23/08/2025
๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐๐๐ ๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ | ๐ช๐๐๐ง๐๐๐ฅ ๐ฅ๐๐ฃ๐ข๐ฅ๐ง: Bagamat wala pang bagyong direktang nakakaapekto sa bansa sa kasalukuyan, isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng mga awtoridad. Ayon sa ulat, ito ay matatagpuan sa layong 930 kilometro silangan ng Southern Mindanao at may malaking posibilidad na maging ganap na bagyo sa loob ng 24 na oras.
Samantala, ang Bagyong โIsangโ, isang Tropical Storm, ay lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Huli itong namataan sa layong 600 kilometro kanluran ng Sinait, Ilocos Sur, taglay ang lakas ng hangin na 85 kilometro kada oras at bilis ng galaw na 30 kilometro kada oras pa-kanluran.
Dahil sa extension o trough ng LPA, inaasahan ang maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Northern Mindanao.
Inaasahan din ang mahina hanggang katamtamang hangin mula sa hilagang-silangan hanggang hilagang-kanluran, na magdudulot ng 0.6 hanggang 1.5 metrong taas ng alon sa karagatan sa Northern Mindanao.
Follow and like Heart FM 93.7 - Bukidnon for more news and updates
๐๐ถ๐๐๐ฒ๐ป ๐๐ผ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ ๐ต3.๐ณ ๐ผ๐ป ๐๐ผ๐๐ฟ ๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐ถ๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ท๐ฎ๐บ ๐๐ถ๐๐ต ๐ฎ๐น๐น ๐๐ผ๐๐ฟ ๐ณ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ๐ถ๐๐ฒ ๐ต๐ถ๐๐!
You may also download the online application on Google Playstore at the link below:
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.amfmph.apr_202104191030
Source: ORO-CDRRMD