12/12/2025
Sobrang bihira na lang makatagpo ngayon ng isang tao na kahit hindi mo bantayan, kahit gaano pa kalayo kayo sa isa’t isa, ay hindi ka lolokohin. Kaya kapag nahanap mo na ang ganung klase ng tao, alagaan mo. Huwag mong sayangin, dahil minsan lang dumating sa buhay mo ang taong ang iniisip ay ang future ninyong dalawa.
Huwag mong ipagpalit ang tiwalang binigay sa’yo para lang sa panandaliang libog. Kapag nasira ang tiwalang ’yan, mahirap na itong buuin ulit. Kaya ikaw, hindi mo kailangan mag-overthink, lalo na kung alam mo naman sa sarili mong hindi ka kapalit-palit. At kung pipiliin ka man lokohin ng partner mo, choice na nila ’yun—basta ikaw, naging totoo ka.
Kahit bantayan mo pa sila 24/7, kung malandi talaga, maglalandi pa rin.
Sana lahat ng partners ganito ang mindset: hindi kailangan bantayan, dahil sila mismo ang marunong umiwas sa temptations. Hindi lahat kasing disiplina natin—na kahit gaano pa tayo kalasing, alam pa rin natin kung paano umiwas sa mga bagay na puwedeng makasira ng relasyon.
Kapag may respeto ka sa partner mo, ikaw mismo ang kusang lalayo sa mga sitwasyong puwedeng magdulot ng gulo. Hindi yung sasabihing “wala lang ’yun” lalo na kung past issues na alam mong sensitibo pa rin. Dapat marunong kang mag-validate ng nararamdaman ng partner mo. Hindi man sila magsabi, pero ikaw dapat ang may alam kung ano ang tama sa mali.
Bago mo tawaging “toxic” o “overthinker” ang partner mo, tanungin mo muna sarili mo:
May ginagawa ba akong nakakatrigger?
Nirerespeto ko pa ba siya?
Kapag overthinker ang partner mo, ibig sabihin may mga bagay sa paligid nila na hindi nila komportable. Simple, ’di ba? Kaya dapat marunong ka ring maging over-explainer paminsan-minsan—kasi ang goal mo ay buoin ang tiwala nila, hindi sirain.