01/10/2026
Pinagtibay ng Korte Suprema ang paggamit ng terminong "victim-survivor" sa mga kaso ng sexual violence.
Mahalagang pagbabago ang pormal na paggamit ng salitang “victim-survivor,” lalo na para sa mga taong nakaranas ng pang-aabuso.
Kinikilala nito na hindi umiikot ang buong pagkatao nila sa pagiging biktima. Hindi lamang sila nasaktan. Ang “victim-survivor” ay pagkilala na nakaligtas sya, patuloy syang lumalaban, bumabangon, at may lakas syang magpatuloy sa buhay.
Naniniwala ako na ang tunay na lakas ng isang lipunan ay nasusukat sa kung paano natin kinikilala, tinitingnan, at ipinagtatanggol ang ating kapwa.
At sa pagbabagong ito, malinaw ang paninindigan natin: may kakampi ang mga victim-survivor sa ating lipunan, at may kakampi sila sa batas.