Love is Sacrifice by AmanSon RS

Love is Sacrifice by AmanSon RS This is the Official Facebook Fan Page of Ric Bhalwarte that owned by AmanSon Reborn Fansclub. I love music and arts. But I have no talent in them.

Some say I'm Annoying..................................
Some say I'm Funny.....................................
Some say I'm Sentimental...............................
Some say I'm too Meddlesome............................
But I say... Who cares... I'm just being me............

I don't drink nor smoke. I don't hate people who does them, but I tend to keep my distance when they do because I don't

do well with smoke or alcohol. I love classical and a little bit of the modern stuff but I still love the classics.........

I sometimes make jokes but when I get too far, please tell me because I don't want to hurt other peoples feeling.............................

I may not look like it but I'm a serious guy, I just want to get along with others that's
why I always act like a clown or something like not acting like my own age. I may be not that mature because I'm still a child at heart haha. I'm very lazy and works on deadlines but if I have an inspiration then that's a different story..................................................

I only want to be happy and to realize my dream........
But not at the expense of others.......................
Because there's not point to be happy if you can't share that happiness. Know me first before you Judge me...... (MokMok).......

CTTO. 1st FB Page of
https://www.facebook.com/udontdodat2me.9

“May this love NEVER find me again.” 🍂A tiktok trend, yes.But behind those words are real people, real heartbreaks, and ...
26/06/2025

“May this love NEVER find me again.” 🍂

A tiktok trend, yes.
But behind those words are real people, real heartbreaks, and real wounds that still bleed silently.

Nakakaiyak basahin.
Nakakagulat isipin na may lalaking kayang magsabi ng ganyan — with no remorse, no hesitation.
Parang ang dali nilang bitawan yung taong nagmahal, umintindi, nagtiwala.
As if love meant nothing.

And what hurts most?
Some girls stay — thinking baka magbago, baka ako kulang, baka ako ang problema.

But please, this isn’t love.
Love doesn’t belittle.
Love doesn’t curse you.
Love doesn’t leave you blaming yourself for someone else’s cruelty.

To every girl who’s been made to feel like she’s hard to love —
You are not.
You just loved someone incapable of loving right.

So if this is what love looked like…
May it really NEVER find you again.
Because you deserve peace.
Because you deserve kindness.
Because next time love comes knocking —
You won’t be begging to stay.
You’ll be brave enough to walk away.

Ctto. Agapi Krizzalyn

Birthday na pala ni Ms. after this month. Stay strong sa kanila ng Korean Husband niya.

- MC

Hindi lahat ng Gwapo ay babaero at hindi lahat ng panget ay Loyal. Cheating is a Choice kaya tingnan mo naging consequen...
24/06/2025

Hindi lahat ng Gwapo ay babaero at hindi lahat ng panget ay Loyal. Cheating is a Choice kaya tingnan mo naging consequences ng ginawa mo.. Wala din palang pumili sayo kaya mag-isa ka na lang. Huwag rin magtaka kung bakit hindi ka binigyan ng Chance ng GF mo kahit isang beses ka lang nagkamali.

Pwedeng bumase siya sa itsura kaya hindi ka niya ganun kamahal. Pwede ring kaya ka niya sinisiraan at pinapahiya para hindi lang siya ang masaktan kundi ikaw rin. Babae din ako at naranasan ko rin ang Heartbreak. That's why I don't invalidate her feelings, noong ako ay dinadaan ko na lang sa pag-awit noon ng mga Classical songs.

- MC

Wala Bang Karapatang Magloko Ang Panget?

Dear Kuya Mid,

Hindi ko alam kung may karapatan pa ba akong magpaliwanag. Pero susubukan ko pa rin. Dahil kahit alam kong mali ako… tao lang din ako. Nagkamali. At nasaktan din.

Ako po si Lester, 31 years old, tricycle driver dito sa Tondo. Hindi ako guwapo. Hindi ako matangkad. Hindi rin ako tisoy o matipuno. ‘Yung tipo kong mukha, madalas pinagdaraanan lang ng mata ng mga tao. Hindi pansinin, hindi napapansin—kumbaga, pang-background lang sa kwento ng iba.

Pero kahit ganun ako, may minahal sa’kin. Si Jam. Siya ang unang babaeng tumanggap sa’kin nang buong-buo. Maganda siya, makinis, maliit pero palaban. Lahat ng kaibigan ko, nagulat nung naging kami. Swerte raw ako. Jackpot. Ang dami nilang tanong:
“Paano mo nakuha ‘yan, Les?”
“Nagpa-hipnotismo ka?”

Tinatawanan ko lang. Pero sa loob-loob ko, iniingatan ko si Jam higit pa sa buhay ko. Tinuring kong reyna. Ginawa ko ang lahat. Kahit walang-wala ako, sinikap kong bigyan siya ng komportable at masayang buhay. Nagtitipid ako sa sarili ko, basta siya lang may bagong damit, bagong cellphone, kahit simpleng cake tuwing monthsary.

Pero, Kuya Mid, kahit anong bait ko, kahit gaano ko siya kamahal… hindi ko alam kung bakit nagawa ko pa ring magkamali.

Si Grace, isa sa mga pasahero ko, medyo malapit lang bahay sa amin. Kwela siya, masayahin. Palagi kaming nagkakasabay sa sakay, tapos naging ka-chat. Wala talaga akong balak. Pero sa mga panahong nag-aaway kami ni Jam, sa mga panahong pinaparamdam niya sa akin na hindi ako sapat, si Grace ang naging takbuhan ko. Sa una, simpleng kwentuhan lang. Hanggang sa may nangyari.

Isang beses lang. Pero sapat para gumuho ang lahat.

Nalaman ni Jam. May nakakita raw sa amin ni Grace na magkasama sa motel, at agad niya akong kinumpronta. Hindi ako nakapagsinungaling. Umamin ako. Iniyakan niya ako nang parang wala na akong kwentang tao. Tinawag akong baboy, manloloko, gago. Sabi niya,
“Ikaw na nga ‘tong hindi kaaya-aya, ikaw pa ‘tong may lakas ng loob manloko.”

Doon na nagsimula ang lahat ng pagkapahiya ko.

Pinagkalat niya. Pinost sa Facebook. Pinagtawanan ako ng mga tropa. Ang dami kong nabasang komento:
“Panget na nga, malandi pa.”
“Walang utang na loob.”
“Kung ako si Jam, matagal ko nang iniwan ‘yan.”

Masakit, Kuya Mid. Kasi hindi lang ako basta nagkamali—parang sa mata ng tao, wala akong karapatang magkamali. Parang dahil hindi ako guwapo, dapat perpekto akong magmahal. Dapat hindi ako nagkakamaling tulad ng mga lalaking hinahangaan nila.

Pero tao rin ako. Marunong din masaktan. Napagod din. At oo, nadala rin ako sa maling paraan.

Hindi ko pinagmamakaawa ang kapatawaran ni Jam. Alam kong masakit ‘yung ginawa ko. Pero sana man lang, ‘wag sanang pagtawanan ‘yung pagkatao ko. ‘Wag sanang gawing biro ang pagmamahal ko, kahit mali ang naging desisyon ko.

Kasi, Kuya Mid, pag ang guwapo nagloko, sasabihin ng iba: “Babaero talaga, ‘di mo masisisi, ang dami kasi nagkakagusto.”
Pero pag ang panget ang nagloko?
“HAHAHA. Nakakatawa. Akala mo kung sinong may karapatan.”

Walang sinumang mas may karapatan magmahal. At wala ring sinumang perpekto para hindi magkamali. Ang pagkakamali ay hindi nakabase sa itsura. Tao lang tayong lahat—marunong magmahal, marunong din masaktan, at oo, minsan, marupok rin.

Ngayon, mag-isa na lang ako. Wala na si Jam. Wala na rin si Grace. Ang natira na lang… ako, at ang mga pangungutyang paulit-ulit na tumatambol sa isipan ko gabi-gabi.

From sender:
Lester Maravilla

Yung sa akin na lang sana ang June 14 dahil na-busy si Founder   sa pag-alis ng manugang nila for next week. Matutuloy b...
16/06/2025

Yung sa akin na lang sana ang June 14 dahil na-busy si Founder sa pag-alis ng manugang nila for next week. Matutuloy ba iyan? Eh napapadalas na ang sama ng panahon?

By the way, malapit nang ipalabas ang Sangre dahil nag-finale na yung LOLONG SEASON 2. Mabuti na lang ay maganda ang naging Ending nito. Yung nagkahiwalay sina Elsie at Lolong noon pero noong nagkabalikan ay may anak na. Siguro ganito rin ang magiging pagtatagpo muli ng AmanSon Loveteam. May closure kaya sila or magiging Official na? Buhay pa kaya nun ang Impostor or sumakabilang bahay na?

- Admin Rex

Aired (June 13, 2025): In Lolong's (Ruru Madrid) final battle against evil, will he be able to defeat the people who abused him? Will he and his family final...

04/06/2025

Her cousin told this to me that it is about sa pagka-ospital raw ng ibang Direktor. Yung suki ng mga Film Making Contest at Film Festival. Malamang na-trigger lang ang trauma ni Barbie Ramirez sa Hospital. On that kind place din kasi namatay ang Papa niya noon when she's 19 year old palang.

Then, noong mga nasa 25 na siya ay yung bagong panganak siya kay pero sinugod siya ni Jaustine Vernal nang laseng, pinagmumura, dinuro duro at inaway. Inatake siya sa puso at kitang kita sa CCTV malapit sa pintuan ng OB Ward ng East Avenue Medical Center yung pangyayari. Nabasa ko rin iyan sa Article ng We Hate Ambarca Famous na napanuod raw iyan ng Lolo niyang si Ferdinand Bañadera III kaya paglabas ng Korte ay napalo niya ng tungkod si Jaustine sa harap ng camera ng mga Reporters sa Quezon City Hall. Iyan yung napanuod ng mga tao sa TV.

Yung sa huli naman ay yung nasaksak si Jaustine at 3 days sa ICU. Ilang araw hindi makakaen at makatulog nang maayos si Barbie. Nambabash pa yung mga kamag-anak kaya Voluntary siyang naging bantay at caregiver ni Jaustine para makalipat lang ng ward iyon.

Imagine kung lahat iyon ay naalala ni Barbie? Kaya nakapagcomment siya ng reminder sa kasamahan niya sa media. You can't blame her to feel sad about it. By the way, happy birthday sa anak ni gaw Mokmok na si para bukas.

- Founder

Be thankful that you have a real friend na nagprank sayo para lang tubuan ka man lang ng konsensya. No one deserves to b...
04/06/2025

Be thankful that you have a real friend na nagprank sayo para lang tubuan ka man lang ng konsensya. No one deserves to be an option because you deserve better. Anyway, happy monthsary sa "Bridge of Messages" ng AmanSon Loveteam.

- MC

AWARE AKONG MAY FIANCÉ ANG GUY NA KA-MEET UP KO LAGI, PERO IN-IGNORE KO PA RIN ‘YON

Hi, this is my first time posting on this. Wala kasi akong mapagsabihan, I had a f*** buddy for 3 months, he's twice my age. Mabait siya, magaling, and guwapings, kaso may s@b!t, may fiancé. He told me na okay lang daw doon sa fiancé niya na kumilala siya ng bago or magkaroon ng ka-f*** buddy, kasi naunang mag-che@t ‘yung babae.

They were together for 6 years daw, 4 years was their golden years, then noong 2 years na lang ay nagkagul0 na. Nag-abroad daw siya, tapos doon na humanap ng iba ‘yung girl. We were talking about this sa isang coffee shop. I can see the p@in in his eyes noong sinabi niya na ‘yung car daw na pinundar niya, pi-na-drive doon sa lalaki noong fiancé niya. I know mali, pero kumagat ako, may benefit e, hatid-sundo, walang ginagastos if mag-meet kami kaya naniwala ako sa kaniya.

Minsan lang kami magkita sa isang buwan, pero hindi kami nawawalan ng contact sa Telegram. Not until may tumawag sa 'kin, 12:53 AM ‘yun Landline number ang gamit, akala ko noong una mga tropa ko lang na pinagtripan ako, kaya sinagot ko. Tinakasan ako ng b@it noong ang bungad sa' kin ay "Ano’ng meron sa inyo ng fiancé ko?".

Natameme ako. Hindi ko alam isasagot ko kaya binaba ko agad. Sinimulan kong i-deactivate lahat ng account ko, mga pictures ko sa TG, pinag-de-delete ko. Tapos dinelete convo ko na rin ‘yung convo namin noong guy. Pr@ning na pr@ning ako noon, nanlalamig ‘yung katawan ko pero butil-butil ‘yung pawis ko.

Maya maya tumawag ulit, "Hello? Ano’ng meron sa inyo ng fiance ko?" Sinagot ko kahit nanginginig na 'ko, "Hello po, can we talk sa message na lang po?" hindi ulit ako makasagot, kaya sinundan niya pa ulit, "Are you still a student? Can I talk to your parents?" Pinilit ko ulit na sa message na lang kami mag-usap pero ayaw niya. "Can I ask what's your name?... Are you having *thing* with him?", hindi ko na kinaya.

Binabaan ko na, buong gabi akong dilat, hindi man lang ako inantok. Maaga akong kumilos para pumasok, hindi na ako nan*n*gar*ly* pero nap*s*nd* ako sa sobrang str3ss. Not until tumawag ‘yung isa kong tropa, pinagtatawanan ako, hindi raw ako makausap nang maayos, para raw akong nakap*t**. Sa mga oras na ‘yun, iniisip ko na ‘yung future ko, ‘yung disappointment ng pamilya ko sa 'kin kapag nalaman ‘yun, at isa pa, baka ma-post ako.

Kasalanan ko rin naman talaga kasi pumayag ako sa ganoong setup, na hindi ko naisip na baka makeup niya lang ‘yung che@ting issue noong babae, pero kasi may benefit ako. Kaya nagbulag-bulagan ako sa ganoon. Tawang-tawa ‘yung kaibigan ko, pr@nk niya lang daw ‘yun. Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano pero may agam-agam pa rin sa puso ko.

Sabi ko tawagan niya ulit ako gamit ‘yung number na ‘yun, tumawag nga. Nakangiti na ako pagtapos noon, pero iniisip ko pa rin ‘yung lalaki, noong gabing tinawagan ako ng kaibigan ko para i-prank ako, nag-reach out ako sa kaniya sa ibang platform. Gumawa ako ng throw away account para kausapin siya.

Nag simula narin akong magduda noon kasi nag-reply siya sa throw away account ko, pero hindi siya nag-reply sa main account ko. Not until now na nag-reach out na siya sa 'kin sa TG, nagtatanong kung bakit ko raw ba siya pinag-trip-an, hindi ko lang masabi na napag-trip-an lang din ako. Nagsabi ako na gusto ko ng putulin kung ano’ng meron kami, hindi na kaya ng konsensya ko, at ‘yung takot na naramdaman ko, ayoko ng maulit, pumayag siya, pero nasundan ulit.

Baka raw puwede pa naming pa-usapan muna, o ayaw ko na raw ba talaga. Hindi sa ayaw ko, hindi na kasi puwede. Nalulungkot ako kahit papaano, gusto kong tanungin kung bakit ngayon lang siya nag-reach out pero pinili ko na lang manahimik. Tuwang-tuwa ako noon kapag may kasint@han ang lal@ki ko, na-thrill at na-challenge ako sa ganoon.

Pero simula nang maranasan ko ang tak0t na ganoon, ayaw ko na. Hindi na rin kaya ng konsensya ko. Napitik ang bung0 ko sa nangyari noon na may maka-*thing* na may kasintahan. Hindi ko man lang naisip ang nararamdaman ng kapwa ko babae. Salamat din sa kaibigan ko na ‘yun, kahit alam kong ginawa niya lang ‘yun para sa kal0k0han, kahit papano natapik ako. Nalulungkot lang talaga ako sa usaping gusto ko siyang kausapin, pero hindi na puwede. Naging masaya rin naman ako sa piling niya kahit papaano.

Sister
2025
*Confidential

Libre lang maging T-A-N-G-A pero huwag niyong lubus lubusin.- Admin Rex
22/05/2025

Libre lang maging T-A-N-G-A pero huwag niyong lubus lubusin.

- Admin Rex

“KAPATID LANG DAW NYA PERO ANAK PALA TALAGA AT ANG MAS MALALANG NALAMAN KO…”

Need lang sana ng advse sa sitwasyon namin ng fiance ko. Nagproposed ako ng kasal sakanya last Feb 14. Quick background lang sa relasyon namin, 3yrs kami magboyfriend. Bihira lang ako nakakapunta sa bahay nila, tuwing may special occasion lang talaga ng family nila. Taga Pampanga ako sila namin taga Bicutan.

Kaya bihira lang talaga ako nakakapunta sa bahay nila. LDR din kami pero pnupuntahan nya ako sa pampanga twice a month. Sya yung babae, pero sya yung mas nageeffort na magkita kami. 5times pa lang ata ako nakpunta sakanila. Ang kasama nya sa bahay yung 6yo nya kapatid, 2 kapatid na lalake (BIL ung isa dun) at 1 ate nila.

Dati nung bumibisita ako bata pa yung kapatid nya kaya di ko pa naririnig magsalita tsaka sa tuwing nandun ako pinapasyal ng kapatid nya yung bata. Ngayon pumunta ako sknila kasi bday ng ate nya. Narinig ko yung bata ang tawag nya sa gf ko mama, tapos dun sa isa kapatid na lalake papa. Makikita mo sa mukha ng lahat na para ba nagkagulatan kami sa narinig namin.

Tnawanan nga lang nila tapos moveon na sa usapan. Pero inulit nung bata yung tawag sa mama at papa. Baka daw yung oras na yun ang perfect time para umamin sila lahat kaya snabi nila yung totoo na yung bata ay anak ng fiance ko at yung papa nya ay yung snabi nya kapatid nya lalake.

Magkasama sila sa bahay all of these time.
Hindi daw magawa umalis nung lalake dahil sa bata at walking distance daw ang office nya sa bahay. Nagusap kami lalake sa lalake at magaminan, kasi di ako ppayag na uuwi ako na di ko nakukuha lahat ng tanong na gusto ko. Every since pinanganak yung bata nandun na sila magkasama sa bahay ng ate nya.

Matagal na daw wala sila relasyon before pa ako pumasok sa life ng fiance ko. Kaya huwag ko daw isipin na nagluloko sila sakin. Pero meron sya inamin na di ko matanggap, may ngyayari parin sakanila pero no feelings at all. Kapag nasttress o malungkot tsaka lang daw may ngyayari sknila. Pero ako daw iniimagine ng fiance ko sa tuwing may ngyyari sknila kasi bnabanggit daw nya pngalan ko.

Hindi ko alam kung tama ba ituloy yung kasal sa nalaman ko. Never daw sila nagcheat sakin kasi wala naman na daw feelings o love sknila sadyang nagkakasama sila sa bahay at di naiiwasan may mngyari kasi ngkikita sila araw araw. If ever daw na ikasal kami, sakin uuwi fiance ko at iiwan dun sa lalake yung bata dahil mas malapit yung bata sa tatay. Ano kaya mapapayo nyo.

"Alam mo kung bakit hindi ka makausad? Kasi ikinukulong mo ang sarili mo sa nakaraan. Hindi ka talaga niyan makakausad k...
22/05/2025

"Alam mo kung bakit hindi ka makausad? Kasi ikinukulong mo ang sarili mo sa nakaraan. Hindi ka talaga niyan makakausad kapag masyado mong niroromanticize iyong nakaraan, iyong ideya ng relasyon n'yo ni Elle. Stop romanticizing the pain, the idea of being with him. Ayos lang masaktan, pero iyong ikukulong mo ang sarili mo sa sitwasyon na 'yan? 'yun ang hindi ayos. Usad na. Tanggapin mo nang kapatid mo siya, alisin mo na rin ang mga what if's kasi gano'n talaga. Hindi na mahalaga ang nakaraan anteh, ang mas mahalaga ay 'yung ngayon." - One of the commentors

Dapat sa page ng BX Novelty na lang ito naka-share. Nabasa ko din kase yung Love Story nina King Macarth (Daddy ni Barbara X) at ni Margaret sa Book 1. Literal na naging Family Stroke dahil parehas nilang hindi alam na magkapatid pala sila. Ang mas malala pa ay naanakan niya ang Half Sister niya.

- MC

KAYA PALA MAGKAHAWIG KAMI NI BF

Hello USF, naniniwala ba kayo sa destiny? Itago n'yo na lang po ako sa pangalang Elle, 20 years old, taga Manila City. Pasukan na po noon, Grade 12 Student ako (17 years old) ng makilala ko si Eli, nakatabi ko si Eli noong nag-seating arrangement kami, hindi ko inaasahang doon magsisimula ang aming love story. Naging malapit po agad ang loob namin sa isa't isa, hindi rin namin alam kung bakit—basta ang naramdaman namin magaan ang pakiramdam namin sa isa't isa kapag magkasama kami.

Nagustuhan ko s'ya dahil sa angking galing n'ya sa pag guhit, nahuhuli n'ya ako na nakatitig sa mga ginuguhit n'ya kaya naman tinanong n'ya ako kung gusto ko bang iguhit niya ako, pumayag naman ako ka agad, dahil doon nagsimula ng magkagusto ako sa kaniya. Iginuhit n'ya na nga ako at sinabi n’yang huwag muna akong malikot, nakatingin lamang ako sa mga mata niya, hanggang sa nagkatitigan kami, hindi ko alam kung anong bugso ng damdamin ang pinaparamdam ng puso ko dahil agad-agad niya na lamang itong na papatibok ng todo.

Ang natandaan ko pa ngang nagpakilig sa aming dalawa noon ay nu’ng shinip kaming dalawa ni Eli kasi magkamukha raw kami at meant to be raw kami, at dahil bukod sa magkahawig na kami malapit rin ang pangalan namin sa isa't isa. Dumaan na nga ang tatlong taon ng malaman namin ang hindi namin inaasahang pangyayari, 19 years old (2nd year college) nang malaman namin ang masamang balita—na ikinahiwalay naming dalawa. Isipin n’yo 'yon, 3 years na sana kami kaso ng malaman naming mag kapatid kami (kapatid sa magulang), iyon na ang naging ending ng lahat-lahat sa aming dalawa ni Eli, ang greatest love ko.

Ang daming nangyaring hirap at sakit sa aming dalawa, nakakagulat nga rin, hindi ko akalaing siya 'yung anak ng papa-dada ko sa labas, ang sakit-sakit. Pinag hiwalay agad kami noong malaman 'yon ng mga magulang namin, hindi ko akalaing destiny pala ito, hindi 'yung tadhanang pinagtagpo kami para sa isa't isa, kun’di tadhanang makita ko ang kapatid ko sa labas na minahal ko pa ng sobra. Ngayon, masaya na siya sa bago niya, pero ako? Nandito pa rin ako, umiiyak at naaalala ang bawat sandali nu’ng kami pa.

Hindi ko akalaing ganito ka sakit ang ibibigay sa akin, may mas sasakit pa ba rito? Ang dami kong kuwestiyon sa sarili ko kung bakit ako pa dapat ang makaranas ng ganitong pag-ibig, nagmamahal lang naman ako. Habang nakikita ko siya kasama ang bago niya ang saya-saya nila, pero ako nadudurog ang puso ko, siguro dahil hindi naman ako ganito ka bilis maka-usad kun’di dahil minahal ko si Eli, hindi bilang kapatid kun’di bilang mapapangasawa ko balang araw. “kung itinuloy lang sana natin, buong-buo pa rin sana ako”, pero hindi pwede dahil ikaw ay kapatid ko.

Elle.
20**
*Confidential

Address

Malate
Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Love is Sacrifice by AmanSon RS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category