27/03/2025
Room 10
karanasan ko nun nung nag gaguide pa ako, itago nyo nalang po ako sa pangalang niel. Way back 2016 hinatid namen korean guest namen sa kalibo airport for departure,then arrival nanaman kami kinaumagahan. So nag check in kami sa novotel sa kalibo at ang nakuha nameng kwarto ng katrabaho ko is room number 10, yun yung kwarto na iniiwasan nameng lahat kaso no choice. Nag usap kami ng kasama ko habang nagiinom, sabi nya mauna daw ako matulog bago sya mahirap daw kasi sabay sabay. So ayun na nga nauna akong natulog, wala pang 1hr tulog ko nanaginip ako na may babaeng nakaputi at maitim ang mukha na nakaupo sa tabi ng kasama ko . Napansin pala ng kasama ko na nananaginip ako kaya agad nya akong ginising at sya nanaman daw matutulog. Nung nakatulog sya wala pang 30 mins parang binabangungot sya kaya dali dali kong ginising at pagkagising nya kinwento nya saken na may nakita syang babaeng nakaputi sa tabi ko at maitim ang itsura. Sumagot ako ganun din napanaginipan ko, grabe bigla kaming tumahimik dalwa. By the way yung president ng photographer association ay namatay din sa kwarto na yun. Bangungot ang napag alamang kamatayan nya, kaya simula nun nagkakatakutan na kami at iwas na iwas sa room 10 ng novotel sa kalibo. So ayun na nga di na kami natulog, naginom nalang kami ng nag inom. Kinaumagahan naligo ako , yung kasama ko bumaba bumili pagkain, Habang naliligo ako may dumaang figure ng tao sa labas ng pinto. Yung pinto is made out of glass kaya alam mo pag may dumadaan. So ayun chineck ko wala naman ,at wala pa kasama ko. Kaya dali dali kong tinapos paliligo ko at nagbihis para pumunta sa baba. About naman sa pagligo sa cr naransan din ng isang kasamahan na ganun ang nangyare, ang masaklap yung kamay nung nagpakita sa kanya talagang humaplos sa pinto. Lumabas sya sa cr at tumakbo sa hallway kahit naka towel lang sya. Kaya simula nun di na namen pinagpipilitang mag check in sa hotel na yun, mas pinipili nalang namen sa ibang hotel kahit pangit basta walang momo.