22/05/2025
TUPAD, AKAP at AICS NO MORE? LACSON, GIGIBAIN NA ANG PADRINO-BASED NA AYUDA.
Mariing kinuwestyon ni Senator-elect PANFILO "Ping" LACSON ang mga programang ayuda ng gobyerno tulad ng TUPAD, AKAP at AICS na aniyay hindi na nagsisilbi sa tunay na layunin ng serbisyo publiko kundi naging daluyan ng pamumulitika at pabor-paboran. Sa halip na sistemang pantay at makatarungan, ibinulgar ni Lacson na ang mga nasabing ayuda ay ginawang kasangkapan ng ilang mambabatas at opisyal para sa sariling interes.
Ang dapat ay tulong para sa mga mahihirap pero sa TUPAD, AKAP at AICS . Mas nauuna ang koneksyon kesa sa pangangailangan . Pinaglalaruan ang listahan, inuuna ang kakilala at lalong masama ginagit ito bilang pangkampanya kahit hindi pa eleksyon " pahayag ni Lacson sa isang panayam "
Ayon pa kay Lacson ang mga programang ito ay madalas na nagiging instrumento ng ilang mambabatas upang palakasin ang kanilang personal na interes, sa halip na tunay makatulong sa mga nangangailangan. "Ang mga intensyon ay nabaluktok, at ang pondoy unti unting napunta sa kamay ng mgabihasa sa ayuda - politics" aniya.
Bilang tugon, isinusulong ni Lacson ang integrasyon ng lahat ng porma ng ayuda sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o (4Ps), na may sistematikong batayan , malinaw na listahan ng mga benepisyaryo at iisang pamantayan sa implemintasyon. Kung may isang programang dapat pagtiwalaan ito ang 4Ps. May malinaw na datos, may sapat na pag aaral at hindi ito basta basta naaabuso. " Dagdag nya.
Sa kanyang pagbabalik sa senado bitbit ni Lacson ang paninindigang wakasan ang sistemang " tulong na nagagamit sa taas pero kapos sa baba . "Aniya hindi pweding maging playground ng pulitika ang mga tulong ng gobyerno , dapat itong bumalik sa tunay na layunin nito. ANG MAHIHIRAP HINDI ANG MAKAPANGYARIHAN.
via Serbisyong Pilipinas