MR. PARES Bayanihan

MR. PARES Bayanihan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from MR. PARES Bayanihan, Digital creator, Roxas St Magsaysay Village Tondo, Manila.

16/07/2026

Isang magandang umaga, Nagtahan! ☀️🍽️

Ngayong July 16, 2026, naghatid ang Mr Pares at TV5 Good Morning Kapatid ng libreng almusal para sa ating mga kababayang nagsisimula ng kanilang araw. Simpleng almusal, malaking ginhawa. ❤️

23/06/2026

DAY 1 | PROJECT NGIRIT 😊

Nagsimula na ang aming misyon sa Coron, Palawan! Sa unang araw ng Project Ngirit, hindi lamang kami nagdala ng tulong kundi naghatid din ng mga ngiti, pag-asa, at pagmamahal sa komunidad.

Nakakatuwang makita na sa simpleng pagkakaisa at bayanihan, kaya nating magbigay ng saya sa mga taong nangangailangan. Ito pa lamang ang simula ng isang makabuluhang paglalakbay.

Maraming salamat SB Cai Tejada ng Coron, Gell TV, Chinito Rider, at sa lahat ng naging bahagi ng Project Ngirit. Sama-sama nating patuloy na ipalaganap ang kabutihan, isang ngiti sa bawat pagkakataon. ❤️






Maagang biyaya, maagang saya! ❤️🙏Kasama ang Mr. Pares Bayanihan at Good Morning Kapatid TV5 sa pamimigay ng libreng almu...
19/06/2026

Maagang biyaya, maagang saya! ❤️🙏

Kasama ang Mr. Pares Bayanihan at Good Morning Kapatid TV5 sa pamimigay ng libreng almusal para sa ating mga masisipag na kababayan na araw-araw nagsisikap at naghahanapbuhay. Maliit man ang aming naibabahagi, hangad namin na makapagbigay ng ngiti, lakas, at inspirasyon sa pagsisimula ng inyong araw.

Saludo kami sa lahat ng manggagawa at sa bawat taong patuloy na lumalaban para sa pamilya at pangarap. God bless po sa ating lahat!

Morning Kapatid Mr. Pares

"Edukasyon at Kalinga: Isang Outreach Program sa Coron, Palawan sa Pamamagitan ng Pamamahagi ng School Supplies at Libre...
08/06/2026

"Edukasyon at Kalinga: Isang Outreach Program sa Coron, Palawan sa Pamamagitan ng Pamamahagi ng School Supplies at Libreng Gupit para sa mga Batang Mag-aaral".

Project Ngirit (Ngiti) kasama sina SB Cai Tejada Chinito Rider Gell TV ay naghandog ng Ngirit sa bawat kabataan sa Brgy. Banuang Daan, Coron Palawan.

Cai Tejada Jude Cruz Keith A Dela Peña

Bayanihan sa Coron, Palawan: Pagbibigay ng School Supplies, Libreng Gupit at Pagkain Bilang Suporta sa mga Batang Mag-aa...
07/06/2026

Bayanihan sa Coron, Palawan: Pagbibigay ng School Supplies, Libreng Gupit at Pagkain Bilang Suporta sa mga Batang Mag-aaral at Kanilang mga Pamilya.

Sa pamamagitan ng tulong ni SB Cai Tejada at Chinito Rider, at Gell TV nakapagabot tayo ng tulong at nakapagbigay tayo ng ngirit sa mga tagbanwa.

Cai Tejada Jude Cruz Keith A Dela Peña

Sa gitna ng init at pagod ng araw-araw na buhay, muling nagkaisa ang bayanihan sa Baclaran, Parañaque City. ❤️Kasama si ...
12/05/2026

Sa gitna ng init at pagod ng araw-araw na buhay, muling nagkaisa ang bayanihan sa Baclaran, Parañaque City. ❤️

Kasama si Gabriel Go at ang TV5 Good Morning Kapatid, naghatid ang Mr Pares ng libreng mainit na pagkain para sa mga kababayan nating patuloy na nagsisikap araw-araw. Simpleng handog man, dala naman nito ang malasakit, saya, at kaunting ginhawa para sa komunidad.

Patuloy kaming maglilingkod at magbabahagi ng init hindi lang sa pagkain, kundi pati sa puso ng bawat Pilipino.

09/05/2026
06/05/2026

Address

Roxas St Magsaysay Village Tondo
Manila
1013

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MR. PARES Bayanihan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share