08/04/2025
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐๐๐ง ๐๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐ซ๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง: ๐๐๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ข ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐ฆ๐๐ง๐๐๐ ๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐
Ang pangakong katarungan para sa mga biktima ng Marawi Siege ay matagal nang inaasam, at sa paglabas ng Republic Act No. 11696 o ang Marawi Siege Victims Compensation Act of 2022, tila nagsimulang magliwanag ang daan. Ngunit sa mga bagong pagbabago sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Marawi Compensation Board (MCB), ang liwanag na ito ay tila unti-unting natatakpan ng ulap ng kalituhan, pagkabahala, at posibleng kawalang-katarungan.
๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐จ, ๐๐๐ฅ๐๐๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ๐๐ง
Isa sa mga pangunahing isyu ay ang pagtanggal ng MCB sa pananagutan nito na magbayad para sa mga pribadong ari-ariang na-demolish dahil sa mga programang tulad ng Marawi Recovery, Rehabilitation, and Reconstruction Program (MRRRP). Ang responsibilidad ay inilipat sa mga implementing agenciesโisang teknikal at administratibong galaw na maaaring magresulta sa passing the buck o pag-iwas sa pananagutan.
Sa praktikal na aspeto, para ito sa isang simpleng residente ng Marawi, nangangahulugan ito ng isa na namang hadlang. Kung dati ay maaari silang direktang humingi ng kompensasyon sa MCB, ngayon ay kailangan nilang dumaan sa panibagong proseso sa ibang ahensyaโbagong dokumento, bagong pila, bagong pasensya.
Bukod dito, ang pagtukoy sa Right-of-Way Act bilang alternatibong panuntunan ay tila hindi akma. Ang batas na iyon ay para sa mga proyekto ng gobyerno na may malinaw na layunin ng public infrastructure. Ngunit ang kaso ng Marawi ay bunga ng digmaanโisang trahedyang dapat tratuhing may espesyal na konsiderasyon, hindi ikinakahon sa teknikal na batas para sa kalsada.
๐๐ง๐ฌ๐ญ๐๐ฅ๐ฅ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐๐ก๐๐ฆ๐: ๐๐๐ค๐๐ญ๐๐ซ๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง ๐๐ ๐จ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐จ๐ญ?
Sa usapin naman ng installment scheme, totooโmay legal na batayan ito, at may lohika sa pagsasabing kailangan itong gawin upang hindi mabawasan bigla ang pondo ng gobyerno. Ngunit dapat nating tanungin: kanino ba talaga ang perang ito?
Ito ay kompensasyonโhindi regalo. Ito ay pagkilala sa pinsala, sa nawalang kabuhayan, at sa pangakong hindi sila iiwan ng estado. Kung kailangan ng installment, dapat malinaw ang terms, may transparency, at higit sa lahat, may konsultasyon sa mga claimant.
Dapat tandaan ng pamahalaan: ang pera ay hindi mula sa bulsa ng mga opisyal. Ito ay karapatang kinikilala sa ilalim ng batas. Kung may installment man, itoโy dapat pantay, patas, at walang tinatanging proseso.
๐๐๐ง๐๐ฐ๐๐ ๐๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ฌ๐ฒ๐ ๐๐ญ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฅ๐ข๐ฐ๐๐ง๐๐
Ang pinakamalaking problema sa mga pagbabagong ito ay ang kakulangan ng malinaw na komunikasyon sa mga apektado. Kung hindi ito maipapaliwanag ng maayos sa mga tao, lalo lamang lalalim ang galit, pangamba, at pakiramdam ng pagkalimot.
Ang Marawi Siege ay hindi simpleng proyekto ng gobyerno. Isa itong sugat sa kasaysayan ng ating bansa, at ang mga survivor ay hindi dapat tratuhing tila mga hadlang sa accounting o badyet. Ang tunay na hustisya ay hindi lamang nasusukat sa papeles, kundi sa damdaming ang estado ay talagang nagmamalasakit.
๐๐จ๐ง๐ค๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง
Kung layunin ng mga pagbabagong ito sa Amended IRR ng MCB na mapabuti ang sistema, dapat itong sinasabayan ng tunay na malasakit at konkretong mekanismo para hindi mawalan ng pag-asa ang mga biktima. Panahon na para pakinggan muli ang tinig ng Marawiโang tinig ng mga nawalan ng tahanan, dignidad, at katahimikan.
Hindi sapat ang batas kung hindi ito naaayon sa katarungan. At ang katarungan ay hindi kailanman dapat hulugan.