Brodkast Pylon

Brodkast Pylon Established in 2021, the Brodkast Pylon serves as the official content page of the PUP BroadCircle.

Sa likod ng maayos na daloy, bawat pulidong galaw, at detalyeng pinag-isipan, may mga taong nagsisilbing gabay nang buon...
30/04/2025

Sa likod ng maayos na daloy, bawat pulidong galaw, at detalyeng pinag-isipan, may mga taong nagsisilbing gabay nang buong puso at sipag. 🤎

Taos-pusong pasasalamat at pagpupugay, para sa isang matagumpay at makabuluhang pagdiriwang ng, “LikhaTura: Mula Panulat Hanggang sa Kamera.” 📚

Copy by Asha Mari L. Baladad
Layout by Juan Fernandez




Sa likod ng bawat kuwento ay isang grupong puspusang naglilingkod sa sining at bayan. Sa kanilang lente, bawat titik ay ...
30/04/2025

Sa likod ng bawat kuwento ay isang grupong puspusang naglilingkod sa sining at bayan. Sa kanilang lente, bawat titik ay nagiging kuwento, damdamin, at tuwa. ✨

Kilalanin ang mga malikhaing produksyon sa likod ng kamera na handang itanghal ang panitikan sa mas malawak na plataporma ng sining! 📽️

Copy by Asha Mari Baladad
Layout by Lucinda Gracilla




29/04/2025

Takot ka ba sa multo? Ako, oo. Lalo na kung ang mga multong ito ay patuloy na sumasakal at kumakadena sa aking nakaraan.

Ang mga multo ay hindi lamang mga kaluluwa; kung minsan, ito ay ang mga bagay na pilit nating isinasantabi, kapalit man nito ang takot na hindi natin maikukubli.

Kailan kaya maipagpapatuloy ang pagsulat ng kabanata sa mga blankong pahina na sinubukan kong i-abandona? Ang multo ng mga sana, mistulang aninong nakasunod, patuloy na kasa-kasama. Kung matatakasan ko ang pagsisisi, magiging malaya na rin ba ako sa mga sugat at bigat na iniwan nito sa akin?

?



29/04/2025

Sa bawat galaw sa ritmo, umaalingawngaw ang kwento ng pagkabigo at muling pagkatayo.

Hindi ito tungkol sa sapatos. Ito’y tungkol sa mga paang, kahit sugatan at pagod, patuloy na sumusulong.

Sapagkat ang tunay na pag-alpas ay hindi nasusukat sa ganda ng galaw, o sa kinang ng mga bagay, kundi sa kakayahang magpatuloy—kahit ang musika ay matagal nang hindi tinuloy.

Mula sa Nueve Production, isang kwentong alay sa mga pusong hindi sumuko sa sayaw ng kahapon at ngayon.

Copy by Ashley Bañaga
Video Edit by Joshua Mata




29/04/2025

Oh, Magdalena.

Hanggang saan ka dadalhin ng iyong mga pakpak?

Kailan ka magiging malaya?

Sa gitna ng gabing marahas, tumatangis ang ibon sa kalawakan sa pagkawala ng kanyang bagwis.

Ang sariling mga pakpak ay nagiging patalim—dumidiin at dumidiin hanggang sa 'di na makasabay sa ihip ng hangin.
Ang mundong ito ay puno ng p**t at kasakiman. Ang kalayaang kailanma’y minimithi, ngayo’y sinusuklian ng pananahimik na ipinataw ng mga lalaking mga mata'y tila ng isang mangangaso—matatalim, mapanubok, at walang sinasanto.

Oh, Magdalena.

Makakalipad pa kaya?

Copy by Hanna Thea Aguilar and Remelyn Clave
Video Edit by Cedrick Mendez




29/04/2025

“𝐒𝐚 𝐥𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐢𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐢𝐧𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥, 𝐩𝐚𝐧𝐠-𝐢𝐥𝐚𝐧 𝐦𝐨 𝐤𝐚𝐲𝐚 𝐦𝐚𝐢𝐬𝐮𝐬𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧?”

Tunghayan ang isang liham ng pagsamo’t paglaya—nang sa wakas, sarili naman ang maalayan ng pagsinta.

𝘕𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘢𝘬𝘰,
𝘒𝘢𝘺𝘢’𝘵 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘬𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪 𝘬𝘰.

“𝘕𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭, 𝘈𝘬𝘰”, handog ng 𝗣.𝗜.𝗧.𝗢 𝗦7𝗨𝗗𝗜𝗢𝗦.

Copy by Theo Cabantac
Video Edit by Karol Martinez




29/04/2025

Sa bawat saradong pinto, susi lamang ang tanging makapagbubukas. Ngunit paano kung sa pagbukas nito ay isang malamig na katahimikan ang siyang sumalubong sa atin? Hindi kasiyahan kundi nakakabinging katahimikan at mga tanong na walang kasagutan.

Inihahandog ng Tangluyan Productions, sama-sama tayong matutong huminto sandali at tignan ang sarili, hindi sa mata ng iba kundi sa sariling mga mata. Hayaang mapagtanto ang mga bagay-bagay at tunghayan ang tunay na kabuluhan ng tagumpay. Malaki man o maliit, ipagmalaki ang lahat ng iyong nakamit lalo't binubuo ka ng lahat ng ito.

Dahil sa paghahanap ng bawat susi ng tagumpay, mahahanap mo rin ang pinakamahalagang bahagi nito, ang iyong sarili. 🔑




28/04/2025

Minsa'y natatabunan na ng mga lebel at pangalan ang kariktan ng kaanyuan. Kaya tayo ay nagiging saksi sa sariling pagtanggi.

Kasabay nito ang pagkalimot sa tunay na kasinuhan at pagtalikod sa sariling mithiin. Dito na ba natatapos ang tagpo? May panahon pa ba para tunghayan ang minsan nang tinalikuran? May oras pa ba upang tagpuin muli ang sarili?

Baybayin ito sa Para Kanino:
isang tula ng pagkalas,
kwento ng pagkawala at pagtuklas.

STUDIO SIBOL
Director: Raphael Montano
Assistant Director: Sammantha Feona Guillermo
Scriptwriter: Arlyn Apaap, Daryl Jacob Gerobin
Director of Photography: Raphael Montano
Graphic Artist and Video Editor: Bea Rubiano, Cielo Tolentino, Sammantha Feona Guillermo
On-Cam Talent: Danica Irish Ugot, John Mark Talucod
Copywriter: Jazmin Permejo

?



28/04/2025

Sa harap ng pangangamba, sa saranggola'y nahanap niya ang kumpiyansa.

Hindi natatakot ang saranggola sa hangin, at tulad nito, natutunan ni Kate yakapin ang mga unos. Sa bawat pagsubok, natutunan niyang mahalin ang sarili at maging mas matatag.

Bumagsak, napigtas, naputol — pero tulad ng saranggola, pinili ni Kate ang muling lumipad, hindi para maging perpekto, kundi para muling buuin ang sarili nito.

Project Saranggola presents Kate's Kite 🪁





28/04/2025

Hindi lamang sa bagyo nasusukat ang tibay, kundi sa araw-araw na pagbangon, sa pagpili ng pag-asa kahit pa masakit, at sa tahimik na tapang na walang hinihinging kapalit. Ito ang lakas ng kababaihan—hindi karagdagan, kundi batayan. Isang pagpupugay sa bawat babaeng patuloy na lumilikha ng liwanag sa mundong madalas makalimot.

Copy by Roshiennel Gamboa
Video Edit by Queen Mharifher Aranaz




28/04/2025

"Hindi lahat ng tagumpay ay kumikislap."

Sa gitna ng kaguluhan, isang tinig ang piniling sumulat, lumikha, at lumipad sa mundong hinabi ng salita. Ang literatura ang naging kanyang gabay, isang ilaw sa dilim ng hindi tiyak.

Ngunit paano kung ang kwento ay hindi nasusukat sa malalaking tagumpay? Paano kung sa bawat maliit na hakbang, sa bawat munting pagkatalo, may natutunan
siyang mas mahalaga, isang bagay na hindi nakikita, kundi nararamdaman?

Inihahandog ng Hiraya Production ang isang paglalakbay, hindi lamang tungo sa mga pangarap, kundi sa mas malalim na pag-unawa sa bawat hakbang na tinahak.
Sapagkat ang tagumpay ay hindi laging nasusukat sa mga medalya o tropeo.

Minsan, ito’y makikita sa mga maliliit na sandali, sa bawat hakbang patungo sa pagiging buo at malaya.

Copy by Regiette Decena
Video Edited by Allysa Joyce Pesimo




Much gratitude to these people who worked behind the BEYOUtiful Event Lab where art successfully shines all throughout! ...
24/04/2024

Much gratitude to these people who worked behind the BEYOUtiful Event Lab where art successfully shines all throughout! 🌠

Art is inherent within us and can be expressed in various ways. So, let art uncover the greatest you! 💫

Copy by Jamille Tandingan
Layout by Dan Marantal




Address

Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brodkast Pylon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Brodkast Pylon:

Share

Our Story

In line with this Academic Year's theme, "Moving Beyond Excellence", BroadCircle have come up with an idea of having its official technical team that primarily aims excellence as far as production technicalities are concern. The mentioned organization is well-known for its projects and events such as the annual Music Video Festival. Assets also aims to showcase its members' skills and to expose them on all sorts of production.