24/12/2024
KATANGIAN NG ISANG TAO NA HINDI MO DAPAT MAHALIN, PARA MAIWASAN MO ANG PAGSISISI SA HULI
Sa mundong puno ng mga kwento ng pag-ibig, hindi lahat ng pagmamahal ay dapat ipaglaban.
Minsan, ang pinakamagandang desisyon ay ang hindi ibigay ang puso mo sa taong hindi karapat-dapat.
Kaya bago mo isuko ang lahat, kilalanin mo muna ang mga katangiang dapat mong iwasan sa isang tao na gusto mong mahalin.
Huwag kang magmamahal ng isang taong nakikipagtiisan lang sayo.
Ang taong kaya kang tiisin kahit alam niyang nagtatampo o galit ka ay isang senyales na hindi siya handang intindihin ang nararamdaman mo.
Kapag ang damdamin mo'y hindi niya kayang bigyang-halaga, paano niya maibibigay ang tamang pagmamahal?
Huwag kang magmamahal ng taong galit din kapag galit ka.
Sa isang relasyon, dapat mayroong balanse.
Ang galit ay hindi sinasagot ng galit, kundi ng pang-unawa.
Kung hindi niya kayang pakalmahin ang sitwasyon at pinapairal niya rin ang init ng ulo, mas magiging komplikado ang inyong relasyon.
Huwag kang magmamahal ng taong minumura ka.
Ang pagmamahal ay dapat puno ng respeto.
Ang salitang binibitawan ng isang tao ay salamin ng kung paano ka niya pinapahalagahan.
Kung ang pagmumura ang natural niyang sagot sa'yo, hindi ito pagmamahal kundi pagpapakita ng kawalan ng respeto.
Huwag kang magmamahal ng taong hahayaan kang masaktan dahil sa kanya.
Ang tunay na pagmamahal ay nagpoprotekta at nag-aalaga.
Kung kaya niyang manahimik habang nasasaktan ka, hindi siya ang tamang tao para sa'yo.
Huwag kang magmamahal ng taong patutulogin ka ng may sama ng loob.
Ang sama ng loob na pinapasan sa magdamag ay nag-iiwan ng mabigat na damdamin kinabukasan.
Ang taon tunay na nagmamahal ay hindi hahayaang matulog ka nang may luha sa iyong mga mata.
Huwag kang magmamahal ng taong kaya kang tiisin ng buong araw nang hindi kausapin.
Ang komunikasyon ang pundasyon ng isang relasyon.
Kung hindi niya kayang magpakumbaba o gumawa ng paraan para kausapin ka, paano siya magiging katuwang mo sa mga mas mabibigat pang pagsubok?
Huwag kang magmamahal ng taong kaunting problema lang, bibitawan ka na.
Ang relasyon ay nangangailangan ng tibay at determinasyon.
Kung ang sagot niya sa bawat hamon ay ang paglayo, mas mabuting hindi ka na lamang niya sinubukang makilala.
Ang pagmamahal ay hindi palaging masaya.
Ngunit hindi rin ito dapat maging dahilan ng patuloy mong paghihirap.
Piliin mong mahalin ang taong kaya kang ipaglaban, alagaan, at respetohin hindi dahil kailangan mo, kundi dahil karapat-dapat kang mahalin ng tama!