguusap namin nawala na ang hiya namin sa isat isa...
Isang gabi binalot kami ng katahimikan sa walang humpay na usapan sa isang katagang diko lubos na maisip na itatanong nya sa akin pati aq napatigil at di nakapagsalita ng tanungin nya sa akin ang salitang yun,naglalaro sa isip ko noong panahong yun "bakit nya ko tinanong ng ganun?"hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya kaya ang nasambit ko na lang ay "kuya matulog na tayo malalim na ang gabi"....good night po,umiwas aq sa tanong nya.....

To be contibue;(good night)

Address

Manila

Telephone

+85254208752

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bukas na Lang Kita Mamahalin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share