22/09/2025
๐๐ฎ๐ง๐ ๐ก๐๐ฒ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฒ๐ฌ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐ฎ๐ฒ๐๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐ข๐๐ซ๐๐ง, ๐๐๐ง๐๐จ ๐๐๐ฅ ๐๐ฎ๐ซ ๐ง๐ ๐ค๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ฐ๐ข๐ ๐๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ก๐ข๐ฒ๐จ๐ง ๐๐๐๐๐.
Ako po si Gng. Roconsalam Amer Mauyag, 49 na taong gulang, naninirahan sa Barangay Pawak, Saguiaran, Lanao del Sur. Ako ay ina ng walong anak at dating benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Sa murang edad na 16, napilitan akong tumigil sa pag-aaral dahil sa maagang pag-aasawa. Kasabay ng responsibilidad bilang ina at asawa, hinarap namin ng aking asawa, si G. Mamasage Bantog Mauyag, ang mga hamon ng kahirapan.
Noong una, nanirahan kami sa Tangcal, Lanao del Norte, kung saan kami ay umaasa sa simpleng pagsasaka ng mais at kamote para sa pang-araw-araw na pangangailangan. Ngunit dahil sa dami ng aming mga anak at kakulangan sa kita, bumalik kami sa Pawak upang maghanap ng mas matatag na kabuhayan. Sa aming pagbabalik, sinimulan naming pagplanuhan ang aming pamilya nang mas maayos.
Ang aking asawa ay nagtrabaho bilang security guard at kalaunan ay nagtrabaho sa Saudi Arabia bilang Gasoline Tank Driver upang matustusan ang aming pangangailangan. Ako naman ay nanatili sa bahay, nag-aalaga sa mga anak, at nagsasaka nang sabay-sabay. Sa kabila ng mga hirap, nagsusumikap kaming pareho.
Noong kami ay naging benepisyaryo ng 4Ps noong 2010, unti-unti naming nakita ang pagbabago sa aming buhay. Ang pinansyal na tulong mula sa programa ay pangunahing naging suporta sa edukasyon ng aming mga anak, lalo na noong sabay-sabay silang nasa high school. Bukod dito, ang mga Family Development Sessions (FDS) ay nagturo sa amin ng mga mahahalagang aral tungkol sa responsableng pagpapalaki ng mga anak, tamang disiplina, at pagtutulungan ng buong pamilya.
Sa bahay, napag-usapan naming lahat ang tungkulin at responsibilidad โ hindi ito nakatuon lamang sa akin bilang ina o sa asawa ko bilang ama. Tinuruan namin ang mga anak na lalaki na tumulong sa mga gawaing bahay tulad ng paglilinis, paghuhugas ng pinggan, at pagtulong sa mga nakababatang kapatid, habang ang mga babae naman ay kasama sa paghahanda ng pagkain at pag-aalaga sa mga menor de edad. Sa ganitong paraan, natutunan naming pantay-pantay ang paghahati ng responsibilidad, na nagpatibay sa aming samahan.
Isa sa pinakamahirap na pagsubok na aming hinarap ay ang pansamantalang paghihiwalay namin ng aking asawa, na nagdulot sa akin ng matinding depresyon. Ngunit sa tulong ng mga aral mula sa FDS at sa pagdadamayan ng aming pamilya, nagawa naming malampasan ang madilim na panahon na iyon. Ang aming mga anak ay naging inspirasyon ko upang magpatuloy at bumangon muli.
Sa ngayon, ang aming walong anak ay nakapagtapos ng kolehiyo o patuloy na nag-aaral. Marami na ang nakakatulong sa aming kabuhayan. Halimbawa, si Johaimen ay nagtatrabaho bilang pulis na nagbibigay ng dagdag na โฑ5,000 bawat buwan para sa pamilya. Ang iba naman ay tumutulong sa pagbili ng mga pangangailangan sa bahay, na umaabot ng โฑ20,000 kada buwan. Tinutulungan din nila ang dalawang bunsong anak na kasalukuyang kumukuha ng Nursing sa Marawi City. Sa walo kong anak ay tatlo na rin ang mayroon ng sariling pamilya, ganun pa man, kung may extra sila ay nagbibigay sila ng allowance, pero ako bilang ina, sinasabi ko sa kanila na mas priority na nila ang kanilang pamilya. Napag-uusapan din namin nang bukas at patas ang aming mga gastusin at kinikita upang maging maayos ang pag-budget namin.
Hindi lang kami sa loob ng bahay nagkakaisa. Aktibo rin kami sa mga gawain ng komunidad. Bilang presidente ng Pawak Saguiaran Golden Ladies Producer Cooperative, pinamumunuan ko ang mga kababaihan sa pagtatanim at pagproseso ng turmeric, na malaking tulong sa aming pamilya at sa iba pang miyembro ng barangay. Ang aming pamilya ay sumasali rin sa mga proyekto sa barangay at nakikiisa sa mga programa tungkol sa kalinisan at kalusugan.
Pinahahalagahan namin ang kalusugan at kalinisan sa aming tahanan. Mayroon kaming maliit na hardin sa bakuran kung saan nagtatanim kami ng gulay at halamang gamot. Regular naming nililinis ang paligid at pinaghihiwalay ang basura upang mapanatili ang kalinisan at maiwasan ang sakit.
Sa kabila ng mga pagsubok, nananatili kaming nagkakaisa, nagtutulungan, at nagmamahalan bilang isang pamilya. Ang mga natutunan namin sa 4Ps, lalo na sa Family Development Sessions, ay aming isinasabuhay araw-arawโmula sa positibong disiplina sa mga anak hanggang sa maayos na pamamahala ng aming kita at pagtutulungan sa lahat ng gawain sa bahay at komunidad.
Sa kabuuan, ang 4Ps at ang aming sariling determinasyon ang naging susi upang mapagtagumpayan namin ang kahirapan. Hindi lamang namin napabuti ang aming kabuhayan, kundi naitaguyod din namin ang isang masaya at matatag na pamilya na may malalim na pagmamahal, respeto, at pag-unawa sa isaโt isa. Ang aming kwento ay patunay na kahit sa gitna ng pagsubok, ang pagkakaisa, pagsusumikap, at pananampalataya ang tunay na sandigan ng bawat pamilyang Pilipino.
Malaki ang naging ambag ng 4Ps sa pagbabago ng aming buhay. Sa panahong halos wala na kaming pag-asa, naging matibay na suporta ang programang ito upang matustusan ang pag-aaral ng aming mga anak, na noon ay tila imposible sa aming sitwasyon. Sa pamamagitan ng regular na health at education grants, nagkaroon kami ng sapat na tulong para sa mga pangangailangan ng aming pamilya.
Bukod sa pinansyal na suporta, napakahalaga rin ng mga Family Development Sessions (FDS) na aming dinaluhan. Dito ako, bilang ina, natutong maging mas epektibo sa pagpapalaki at paggabay sa aming mga anak. Ang mga aral na ito ay nagpalakas sa aming pamilyaโkung kayaโt karamihan sa aming mga anak ay naging aktibo sa mga programa sa paaralan at komunidad, at marami na ang nakatanggap ng mga sertipiko at pagkilala.
Hindi lang kami natulungan ng 4Ps. Noong 2024, na-refer kami sa Sustainable Livelihood Program (SLP) bilang bahagi ng Household Intervention Plan (HIP). Dito, na-assess at na-validate ang aming pamilya bilang kwalipikado sa tulong-pinansyal. Ngayong 2025, nakalista na kami bilang target recipient para sa seed capital assistance ng SLP, at naghihintay na lang kami ng pormal na pag-release ng pondo upang mas mapalago ang aming kabuhayan.
Bukod pa rito, ako ay nanunungkulan bilang Presidente ng Pawak Saguiaran Golden Ladies Producer Cooperative, na nakatuon sa pagtatanim at pagproseso ng turmeric. Ang aming kooperatiba ay naging isa pang mapagkukunan ng kita at suporta sa aming pamilya at komunidad.
Ang aking asawa ay patuloy na nagtatrabaho bilang driver ng van sa ruta Marawi-Iligan, habang ang kabuuang kita ng aming pamilya ay umaabot sa humigit-kumulang โฑ20,000 kada buwan, hindi pa kabilang ang suporta mula sa aming mga anak. Mula sa simpleng bahay-kahoy na aming tinuluyan noon, sa tulong ng aming mga anak at sariling tiyaga, ngayon ay mayroon na kaming sariling matibay na bahay na aming pinagmamalaki.
Sa kabuuan, ang kombinasyon ng 4Ps, mga programang pangkabuhayan, at kooperatiba ay nagbigay sa amin ng lakas at oportunidad upang mapaunlad ang aming pamumuhay at makamit ang mas maayos na kinabukasan.
Para sa lahat ng pamilyang Pilipino na patuloy na nakikipaglaban sa hamon ng kahirapan, nais kong ipabatid na hindi imposible ang makaahon at makamit ang mas magandang buhay. Naranasan ko rin ang matinding paghihirap โ mula sa kawalan ng sapat na pagkain, pagkawatak-watak ng pamilya, hanggang sa matinding depresyon. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi ako sumuko at patuloy na lumaban para sa aking mga anak at sa aming kinabukasan.
Malaki ang naitulong ng mga programa tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), pati na rin ang suporta mula sa gobyerno sa pamamagitan ng DSWD, MSSD, Sustainable Livelihood Program (SLP), mga NGOs, at lokal na pamahalaan ng Saguiaran. Sa tulong ng mga ito, kasama ang aming sariling tiyaga at pananalig kay Allah, unti-unti kaming nakaahon mula sa kahirapan at ngayon ay nakapamuhay nang mas maayos at masagana.
Alam namin na hindi madaling daan ang aming tinahak โ puno ito ng pagsubok at pagsasakripisyo. Ngunit ang aming pamilya ay patunay na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa loob ng tahanan. Sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagmamahalan, disiplina, determinasyon, at matibay na pananampalataya, nagagawa naming lampasan ang mga pagsubok na dumarating.
Nais naming magsilbing inspirasyon sa ibang pamilya na kahit gaano man kahirap ang kanilang kalagayan, may pag-asa pa rin. Ang kahirapan ay hindi hadlang sa pag-abot ng mga pangarap. Ang aming kwento ay hindi lamang tungkol sa tagumpay, kundi kwento ng pagbangon, pagtutulungan, at walang sawang pagmamahal sa isaโt isa.
Hinihikayat namin ang bawat pamilyang Pilipino na patuloy na magtiwala sa sarili, magtulungan, at huwag mawalan ng pag-asa. Sa bawat hakbang ng pagsusumikap at sa tulong ng mga programa ng gobyerno at komunidad, posible ang pagbabago. Kami ay nandito upang ipakita na kahit mahirap ang buhay, kayang-kaya nating magtagumpay nang sama-sama.