08/08/2025
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐น๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ: ๐ฅ๐ฒ๐๐ถ๐๐ฒ๐ฑ ๐๐๐ ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฆ๐, ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ป๐ฎ๐ต๐ถ๐ป๐ด ๐ง๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐
Kasabay ng pagbubukas ng bagong semestre ng akademikong taon 2025-2026 ay ang pagdaraos ng General Assembly, kung saan pangunahing paksa sa naging pagtitipon ang rebisyon sa Constitution and By-Laws (CBL) ng Supreme Student Council (SSC) ng Central Mindanao University (CMU) na ginanap sa University Convention Center (UCC) nitong araw, Agosto 8.
Ayon sa SSC, ang nasabing pag-amyenda sa CBL ay inilathala upang mapaunlad pa ang kanilang paglilingkod sa mga mag-aaral at makabuo ng mas matibay na pundasyon para sa organisasyon.
Kabilang sa mga binagong parte ng CBL ang Objectives, kung saan inilathala ang mas direktang layunin ng sanggunian. Kasama rin sa mga makikita na rebisyon ang pagdaragdag ng dalawang seksyon sa Article I: Name, Domicile, Nature, And Seal, kung saan nakapaloob ang pagkakaroon ng opisyal na seal at logo ng kapisanan.
Nadagdagan din ang deskripsyon sa Section 5 ng Article II: Declaration of Principles and Policies, at narebisa ang Sections 1 at 2 ng Article III: Bill of Rights, kung saan binigyang diin ang mga karapatan ng mga estudyante.
Gayundin, binago ng rebisyon ang titulo ng Article IV sa The CMU-SSC Officers, kasama ang kanilang mga obligasyon at tuntunin bilang mga lider.
Bukod pa rito, natalakay din sa pagpupulong ang paglalahad ng accomplishment report, financial report, at calendar of activities ngayong semestre.
Samantala, naging tampok din sa pagtitipon ang raffle draw, kung saan kabilang sa mga premyo ay tumbler, 500 pesos cash, 100 pesos Gcash, food supplies, isang ream ng bond paper, at two days and one night tour sa Bukidnon at Camiguin Island.
Ayon sa nakagawian, hinati sa apat na batch ang aktibidad ayon sa sumusunod: College of Agriculture at College of Veterinary Medicine; College of Education at College of Engineering; College of Business and Management, College of Information Sciences and Computing, at College of Human Ecology; at panghuli, ang batch ng College of Nursing, College of Forestry and Environmental Sciences, at College of Arts and Sciences.
Gayunpaman, ang nasabing rebisyon sa CBL ay nangangailangan pa ng plebisito mula sa CMUans at pag-apruba ng institusyon bago opisyal na maisakatuparan ng sanggunian.
Sa pagtatapos ng pagpupulong, pinasalamatan ng organisasyon ang mga dumalo at inaasahan ang buong kooperasyon ng CMUans para sa mas maayos at produktibong taon.
๐๐ด๐ช๐ฏ๐ถ๐ญ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช: ๐๐ฉ๐ฆ๐ณ๐ณ๐บ ๐๐ข๐ฃ๐ช๐ข
๐๐ช๐ต๐ณ๐ข๐ต๐ช๐ด๐ต๐ข: ๐๐ฆ๐ช๐จ๐ฉ๐ฏ ๐๐ณ๐ช๐ฃ๐ข๐ญ & ๐๐ฐ๐ณ๐ฆ๐ช๐จ๐ฏ ๐๐ณ๐ช๐ฃ๐ข๐ญ
๐๐ข๐จ๐ข๐ธ๐ข๐ด๐ต๐ฐ: ๐๐ข๐ฎ๐ช๐ญ๐ฆ๐ฆ