
25/08/2025
๐๐๐ง๐๐๐๐๐๐ก | โ๐ฆ๐ถ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ถ?โ
Samu't saring konotasyon ng kung sino marahil ang maipalalagay bilang isang โbayaniโ ang kalimitang pumupukaw sa pakiwari ng nakararami โ para sa iilan, tila paluwang na nang paluwang ang sinasangguniang batayan para rito. Karaniwang iginagawad ang titulo ng pagkabayani sa mga pigura sa kasaysayan na naghimagsik para sa pribilehiyo ng pambansang kalayaan, sa mga kumondena sa tiranikong burukrasya, sa mga nakibaka sa lansangan upang itaguyod ang sambayanang karapatan, sa mga naghain ng kanilang sarili para sa ikabubuti ng pampublikong kalusugan, sa mga umani ng kadakilaan sa pandaigdigang tanghalan, at sa mga nagpapasigla ng lokal na ekonomiya mula sa ibayo. Maituturing mang makatwiran, nagmimistulang restriktibo ang mga konotasyong ito, hamak na eksklusibong pagkilala na nakatuon lamang sa mga determinado nang mga salik. Sa kabila ng pagkakabilang ng daan-daang karapat-dapat na Pilipino sa titulo ng pagiging isang bayani, lulan mula sa mga pamatayang nabanggit, daan-daan din ang mga Pilipino na hindi nagagawaran ng pagkilala bagaman katumbas o higit pa ang tangan nilang kakamitan.
Sa kasaysayan, nagkaroon na ng nakaraang pagtatangka para hubugin ang kumbensyunal na saligan sa paglalapat ng titulo ng kabayanihan mula sa nagdaang pamahalaan: ang Executive Order No. 75 of 1993 o ang National Heroes Commission sa ilalim ng pangangasiwa ng nooโy Pangulong Fidel Ramos na layuning magsuri at magrekomenda ng mga indibidwal mula sa kasaysayang Pilipino para hiranging โpambansang bayaniโ[1]. Gayunpaman, nagtatak din ng kaigtingan ang mga kwalipikasyong inihain ng komisyon na tuwirang nagkakait sa malawak na saklaw ng mga indibidwal ng karapatan para sa naturang rekognisyon. Tumpak man na kailangang taglayin ng mangingibabaw na pamatayang depinisyon ng pambansang kabayanihan ang matayog na kalibre ng pagkamarapat sa titulo, kailangan rin na taglayin nito ang kaurian na kakamtan-kamtan para sa lahat gayong karamihan sa mga itinuturung nating bayani ay hindi nagmula sa marangyang kabuhayan o sa pribilehiyo ng akademikong kaligiran. Bagkus, sila ay nagmula sa aping komunidad na nauunawaan ang halaga ng imparsyalidad sa kabila ng represibong lipunan. Kung gayon, sino nga ba ang bayani?
Bayani ang mga indibidwal na pinapatnubayan ng isang layunin, ng isang adbokasiya na altruwistiko sa masa. Bayani rin ang mga indibidiwal na kumakatawan sa lipunang pinaglalagakan niya ng prinsipyo, isang kapwa at representatibo ng mamamayang kanyang ipinaglalaban. Bayani ang mga indibidwal na walang takot na salungatin ang mapaminsalang katayuang panlipunan, siyang may kiling para maghayag ng sentimentong kanyang panghahawakan ng may kasigasigan. Bayani ang mga indibidwal na hindi natitinag ng inhustong kalagayan, nagtatanghal ng matatag na karakter. Bayani ang mga indibidwal na nagkokompromiso, nagtataglay ng katalinuhang higit pa sa apat na sulok ng silid-aralan na litaw sa pisikal, taktikal, at sosyal na pagsastratehiya. Bayani ang mga indibidwal na inilulubog ang sarili sa mabusising diskurso, siyang isinasaalang-alang ang lahat sa diskusyon at bukas sa kritisismo. Bayani ang mga indibidwal na kaugnay ng masa, siyang patas ang pagtingin sa lahat. Bayani ang isang indibidwal na radikal, katunggali ng sistemang dominado ng mga oportunista. Higit sa lahat, bayani ang isang payak na mamamayan, walang ekstraordinaryong kapabilidad maliban sa talas ng isipan, determinasyon, kahinahunan, kasikapan, at pagkamaabilidad.
Karangalan ang maging isang bayani, hindi isang antas. Hindi rin ito isang ranggo na ibinababa sa sinumang susunod sa hanay o isang etiketa na bukas para likumin ninuman. Isa itong titulong nararapat maging karapat-dapat ang kahit sino. Ang pagiging bayani ay isang katayuan na kayang makamit ng lahat ngunit isang bagay na hindi dapat mithiin. Sapagkat ang pagiging isang bayani ay pagiging dalisay sa isinusulong na layunin, hindi nasusukat sa dami ng medalya kundi sa kasikhayan na ipagpatuloy ang pakikibaka para sa kapwa at bayan.
Isinulat ni Christian Macadini
latag ni Jeffry Diama