Payo Ni Juan

Payo Ni Juan Magbigay Payo sa Kapwa Pilipino

Tagalog/English Content

Personal Development, Finance,
Mindset, Habits, Advice, Practical tips.

“THE MORE YOU LEARN, THE MORE YOU EARN.”  — Chinkee Tan.Sa realidad ng buhay, hindi tayo binabayaran base sa kung anong ...
30/01/2026

“THE MORE YOU LEARN, THE MORE YOU EARN.”
— Chinkee Tan.

Sa realidad ng buhay, hindi tayo binabayaran base sa kung anong natapos natin sa kolehiyo.
Mas madalas, binabayaran tayo sa kung ano ang kaya nating iambag sa kumpanya.✅💯

Kapag kulang pa sa skills at experience, natural na mababa ang sahod.👍🏼
Pero habang dumarami ang natututunan natin, mas nagiging asset tayo, at kasabay nun—tumataas din ang value at income natin.💵✨

Dito pumapasok ang tunay na kahulugan ng
“The more you learn, the more you earn.”✨💵

Kung gusto nating tumaas ang sahod o income, kailangan nating i-upgrade ang sarili natin.
Dahil kung pareho lang ang alam at ginagawa natin taon-taon, malamang na hindi din magbabago ang income natin.👌🏼👌🏼

Sabi nga ni Isko " Wag kang aasa na may bagong mangyayari sayo, kung ang ginawa mo ngayon ay katulad lang din ng kahapon".💯💯

Isa itong paalala sa ating lahat:
👉🏼 Mag-invest sa sarili.
👉🏼 Lumabas sa comfort zone.

Walang lumalago kapag laging komportable.
Kailangan nating i-challenge ang sarili para mailabas ang full potential natin.✅✅

Matuto ng bago o i-upgrade ang meron ka na:
communication skills✅
digital or computer skills✅
selling skills✅
leadership skills✅
Financial skills✅
At marami pang iba.

Anumang skill na makakatulong sa’yo na lumago bilang propesyonal at bilang tao, palaguin mo at
huwag tayong matakot matuto.💯💯

Mas nakakatakot ang manatili sa buhay na nakasanayan natin, kahit alam nating kaya pa nating umangat.💯🔥

Wag tayong ma-pressure, take it slowly. Dibaleng mabagal ang pag-usad, ang mahalaga pinipili nating umusad kahit mahirap💪🏼🔥

YOUR DAILY HABITS DEFINE YOUR FUTURE💯Madalas nating sabihin sa ating sarili:“Sana maging successful ako,”“Sana matupad k...
28/01/2026

YOUR DAILY HABITS DEFINE YOUR FUTURE💯

Madalas nating sabihin sa ating sarili:
“Sana maging successful ako,”
“Sana matupad ko ang mga pangarap ko,”
“Sana mabago ko na ang bad habits ko.”

Pero ang totoo, walang mababago kung hanggang "sana" at "manifesting" lang tayo.✅✅
Hindi nagbabago ang buhay sa pangako, nagbabago ito sa kilos.💯👌🏼
Walang mag-iimprove kung hindi ka kikilos.🫵🏼👍🏼
At tandaan mo, hindi kailangang madaliin ang success, dahil walang instant sa mundo.👍🏼

Sabi nga sa nabasa ko:⬇️⬇️
“Success is the product of daily habits, not a once-in-a-lifetime transformation.”✨✨

Ang pagbabago ay hindi instant, ito ay may proseso. Ang mahalaga ay magsimula ka, kahit maliit. Hindi mo kailangang maging mabilis kailangan mo lang maging consistent.👌🏼💯

Habits are the compound interest of self-improvement.✨✨

Gusto mong mag-ipon❓
Start small and be consistent💵

Gusto mong maging fit❓
Start small and be consistent💪🏼

Gusto mong makawala sa utang❓
Start small and be consistent.⛓️‍💥

Gusto mong maalis ang bisyo mo❓
Start small and be consistent🚭🥃

Lahat ng gusto nating maabot sa buhay— to be better self and life—nagsisimula lahat sa maliit na hakbang at pagiging consistent.💯💯

Dahil kapag pinili mong gawin ang mga bagay na makakabuti sa’yo at sa future mo, ang tagumpay ay hindi darating dahil sa swerte—darating ito dahil sa consistency at dedication mo.

Be better.💪🏼🔥💯
Change your habits.🫵🏼
Stay consistent.💪🏼
And the success you want will follow. ✅✨

Dahil kung Anu ang lagi mong ginagawa sa ngayon, ay syang magiging Ikaw sa kinabukasan mo💯💯

27/01/2026

Never Give up 💪🏼🔥
and Always Trust God☝🏼✨

26/01/2026

Hindi lahat ng investment ay patungkol sa pera💵💯

Walang kwenta ang yaman, ipon, at mga bagay na pinaghirapan mo kung hindi mo rin kayang i-enjoy.💯

Pwede kang magpuyat kakakayod.✅
Pwede kang yumaman.✅
Pero kapag bumigay ang katawan mo, lahat ng yan—sa ospital lang mailalaan.🤦🏼

Mag-invest ka sa negosyo.💯
Mag-ipon ka.💯
Magtrabaho ka nang todo.💯

Pero huwag mo ding pabayaan ang sarili mo.💪🏼🫵🏼

Mag-exercise.💪🏼🏋🏼‍♀️
Kumain nang tama.🥪🥦🥣
Matulog nang sapat.🛌🏼
Iwasan ang bisyo.❌🚭🥃

Dahil walang saysay ang lahat ng tagumpay kung kalusugan mo naman ang nakasalalay💯

Invest in your health. 😊
Dahil yan ang best investment na maibibigay mo sa iyong sarili👌🏼💯

23/01/2026

Masakit na katotohanan✅💯

Bed doesn’t guarantee rest.💯🛏️Hindi porke may malambot kang k**a ay may kapahingahan ka na.💯Kahit gaano pa kalambot ang ...
19/01/2026

Bed doesn’t guarantee rest.💯🛏️

Hindi porke may malambot kang k**a ay may kapahingahan ka na.💯

Kahit gaano pa kalambot ang hinihigaan mo,
kung stress ka naman sa utang at gastusin,
mahirap pa rin makatulog nang mahimbing.✅

Kaya matutong magplano ng gastos.👌🏼🫵🏼
Iwasan ang instant luho at ang pangungutang
para lang makasabay sa social media flexing.❌🙅🏼

Dahil sa totoo lang, mas masarap matulog kapag wala kang iniisip na utang.🛌💭➡️😴

19/01/2026

Basic tips sa pag budget ng Pera💵

MAY DALAWANG URI NG TAO🙋🏼‍♂️💁🏼‍♂️May Isang taong nagpapanggap na mayaman — gastos dito, gastos doon, parang walang bukas...
16/01/2026

MAY DALAWANG URI NG TAO🙋🏼‍♂️💁🏼‍♂️

May Isang taong nagpapanggap na mayaman — gastos dito, gastos doon, parang walang bukas. (YOLO & FOMO mentality) Todo porma, mamahalin ang suot, at todo flex sa social media pero ang totoo broke pala ito: maraming utang, walang ipon, at palaging naghahanap ng papuri at atensyon.❌❌🙅🏼🙅🏼

Samantalang may isang taong simple lang mamuhay — madalas mong makita na paulit-ulit ang suot, madalas naka-short at sando lang, walang kaporma-porma. Hindi naghahanap ng papuri, hindi nagyayabang. Tahimik lang. Pero ang totoo? Marami pala siyang assets, may ipon, at may mga investment.✅✅💵💵

Dahil naniniwala siya na ang tunay na yaman at pag-unlad ay hindi nakikita sa panlabas na anyo, kundi sa kung paano mo pinapalago ang meron ka—nang hindi kailangan ng approval ng iba.💯👌🏼

Ang aral:⬇️⬇️
Hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo sa kahit kanino. Tahimik kang kumilos para sa iyong future. Unahin ang ipon, investment, at assets kaysa sa panandaliang kaligayahan at mga liabilities na unti-unting uubos ng pera mo.💯💯

Hindi masamang magsaya o bumili ng mga bagay na magpapasaya sayo as long as pasok sa budget at hindi makakaapekto sa mga mahalagang gastusin mo, pero kung ito ang nagiging dahilan para maging broke ka at mabaon sa utang para lang makasabay sa flexing culture❓
Ayan na ang magiging mitcha ng problema mo👎🏼

Mamuhay nang simple.😊✨
At patuloy mong paunlarin ang iyong sarili.🫵🏼💵

Ikaw Saan ka sa dalawang ito❓

ILALANTAD NG PERA ANG TUNAY NA UGALI NG ISANG TAO.💯Sabi nila kung gusto mong makilala ang isang tao, bigyan mo siya ng r...
15/01/2026

ILALANTAD NG PERA ANG TUNAY NA UGALI NG ISANG TAO.💯

Sabi nila kung gusto mong makilala ang isang tao, bigyan mo siya ng resources—gaya ng pera.💵👌🏼

Tama naman ito, dahil dito mo makikita ang tunay niyang ugali at prinsipyo. Pansin niyo ba na sa usaping pera, maraming nasisirang relasyon sa pamilya o sa pagkakaibigan❓ At diyan na pumapasok ang pagiging "GREED" at nagbubunga ito ng masamang resulta gaya ng paglustay ng perang hindi sayo, paggamit ng pera sa bisyo o sugal, pagnanakaw, at kawalan ng pananagutan sa utang.❌👎🏼

Ilan lamang ito sa mga madalas na nagiging dahilan ng pagkasira ng relasyon sa mga malalapit sayong buhay.😞🤦🏼

Kasakiman ,pagiging gahaman sa kapangyarihan, at maling ambisyon ang sisira sa relasyon ng bawat isa✅💯

Kapag kinain ka ng sistemang ito, nagiging madali nang gumawa ng mali❌🙅🏼

Sabi nga sa Bible, “For the love of money is the root of all evil.” Hindi sinabi na ang Pera ay masama kundi ang sobrang pagmamahal sa pera. Dahil wala itong emosyon at sariling isip.💯💯

Nagiging masama lamang ito sa paraan kung paano sya gamitin at hawakan.✅✅

DAHIL HINDI BINABAGO NG PERA ANG TAO.💵👌🏼
INILALANTAD LANG NITO ANG TUNAY NYANG PAGKATAO.💯💯💯💯💯💯💯

MONEY REVEALS YOUR TRUE CHARACTER.💯

14/01/2026

Maling paniniwala ng mga Pinoy pagdating sa pera at sahod👌🏼💵

GRABE SI LORD☝🏼🙏🏼Dati, kung kani-kanino ka lang nakikitira.Ngayon, may maayos ka nang tahanan.✨Dati, kailangan mo pang m...
13/01/2026

GRABE SI LORD☝🏼🙏🏼

Dati, kung kani-kanino ka lang nakikitira.
Ngayon, may maayos ka nang tahanan.✨

Dati, kailangan mo pang mangutang para lang may makain. Ngayon, nakakakain ka na nang hindi iniisip kung kanino ka hihiram✨

Dati, hanggang tingin ka lang sa mga bagay na gusto mo. Ngayon, unti-unti mo na silang nabibili✨

Dati, ikaw ang binibigyan.
Ngayon, ikaw na ang nagbibigay✨

Dati, nakikisakay ka lang.
Ngayon, may sarili ka nang sasakyan✨

Dati, nangangarap ka lang na makarating sa gusto mong lugar. Ngayon, unti unti mo na itong napupuntahan✨

Grabe, no❓
Grabe ang pagpapala ni Lord sa buhay mo—
unti-unti ka Niyang inaangat mula sa buhay na kinalakihan mo. Minsan hindi mo namamalayan kung gaano na pala kalayo ang narating mo.☝🏼🙏🏼

Isang paalala ito na mabagal man o mabilis ang pag-usad mo, hinding-hindi nawawalan ng halaga ang lahat ng pinaghirapan mo.♥️✨

Bawat effort at sakripisyo mo ay unti-unti mo nang nakikita ang bunga, at patuloy pa itong lalago sa biyaya ng Diyos.☝🏼😇

Kaya magpatuloy ka lang.
Malayo ka na, pero malayo pa.
Patuloy lang sa pag-usad, dahil darating ang araw
na ang lahat ng hirap at sakripisyo mo
ay mapapalitan ng saya at pasasalamat.🙏🏼🙏🏼

At kung nasaan ka man ngayon,
hindi lang ito dahil sayong sariling sikap—ito ay biyaya ng Diyos sa buhay mo. 🙏🏼☝🏼

11/01/2026

Wag mong kalimutan gawin ito sa iyong sarili✅✨

Address

Tondo
Manila
1013

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Payo Ni Juan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share