17/08/2025
✨𝐒𝐚 1𝐚𝐛𝐢𝐧𝐠 4𝐩𝐚𝐭, 𝐌𝐠𝐚 𝐍𝐢𝐧𝐠𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐮𝐦𝐢𝐬𝐢𝐤𝐚𝐭✨
Sa loob ng labing apat na taong pamumulaklak ng PLM Propaganda, tayo’y nakapaghatid ng mga kuwentong tagos sa bahagharing sumasalamin sa ating pagkatao at mga kuwento ng pagkakaQUEERlanlan.🌈 Maraming balakid ang bumalot sa landas na ating tinahak upang patuloy na ipaglaban ang ating mga karapatan, ngunit sa kabila ng mga ito’y nahanap natin ang susi sa kandadong patuloy na ikinukulong ang ating mga boses na may kapangyarihang palaguin ang mga makukulay na mirasol sa ating minumunting espasyo.🌻
𝐌𝐠𝐚 𝐁𝐞𝐤𝐢 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐏𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐋𝐮𝐦𝐚𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧!✊🏻
𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐩𝐢𝐩𝐢𝐠𝐢𝐥 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐭 𝐬𝐢𝐧𝐨 𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐝𝐛𝐨𝐤𝐚𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐬 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐭𝐢𝐧𝐝𝐢𝐠 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐨𝐩𝐫𝐞𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐝𝐢𝐥𝐢𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚𝐥𝐨𝐭 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐠𝐡𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐰𝐚𝐭𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐧𝐚 𝐩𝐮𝐦𝐚𝐩𝐚𝐠𝐚𝐬𝐩𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧.🏳️🌈 Ang ating labing apat na taong pagtindig ang siyang naging kulay sa naghihingalong apoy ng lampara na pilit na pinupuksa ng mapaglarong lipunan.
𝐊𝐚𝐫𝐚𝐧𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐢𝐩𝐢𝐧𝐭𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐧𝐭𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐤𝐥𝐮𝐬𝐢𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐮𝐧𝐢𝐛𝐞𝐫𝐬𝐢𝐝𝐚𝐝, 𝐭𝐚𝐥𝐢𝐰𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐲𝐨 𝐧𝐢𝐭𝐨.🪞 Marami ang patunay na ito’y nababalot pa rin ng mga paniniwalang ‘di akma sa titulong inaangkla rito. Paulit-ulit na umuusbong ang mga kasong may kinalaman sa diskriminasyon sa kasarian, dahilan upang mas patatagin ng organisasyon ang kanilang laban tungo sa isang ligtas na Pamantasan.
Sa mga salita ni 𝐌𝐱. 𝐑𝐚𝐩𝐢𝐝 𝐂𝐚𝐧𝐨𝐧𝐢𝐳𝐚𝐝𝐨, 𝐭𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐧𝐠 𝐏𝐋𝐌 𝐏𝐫𝐨𝐩𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚 “As I reflect on these 14 years, I feel more than just pride—I feel hope. The fight is far from over, but we are not the fragile group we once were. We are strong, strategic, and united.” 🌷
Sa labing apat na taong pagtindig, bahagya nating napintahan ng kulay ang dating puti at itim na pader ng Pamantasan.🎆 Ang mga awiting ikinulong sa loob ng mga aparador ay unti-unting nabibigyan ng buhay at tono.🎼 Higit sa lahat, ang adbokasiyang ating pinanghahawakan mula noong unang araw ay ating bitbit sa bawat hakbang, galaw, at laban para sa mas makabuluhang Pamantasan.
Ang inukit na pundasyon ng PLM Propaganda ay hindi basta-bastang nabibitak, bagkus ay mas tumitibay ito hangga’t may isang beking 𝐧𝐚𝐝𝐢𝐝𝐢𝐬𝐤𝐫𝐢𝐦𝐢𝐧𝐚, 𝐧𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐩𝐚𝐭𝐚𝐧, 𝐚𝐭 𝐧𝐚𝐢𝐛𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐚𝐨.✊🏻🏳️🌈 Patuloy tayo sa pagpapalakas ng tindig at pagpapalawig ng adbokasiya upang masigurado na ang pakpak ng bawat isa’y papagaspas sa tamang panahon.🦋
𝐊𝐚𝐲𝐚’𝐭 𝐡𝐚𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐤𝐥𝐨𝐬𝐞𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐬𝐚𝐫𝐚, 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐬𝐢 𝐏𝐋𝐌 𝐏𝐫𝐨𝐩𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚. 🗄️
𝐋𝐀𝐁𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐧𝐚 𝐓𝐚𝐨𝐧, 𝐏𝐚𝐧𝐢𝐧𝐠𝐧𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧. 𝐕𝐢𝐯𝐚 𝐏𝐫𝐨𝐩𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚! 🌈
Written by: Jahna Par
Pubmat by: Bella Reyes
💗
🏳️🌈🏳️⚧️