22/12/2025
I hope no one was hurt, but at least we saw that our bollards are effective.
Aaminin ko ma minsan kinakabahan ako na baka may gawa ang LGU na substandard. Bilang mayor, hindi naman ako engineer, kulang ang kakayahan ko at aasa ka lang din talaga sa tao mo.
Hindi sekreto, lalo na sa ngayon, na marami sa proyekto ng gobyerno ay substandard. Kahit sa private nga diba minsan shino-shortcut ang gawa.
(Meron din tayong inisiyatiba para sa 3rd party/CSO infra monitoring pero ibang topic na yun.)
🔵 𝗦𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻, 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗻𝘂𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗿𝗲𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗿𝗼𝗰𝘂𝗿𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗯𝘂𝗺𝗮𝗯𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘄𝗶𝗻𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗱 𝗮𝘁 𝗽𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗰𝗼𝘀𝘁. 𝗢𝗸 𝘆𝘂𝗻, 𝗽𝗲𝗿𝗼 𝗸𝗮𝘆𝗮 𝗿𝗶𝗻 𝗞𝗔𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗟𝗔𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗚𝗜𝗡𝗘𝗘𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗔𝗙𝗙 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗡, 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗦𝗜𝗚𝗨𝗥𝗢 𝗡𝗔 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗦𝗧𝗔.
𝗠𝗮𝘀𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗮𝗸𝗼 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗻𝗮 𝘁𝘂𝗺𝗮𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗿𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗻𝗴 𝗟𝗚𝗨 𝗻𝗴 𝗟𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱 𝗣𝗮𝘀𝗶𝗴. 🔵
~Back-to-bangketa~ Alam ng mga taga Pasig kung gaano kasikip ang mga kalsada sa atin. Kaya sunod-sunod amg mga bagong proyekto ngayon sinusubukan nating i-"maximize" ang espasyo-- tinatanggal ang mga encroachment, binababaan at pinoprotektahan ang mga sidewalk kasabay na rin ng drainage improvement.
📷 courtesy of Marami rin kaming nakukuha mula sa page nyo pati sa mali namin na pinopost nyo hehe salamat po.