JV COINS

JV COINS "EVERY COIN TELLS A STORY"
welcome to my page pls...follow, like, comment and share...thanks you mga kabarya... ☺😊🙂

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Marlo Anoche, Baldesamo Elizalde, Villamor Aguilar, Modes...
29/03/2026

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Marlo Anoche, Baldesamo Elizalde, Villamor Aguilar, Modesto Modesto Alvarez Libang, John Leo Balayang Carag, Sha Mil Vlogz, Shirley Dela Cruz, Sunny Laurel, Rex Kilongan, Dhinski Balmores, Lorie Lacsa, Dennis Garcia, Princess Gannaban, Lori Calhoun, Jeowe Ratunil, Marife Ramos, Abaño Labayane Isagani, Almar Aganon, Myrna Bacangallo, Belen Gervacio, Monjul Hussain, Rosalina Rufo, Arjay Haha, Florio Manago, Geng'z Roa Loquillano Mutia, Amy Bagasina, Whelskie Nagali, Lacdang Edna, Charet Galo, Angel Alcantara Cadacio, Rommel Dela Cruz, Eking Olo, Ariel Legaspino, Raymundo Dela Peña, Mario Villaflor, ジョン ポール, Dennis Policarpio, Emma Cabanog, Felix Berto Ragasa

25/03/2026

Thanks for being a top engager and making it on to my weekly engagement list! 🎉 Lori Calhoun, Felex Petiluna, Eliezer Anoche, Jovs Santiago II

15/03/2026
15/03/2026

"Mga Antas ng Kalagayan ng Barya (Coin Grading Scale)"

1. Uncirculated (UNC) / Mint State (MS)
• Pinakamataas na kalidad.
• Hindi pa nagamit sa sirkulasyon.
• Walang gasgas, dumi, o palatandaan ng paggamit.
• Buo pa ang kintab o “mint luster.”
• Madalas itong direktang galing sa mint o mula sa set ng kolektor.
Halimbawa: Parang bagong labas mula sa pabrika.

2. About Uncirculated (AU)
• Halos perpekto, pero may napakaliit na senyales ng paghawak o gasgas sa mga nakaangat na bahagi ng disenyo.
• Bahagyang nabawasan ang kintab, ngunit malinaw pa rin ang detalye.
Halimbawa: Minsang nahawakan lang o sandaling nagamit.

3. Extremely Fine (EF o XF)
• May maliliit na senyales ng sirkulasyon, tulad ng kaunting pagkupas sa gilid ng disenyo.
• Lahat ng detalye ay malinaw pa rin.
• Kadalasan ay may konting kintab na natira.
Halimbawa: Kaunting pagkasira sa mukha o letra, pero malinaw pa rin lahat.

4. Very Fine (VF)
• Bahagyang makintab ang ilang bahagi, ngunit halata na ang paggamit.
• Nakikita pa rin ang karamihan ng detalye ng disenyo.
Halimbawa: Bahagyang kupas o may gasgas, pero buo pa rin ang hitsura ng barya.

5. Fine (F)
• Malinaw pa rin ang pangunahing disenyo, pero marami nang bahid ng paggamit.
• Ang mga detalye sa mukha, buhok, o letra ay medyo kupas.
Halimbawa: Madalas pa ring tanggapin bilang sirkulasyon coin, pero halatang luma.

6. Very Good (VG)
• Kita pa rin ang disenyo, ngunit halos lahat ng detalyeng pino ay naglaho na.
• Ang barya ay halatang matagal nang ginamit.
Halimbawa: Mukhang makinis na ang ilang bahagi ng disenyo.

7. Good (G)
• Lubos na nagamit, halos patag na ang mga detalye.
• Nabubura na ang ilang bahagi ng teksto o larawan.
Halimbawa: Halos hindi mo na makilala ang mukha o simbolo.

8. Poor (P)
• Pinakamababang antas.
• Hindi na makilala ang disenyo o denomination.
• Madalas ay may kalawang, uka, o butas.
Halimbawa: Barya na halos wala nang halagang kolektor dahil sobrang sira.

Mga Bagay na Isinasama sa Grading:
1. Kintab (Luster) – Ang orihinal na kinang mula sa pagkakagawa.
2. Gaspang (Surface Preservation) – Dami ng gasgas, mantsa, o dumi.
3. Kalinawan ng Detalye (Detail Sharpness) – Gaano ka-buo o ka-linaw ang disenyo.
4. Kulay (Toning/Color) – Maaaring natural na pagbabago sa kulay dahil sa edad.
5. Strike Quality – Gaano ka-tumpak at pantay ang pag-ukit ng mint.















15/03/2026

CENTENNIAL COMMEMORATIVE COIN

Ang Centennial coin ay karaniwang tumutukoy sa mga commemorative coins na inilabas para ipagdiwang ang 100th anniversary ng isang mahalagang kaganapan, institusyon, kapanganakan ng isang kilalang tao, o pambansang okasyon.

Ilan sa mga ito:

👉100th birth anniversary of jose rizal (1861 - 1961)
👉100th birth anniversary of andres bonifacio (1863 - 1963)
👉100th birth anniversary of apolinario mabini (1864 - 1964)
👉100th birth anniversary of emilio aguinaldo (1869 - 1969)

Mga katangian:

👉limitadong bilang - karaniwan ginagawa sa maliit na dami kaya't nagiging koleksiyon.
👉espesyal na disenyo - may mga guhit o inskripsiyon na nagpapakita ng pagdiriwang ng ika - 100 taon.
👉mga materyales - maaaring yari sa karaniwang metal, pilak, ginto, o iba pang mamahaling metal.
👉legal tender - maraming centenial coin ang legal tender ( pero hindi para sa regular na sirkulasyon) ; ang iba naman ay puro pang- alaala lamang.

Anu ang legal tender?

Ito ay tumutukoy sa pera na opisyal na kinikilala ng isang bansa bilang tanggap para sa pagbabayad ng utang o transaksyon. Ibig sabihin, kapag ito ang ginamit mong bayad, obligado ang isang tao o institusyon na tanggapin ito para mabayaran ang isang utang o obligasyon na may halaga sa pera.



"Not buying, not selling I'm sharing information about coins... "

15/03/2026

ALAM MO BA NA MAY INILABAS DIN NA LEYTE GULF LANDING NA SILVER!!!

ITO ANG 1000 PISO Leyte Gulf Landing Commemorative Coin

Issued by: Bangko Sentral ng Pilipinas
Year: 1994
Value: 1000 piso
Composition: Silver (0.999)
Weight: 31.10 grams
Diameter: 40 mm
Shape: round
Finish: Proof
Type: Non-circulating commemorative coin (collector coin)
Theme: 50th Anniversary of the Leyte Gulf Landing (1944–1994)

🧐 Design Details

👉 Obverse (Harap):

* Coat of arms of the philippines
* Script - latin
* Lettering - REPUBLIKA NG PILIPINAS
* Denomination - 1000 Piso

👉 Reverse (Likod):

* General Douglas MacArthur wearing sunglasses and staff, accompanied by philippines president Sergio Osmeña.
* Script - latin
* Lettering - LEYTE GULFT LANDINGS
50TH ANNIVERSARY
LEYTE, PHILIPPINES
OCTOBER 20, 1994

🤓 Background / History

Ang Leyte Gulf Landing ay isa sa pinaka-importanteng pangyayari sa World War II sa Pilipinas.
Noong October 20, 1944, bumalik si Gen. MacArthur upang ipagpatuloy ang pagpapalaya ng bansa mula sa pananakop ng Hapon. Ito ay isa sa pinakamalaki at pinaka-historikal na amphibious landings sa kasaysayan ng digmaan.

🤓 Important Notes

* Pure silver (sterling silver) kaya may bullion value.
* Non-circulating, hindi inilabas para sa pangkaraniwang bayaran.
* Dahil 1994 pa, madalas may tarnish kung hindi naka-protective case.
* Mas mataas ang presyo kung kumpleto with COA (Certificate of Authenticity).



"Not buying, not selling I'm sharing information about coins... "

Address

Tecson Street
Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when JV COINS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share