21/09/2026
PARTYLIST, NAGBABALA SA POSIBLENG BAN SA FACEBOOK KAPAG HINDI DUMALO SI MARK ZUCKERBERG O META SA HEARING
Nagbabala si Philreca party-list Rep. Presley de Jesus na maaaring ma-ban ang Facebook o Meta sa Pilipinas kung hindi ipapakita ni Mark Zuckerberg at iba pang opisyal ng social media platform ang kanilang pagiging seryoso sa Pilipinas.
Sa isang pahayag, sinabi ni De Jesus na sa kabila ng bilyon-bilyong piso na kinikita umano ng Meta sa Pilipinas ay tila wala itong ginagawang aksyon para tugunan ang mga reklamo na may kaugnayan sa scam, fake news, at iba pang mga mapanganib na content.
βMeta earns from Filipinos every single day. It earns from our attention, our data, our businesses, and our advertisements. But when Filipinos get scammed, defrauded, or misled on its platforms, where is the accountability?β ani De Jesus.
Pag-uusapan sa hearing kung gaano nga ba kabilis ang Meta sa pagtugon sa mga reklamo at kung paano nakakalusot ang mga content na maituturing na delikado sa mata ng publiko.
βMeta cannot have it both ways. It cannot earn billions from the Philippine market while treating Filipino users as someone elseβs problem,β aniya.
Ayon pa kay De Jesus, may iba pa namang puwedeng dahilan si Zuckerberg para bumisita sa Pilipinas.
βI heard that Mr. Mark Zuckerberg recently took up surfing, and we have really good surfing destinations here in the Philippines. Maybe on his way to one of our beaches, he can stop by Congress and really show us how important and serious the Philippines is to Meta.β aniya.
Sa ngayon ay wala pang tugon si Zuckerberg sa imbitasyon ng House of Representatives.