16/10/2020
Part 63
( Bakit mo nagawa sa akin ito? )
Buong magdamag na lumuha si Gordon. Hindi na sya makapag isip ng maayos . Punong-puno siya ng hinanakit sa kanyang pinakamamahal na babae ngunit hindi parin siya nawawalan ng pag-asa. Pipilitin niyang makumbinsi ito.
Ngunit pagsapit ng alas-sais ng umaga ay lumabas si Korina na may bitbit na isang maleta at bag. Napabangon agad si Gordon.
Gordon : Korina, saan ka pupunta?
Hindi sumagot si Korina.
Gordon : Huwag kang umalis. Nakikiusap ako sa iyo. Paano na ang anak natin?
Korina : Ikaw na ang bahala sa bata.
Gordon : Korina naman. Kailangan pa bang humantong tayo sa ganito? Nakikiusap naman ako oh.. ( lumuhod ) Mahal na mahal kita Korina. Hindi ko kayang mawala ka. Parang awa mo na.
Korina : Hindi na magbabago isip ko. Paalam Gordon.
Gordon : Korina... ( humahagulgol )
Korina : Patawad Gordon. Aalis na ako.
At lumabas na nga ng bahay si Korina habang si Gordon ay nakaluhod parin at labis na tumatangis.
Sobrang nasaktan si Gordon sa nangyari dahilan para siya ay magwala. Tumayo siya at pinagbabasag ang ilan nilang gamit sa sala. Nagsisigaw siya sa sobrang sama ng loob.
Gordon : Bakit mo nagawa sa akin ito !!!
Maya-maya ay lumabas ang tagapag-alaga ni Francheska. Halata ang takot nito nang makitang nagwawala ang kanyang among lalaki na si Gordon.
Tagapag-alaga : Sir, tama na ho. Natatakot na po si Francheska. Umiiyak po siya.
Nang marinig iyon ni Gordon ay agad siyang tumigil at tinungo ang kaniyang anak.
Gordon : Anak, pasensya na.. pero iniwan na tayo ni Mommy mo. ( humihikbi )
Nagulat din ang tagapag-alaga sa kaniyang narinig. Nalungkot ito sa sinapit ng kaniyang amo.
Tagapag-alaga : Ah eh .. Sir.. Linisin ko lang po yung mga basag sa sala.
Gordon : Sige. Salamat.
Nang makalabas ang tagapag-alaga ay muling lumuha si Gordon at mahigpit na niyakap ang anak.
Gordon : Kahit iniwan na tayo ni Mommy mo ay narito parin ako anak. Hindi kita iiwan. Pinapangako ko iyan sa iyo. Gagawin ko ang lahat... Mapalaki lang kita ng maayos at maibigay ang lahat ng pangangailangan mo. Mahal na mahal kita Anak ko.
Pinahid ni Gordon ang kanyang mga luha. Ito ay tanda na tanggap na niya ang nangyari. Ang pagmamahal na nararamdaman ni Gordon para kay Korina ay tila napalitan ng galit. Galit sa pag-iwan sa kanila ng kaniyang anak na walang sapat na dahilan at hindi katanggap- tanggap na dahilan. At dahil narin sa pangyayaring ito ay ihihinto na niya ng tuluyan ang pakikipag-ugnayan sa mga ligaw na kaluluwa .