01/09/2026
Sa gitna ng mga hamon at pagsubok sa ating bansa, mahalagang magkaroon tayo ng isang lider na hindi lang nagpapakita tuwing panahon ng halalan, kundi totoong nakalubog sa masa at nakikinig sa sigaw ng bawat Pilipino. Nakikita natin sa kanyang mga kilos ang tunay na malasakit—iyong hindi pilit, hindi para sa camera, kundi nanggagaling sa bukal na kagustuhang makatulong at maglingkod nang tapat. Kaya naman buong-buo ang tiwala ko na kay Risa Hontiveros ang nararapat na mamuno sa ating bansa bilang Pangulo! 🌸