24/08/2026
TUBONG MARINDUQUEÑO, BAGONG HEPE NG PRO-10
NEWS NOW | Itinalaga ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. si Police Brigadier General Aaron Mandia, isang tubong Marinduqueño, bilang bagong hepe ng Police Regional Office 10 (PRO-10) o Police Regional Office–Northern Mindanao.
Pinalitan ni PBGen. Mandia si PBGen. Christopher Abrahano, na itinalaga naman bilang bagong hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Ang bagong assignment ni Mandia ay epektibo ngayong Agosto 24, 2026.
Bago ang kanyang bagong tungkulin, nagsilbi si Mandia sa PRO-10 at naging Director ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO). Noong Hulyo 2026, na-promote siya sa ranggong Police Brigadier General.
Isang malaking karangalan para sa Marinduque!Mula sa isang lalawigang kilala sa pagiging payapa at matatag, isa na namang Marinduqueño ang umabot sa mataas na posisyon sa pambansang kapulisan.
Mabuhay at congratulations, PBGen. Aaron Mandia!