07/08/2023
Big ✔✔✔
Ang hirap maging isang ina, kahit pagod ka na kailangan mo pa din kumayod para sa pamilya. Ang hirap maging ina, kahit na masama pakiramdam mo, hindi ka basta basta pwede tumigil dahil may mga anak ka. Ang hirap maging ina, dapat maunawain ka at mapagpasensya kung hindi, kamumuhian ka nila.
Ang hirap maging isang ina lalo na kung housewife ka, iisipin nila nasa bahay ka lang, nagpapakasarap, walang ginagawa. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay tambak ang iyong trabaho - linis ng bahay, hugas ng pinagkainan, laundry ng kabundok na labahan, alaga ng bata, luto ng pagkain at iba pang gawain. Halos wala ka ng pahinga, ni hindi ka na makaalis ng bahay sa dami ng gawain, kahit sarili mo napabayaan mo na. Bitin lagi ang tulog dahil kelangan mo pang gumising ng maaga at asikasuhin ang mga bata. Lahat ng ito iyong tinitiis alang-alang sa iyong pamilya.
Ngunit kahit gaano pa kahirap ang maging isang ina, ito ay iyong kinakaya dahil mahal mo sila. Dahil alam mo na kaakibat ng pagiging isang ina ang responsibilidad at sakripisyo. Kailangan mo maging matatag, hindi para sa sarili mo kundi para sa mga anak mo. Hindi ka pwede maging mahina kasi ikaw ang lakas ng pamilya mo. Hinding hindi ka pwedeng sumuko!
Oo mahirap ang maging isang ina, pero makita mo lang ang ngiti sa mga labi ng iyong pamilya ay nawawala na ang pagod mo. Makita mo lang silang masaya, ligtas at masigla ay napapawi na ang lungkot mo. Dahil sila ang buhay mo, dahil sila ang kasiyahan mo.
Being a mother is a never-ending sacrifice. Being mother a means unconditional love.