17/07/2025
Sa totoo lang, madali lang sabihin na, di dapat natin ikompara ang sarili natin sa iba, pero sa totoo lang, kapag andun ka sa sitwasyon na feeling mo napag iwanan ka na, di maiwasang makompara mo buhay mo sa iba.
Kapag nakikita mong yong mga kabatch mo successful na, ikaw hindi pa.
Kapag nakikita mo yong mga kakilala mo, parang ang gaan ng buhay, pero ikaw nahihirapan.
Pero hindi dahil, kinumpara mo sarili mo sa iba, masamang tao ka na. Normal lang naman talaga na makakaramdam tayo ng ganyan. Nasa atin pa rin yan paano natin
I hahandle ang mga insecurities na nararamdaman natin.
Kasi pwede naman kasi natin silang gawing inspirasyon,at tingnan as motivation.
Ang dali lang sabihin na, wag mo ikompara sarili mo sa iba, pero sa totoo lang, lahat yata tayo dumaan sa punto na nakompara talaga natin sarili natin sa iba. Kadalasan nga dun tayo nag umpisa eh, kaya nagsikap tayo para maging katulad nila.