03/04/2025
Prayers for my babies who are positive in PARVO Virus🥺 Luna & Sky pagaling kayo, kaya nyo yan! Dito lang si mommy🤍 4days na po sila matamlay,nagsusuka, di kumakain at nagdudumi ng sobrang basa, minsan may dugo pa😭 Wala din akong maayos na tulog dahil bawat galaw nila nagsusuka at nagdudumi. Kahapon lang sila dinala sa vet, dahil kahapon lang nagkaron ng budget, kulang panga. Sobrang mahal ng pag patest at mga gamot nila😭 Kulang panga gamot nila pero kakayanin. Malaking tulong yung dextrose powder nung wala pa silang mga gamot. Yung isa kumakain na pero yung shih-poo hindi pa talaga, sobrang tamlay, nagsusuka at nagdudumi ng dugo pa. Dito ko talaga masasabi na nagkulang ako as furmom sa kanila. First time furmom ako kaya d ko alam, kung anong bawal at hindi. Pero laking tulong ng mga sini-search ko para malaman ko kung ano mga dapat na gawin. Help me guys! 😔 Di ko na talaga kaya na makita silang ganyan. Sabi pa ng doctor nila 50-50 daw ang chances para maka survive sila. Di ko rin agad sila mapadala sa vet, dahil ubos na talaga. Any tips pa guys, para gumaling mga alaga ko🥺