22/12/2025
[IN PHOTOS]
Matapos ang masusi at malawakang pagsasaayos sa dambana, pormal na muling pinasinayaan sa publiko ang makasaysayang bahay at museo ng ating bayaning si Apolinario Mabini sa loob ng PUP Sta. Mesa Campus nitong Disyembre 10, 2025.
Sa pangunguna ng tagapangulo ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, Taga-pangulo Regalado Trota Jose Jr., at ng Tagapangulo ng Komite ng Senado sa Edukasyong Tersiyaryo, Teknikal, at Bokasyonal, at masugid na tagapagtaguyod ng pamanang lahi at kultura, Senadora Loren Legarda, layunin ng Dambana at Museo na higit na mapalapit sa mga kabataang Pilipino, partikular na sa mga Iskolar ng Bayan, ang buhay, kaisipan, kabayanihan ng Utak ng Himagsikan. Sumisimbolo ang muling pagbubukas ng Dambana at Museo sa pagkakaisang pangalagaan at muling alalahanin ang ating kasaysayan sa gitna ng modernong panahon. Nagbibigay rin ito ng karunungan at inspirasyon sa mga kabataan na magpatuloy sa pagsulong ng kapayapaan at karapatang pantao ng bawat mamamayang Pilipino.