GHOST Wrecker

GHOST Wrecker COMEDY| ENTERTAINER |CONTENT CREATOR |STAGE DIRECTOR |ACTOR
contact me @ [email protected]

02/09/2026

BAHA - KASSA OPEN VERSE BY WRECKER.

01/09/2026

Ni reject ako ng crush kong babae porket nalaman nya lang na may asawa’t anak nako.

Iba na talaga ang mundo ngayon. Walang kunsensya at puso haist.

29/08/2026

11:36PM EMERGENCY RESCUE OPERATION.

Papunta po ang aming Execom Volunteer sa Montalban Rizal kung saan marami kaming na received na messages na lagpas tao na ang baha.

Sa mga ang nanais na mag volunteer na may sapat na training at kayang tumulong sa pag rescue at evacuate ng mga tao. WE NEED YOUR HELP AND ASSITANCE.

IF MAY IBANG RESCUE TEAMS PO DIYAN NA WILLING DIN NGAYON GABI NA MAKAPAG SERBISYO, MAG TULUNGAN PO TAYO AT MAG FORM NG ALLIANCE TEAM FOR RESCUE AND EVAC OPS.

Ilalapag kopo sa comment section kung saan kaminh location lalapag once na nasa montalban rizal napo kami.

Need po namin ng maraming lubid, flashlights at lifevest.

PLEASE HELP US SHARE THIS INFO PARA MABASA NG IBA NATING MGA RESCUE TEAMS SA PINAS.

Around 9PM may isang facebook video post na nanghihingi ng tulong  mula sa Calumpit bulacan ang nakita ng aming team.Isa...
20/08/2026

Around 9PM may isang facebook video post na nanghihingi ng tulong mula sa Calumpit bulacan ang nakita ng aming team.

Isang Babae na nangangalayangan ng agarang rescue at action.
Around 11PM, nakita ng aming Team Leader sa Execom Volunteer nasi Boss Mark Sanchez Vlog ang post at kung saan may isang babae ang ginagawan ng CPR at nasa Critical ng kalagayan.

Agad nag sabi ang aming team sa pamumuno ni Boss Mark Sanchez Vlog na handa kaming tumulong at hiningi namin ang impormasyon.

11PM Sumagot sa amin ang asawa ng pasyente na si Sir. Francis at sinabing hindi parin daw sila na rerescue, dahil sa taas ng baha ay hindi raw sila mapuntahan ng LGU ng Calumpit Bulacan.

Sa kabutihang palad ang aming team ay hindi pa natutulog at naka antabay parin sa aming Head Quarters, at may sapat na kagamitan at training naman kami para sa rescue operation sa mga ganitong klase ng scenario.

Agad naming pinuntahan ng aming team ang pasyente from South Caloocan to Calumpit bulacan. Dala ang aming mga kagamitan.

Around 12AM to 1AM nakarating ang aming team at ang team ng NEW SAN JUAN FIRE BRIGADE VOLUNTEER. Na nakasama namin upang ma-rescue ang pasyente.

Aroung 2am nasimulan ng aming Execom team at NEW SAN JUAN FIRE BRIGADE ang rescue operation dahil plinano muna ng mabuti ang gagawing hakbang para sa pag rescue.

Minabuti ng team na pag-isipan ang mga gagawing hakbang dahil ang baha ay may kasamang current na maaring magdulot din ng kapahamakan sa ating mga Rescuers and Volunteers.

Nasa 3 oras ang inabot sa pagpunta palang sa pasyente dahil sa layo ng location nito na nasa 5Kilometro.

Ang baha ay Ga-bewang at sa ibang parte at ga-dibdib na ang lalim. Nag patagal din ang current ng baha na humihila sa mga volunteers at rescue boats na gamit nila.

Around 6AM nakarating na ang aming team at san juan volunteer team sa location ng pasyente at agad itong binigyan ng first aid at oxygen mula sa NEW SAN JUAN FIRE BRIGADE VOLUNTEER dahil ito ay may DOB na.

After magawa ng ating mga rescuers ang paunang lunas ay agad naman plinano ang pag transport dito palabas ng bahay papunta sa Ambulance Vehicle na dala din ng aming team.

Sa kabutihang palad may isang residente sa lugar ang nagpahiram ng banka na de motor at mas napabilis ang pag rescue na inabot nalang ng 30minutes dahil sa tulong nito.

Around 7:30PM ay nahatid na ang pasyente sa BULACAN MEDICAL CENTER sa tulong din ng LGU ng Calumpit bulacan at mga Police dito. Sa mga oras na ito ay nasa ligtas na siyang kalagayan.

BINABATI KO ANG ANG NEW SAN JUAN FIRE BRIGADE VOLUNTEER at ang minamahal kong Execom Volunteer na hindi nag atubiling tumulong kahit malayo pa ang location.

ISANG BUHAY ANG NALIGTAS DAHIL SA PAGIGING MAKABAYAN NYO.

Sana sa mga susunod pang taon ay mas dumami pa ang mga volunteers at mga teams na may sapat na training at kagamitan, upang kung dumating man ang araw gaya nito ay agad tayong makakapag bayanihan.

Handa rin kaming mag bigay ng libreng training para sa mga gustong maging Volunteer and Rescuer.

GRADE 7, NAMARIL SA SCHOOL. Kapwa studyante ang pinag babaril. Kabilang na ang mga g**o at security guard. Ilang buhay n...
18/08/2026

GRADE 7, NAMARIL SA SCHOOL.

Kapwa studyante ang pinag babaril. Kabilang na ang mga g**o at security guard.

Ilang buhay nanaman ang nasayang ng dahil sa kapabayaan ng mga gun owners na hindi sinisigurado ng mabuti na dapat safe at hindi ma aaccess ng kahit sino ang mga gamit nito. WALANG ACCESS, WALANG GANITONG SCENARIO. SIMPLE AS THAT.

Dapat sig**o mas maging mahigpit na ang mga bawat Paaralan, lagyan ng mas maiging security measures. Yung mga GUARD and SECURITY dapat yearly may refresh training at dapat magkaroon na ng trianing for this kind of scenarios. Hindi lang basta bastang training. Yung totoong training na makakasagip sa mga ganitong klase ng pagkakataon.

Ilapit ang mga studyante at himukin na sumali sa mga religious activities sa loob ng tahanan at paaralan.

Introduce din sakanila ang iba’t ibang uri ng sports and activities and clubs na pwede nilang salihan, yung ma poprovide ng mga schools. Dahil dito mas makukuha ang atensyon nila na magamit sa mas magandang paraan, kesa mapunta sa maling grupo o systema.

Magkaroon narin sana ng weekly counseling ang mga studyante ngayon sa loob ng paaralan. Mabigat na bagay ito pero baka mas makatulong. Lalo sa mga studyante na may mga binibit na problema at depression.

Aminin na natin. Mas mapusok, mas malalambot at mas madamdamin na ang mga bata ngayon. Hindi dahil sa mahihina sila. Kundi dahil sa mas binibigyan sila ng sobrang laya and masyadong na baby.

Masyadong malaya sa technology, gadgets, at mga bagay na dapat hindi nila madaling ma access pero dahil sa kakulangan ng pag gabay ng mga magulang ay hindi na natututukan.

IBALIK NYO ANG DISIPLINA AT TAKOT SA MGA KABATAAN. HINDI PARA TORTURIN O SAKTAN LANG SILA. KUNDI PARA MARAMDAMAN AT MALAMAN NILA KUNG ANO ANG CONSEQUENCES KAPAG MAY MGA MALING BAGAY SILANG GINAWA.

WALANG MAY GUSTO NA MANGYARI YAN, PERO ANG NANGYARI AY NANGYARI NA!. HINDI NA MAIBABALIK ANG MGA BUHAY NA NAWALA.

WAG MONG HINTAYIN NA SA ANAK MO NA MANGYARI. ANG MAWALA O MAGING DAHILAN KUNG BAKIT MAY BUHAY NA NAWALA.

15/08/2026

ROS is back?

Baka hindi na kayanin ng mga players ngayon ang trastokan pag nabalik yan. Hmmm

14/08/2026

AYAW TUMIGIL NG ULAN DULOT NG PAKIELAMARO KA KASI SA BUHAY NG IBA TAN INA KA.

09/08/2026

ROS NA

09/08/2026

HOK X DANDADAN nato

RED ALERT.PLEASE SHARE NALANG PO PARA MAS MALAYO ANG MAABOT NG POST. Tumataas na po ang mga tubig at binabaha napo ang i...
08/08/2026

RED ALERT.
PLEASE SHARE NALANG PO PARA MAS MALAYO ANG MAABOT NG POST.

Tumataas na po ang mga tubig at binabaha napo ang ilang parte ng Metro Manila at ibang part ng luzon.

Ready po ang team namin for Rescue Operation if may biglaang pag-taas ng tunig dulot ng walang tigil na pag-ulan.

Comment lang po kayo dito if may mga lugar na need ng rescue at pipilitin po naming makatulong.

Ready po ang aming mga fire truck, bangka, life vest, and ambulance.

Boss Mark Sanchez Vlog ang aming team leader at pwede din po kayo mag direct contact sakanya.

Salamat at mag-ingat at maging alisto po ang lahat.

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GHOST Wrecker posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to GHOST Wrecker:

Shortcuts

Share