The Conservator

The Conservator The Official Student Publication of the College of Forestry and Environmental Studies, MSU-Main Campus

Amidst the vast forest and the call of the wind that made the leaves whisper, a new dawn is set for those who believe. K...
15/10/2025

Amidst the vast forest and the call of the wind that made the leaves whisper, a new dawn is set for those who believe. Knowledge rooted, you now stand ready, and steadfast. Bringing with you the discipline instilled. To enrich the earth as your purpose fulfilled.

May courage guide you, and honor lead the way. The College of Forestry and Environmental Studies stands with pride, as you take this noble journey side by side.

The Foresters Licensure Examination (FLE) is set to take place tomorrow, October 16-17, 2025. Best of luck to all examinees!



Layout by Abdulhalim Somilalao

14/10/2025

๐—–๐—™๐—˜๐—ฆ ๐—ถ๐—ป ๐— ๐—ผ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ 2025 ๐—˜๐˜…๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐˜‡๐—ฎ

A total of 41 students in the musical and 55 in the dance categories are set to participate this year.

Various categories are to be attended of as follows:

Musical Extravaganza:
Original Composition
Acapella
Solo (English and Filipino)
Duet (English and Filipino)
Impersonation

Dance Extravaganza:
Line Dance
Folk Dance
Contemporary Dance
Street Dance

Video by Mohammad Yassin Boloto & Ayman Daud
Edit by Mohammad Raquib Boloto

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | CFES, nagdaraus ng buwanang pagpupulongHinikayat ni Acting Dean Prof. Atty. Renato S. Pacaldo, PhD ang mga Fac...
13/10/2025

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | CFES, nagdaraus ng buwanang pagpupulong

Hinikayat ni Acting Dean Prof. Atty. Renato S. Pacaldo, PhD ang mga Faculty, Staff, at Student Leaders ng College of Forestry and Environmental Studies (CFES) ng Mindanao State University para sa buwanang pulong na ginanap sa CFES Audio Visual Room, ika-13 ng Oktubre, 2025.

Layunin ng pagpupulong na talakayin ang apat na pangunahing agenda, kabilang ang mga Update sa Faculty Development Plan, ang Legitimization ng CFES Strategic Planning, at ang pagrerebisa ng BS Forestry Curriculum, na mahalaga sa kasalukuyang operasyon at pagsunod ng Kolehiyo sa COPC compliance.

โ€œWe will involve our students in every monthly meeting, as this is effective in transitioning to the new face of the CFES under my administration,โ€ ani Prof. Atty. Pacaldo.

Ulat ni Cindy Maglente
Disenyo ni Wasimah Balading at Abdulhalim Somilalao

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | MSU-Marawi Student Publications, nagpulong para palakasin ang Press FreedomNagsagawa ng pagtitipon ang mga Edi...
10/10/2025

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | MSU-Marawi Student Publications, nagpulong para palakasin ang Press Freedom

Nagsagawa ng pagtitipon ang mga Editor-in-Chief (EIC) kasama ang ibang mga membro ng student publications ng ibaโ€™t-ibang kolehiyo sa Mindanao State University-Marawi kabilang ang The Conservator ng College of Forestry and Environmental Studies (CFES) kaninang 1:30 ng hapon, ika-10 ng Oktubre sa Division of Student Affairs (DSA) Conference Room. Ginanap ang pagpupulong upang palakasin ang pagkakaisa at itaguyod ang campus press freedom na naglalayong paigtingin at ipagkaisa ang mga pahayagan sa ilalim ng isang nagkakaisang pagkakakilanlan bilang campus journalists sa unibersidad.

Ulat ni Cindy Maglente
Disenyo ni Wasimah Balading at Abdulhalim Somilalao

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | CFES, Nagtakda ng Undergraduate Thesis OrientationNag-isyu ng pormal na memorandum ang Office of the Dean ng C...
10/10/2025

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | CFES, Nagtakda ng Undergraduate Thesis Orientation

Nag-isyu ng pormal na memorandum ang Office of the Dean ng College of Forestry and Environmental Studies (CFES) na nag-aatas sa lahat ng estudyante ng AFC/ENV/FOR198 at 199 na dumalo sa Undergraduate Thesis Orientation alinsunod sa BOR Resolution No. 208, Series of 2025 na nagtatakda ng โ€œGuidelines for Undergraduate Thesis of MSU-Marawiโ€ kaninang umaga ika-10 ng Oktubre sa CFES-Audio Visual Room.

Ulat ni Cindy Maglente
Litrato ni Jemmy Dayot
Disenyo ni Wasimah Balading at Abdulhalim Somilalao

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | CFES Panthers, nakilahok sa Elimination Round ng University-Wide Literary Competition 2025Sumabak sa prestihiy...
09/10/2025

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | CFES Panthers, nakilahok sa Elimination Round ng University-Wide Literary Competition 2025

Sumabak sa prestihiyoso at inaaabangang patimpalak ng Unibersidad ang mga piling mag-aaral ng College of Forestry and Environmental Studies (CFES) sa paggunita ng ika-64 na Araw ng Pagkatatag ng Mindanao State University, na ginanap ngayon October 9, 2025 sa SLH Annex, MSU Main, Marawi City.

Ulat ni Cindy Maglente
Litrato ni Mohammad Yassin Boloto

๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—ž | CFES Panthers participate in Elimination Rounds for Literary CompetitionsThe College of Forestry and Environmenta...
08/10/2025

๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—ž | CFES Panthers participate in Elimination Rounds for Literary Competitions

The College of Forestry and Environmental Studies (CFES) Panthers took part in the English Category Elimination Rounds for Literary Competitions in celebration of the 64th Founding Anniversary of Mindanao State University, held today October 8, 2025, at the Science Lecture Hall (SLH).

Report by Yasmira Faiz
Photos by Norsaif Mimbisa

Magulo. Hindi kaakit-akit. Walang ka kulay-kulay. Ganto namin ilarawan ang aming buhay kung wala ang pangalawang mga gab...
05/10/2025

Magulo. Hindi kaakit-akit. Walang ka kulay-kulay. Ganto namin ilarawan ang aming buhay kung wala ang pangalawang mga gabay โ€” ang ating mga g**o. Ang ilustrasyon ay repleksyon sa aming tiyak na kahinatnan kung wala sila.

Ngunit ang tila baliktad na mundo ay naging tuwid sa tulong nila. Ang bawat kasanayan ay hinasa, at ang bawat pagkakamali ay itinama. Ang pagkakaiba ng bawat mag-aaral ay tinanggap at pinagkaisa. Sa tulong ng mga g**o, ang bawat aksyon na ginagawa ay nabigyan ng diwa.

Ang hindi matanaw na bukas ay naging malinaw. Ang nakasanayang gulo ay naglaho. Ang bawat leksyon na inyong binibigay ay naglaan ng kulay sa aming di-mahulaang bukas.

Ang bawat salita na aming isinusulat ay bunga ng inyong paghihirap at bawat larawan na ipinipinta ay resulta ng inyong pagsusumikap. Ang inyong paglahad ng tulong ay nag ambag sa aming matingkad na bukas.

Lugod na pasasalamat sa aming mga minamahal na g**o dahil ang pasaway ay naging mahusay dahil sainyong mga pag sa-sanay.

Words by Ashrifah Alonto
Layout by Abdulhalim Somilalao

๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—ž | Environmental Science Students Convene at Department OrientationStudents from the Bachelor of Science in Environm...
04/10/2025

๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—ž | Environmental Science Students Convene at Department Orientation

Students from the Bachelor of Science in Environmental Science (BSES) recently participated the department orientation today, October 4, 2025, in the afternoon at the College of Forestry and Environmental Studies - Audio Visual Room (CFES - AVR).

The program commenced with the opening remarks of Jehan Grace Lachica, MSc, setting a positive tone for the program. Following this, Assoc. Prof. Kaleb P. Arreza, MSc introduced the esteemed faculty members of the Environmental Science Department who will guide students throughout their academic journey. Eight notable faculty members has been introduced, namely: Dr. Mark Joseph J. Buncag, EnP, LPT, MSc, Gideon D. Binobo, Assoc. Prof. Melencio C. Jalova Jr., Assoc. Prof. Habagat G. Mariano, Nathalie Claire Paracueles-Sajulga, Mark Gregory Q. Rule and Jehan Lachico, MSc, and himself.

Dr. Buncag gave the orientation about BSES. There were two main objectives of BSES according to him: (1) to produce graduates needed in environmental protection, conservation, and management, and (2) to produce professionals capable to solve complex problems. The program's history was also traced, it began in 1990, adopting a multidisciplinary approach. It emphasizes interdisciplinary and transdisciplinary learning, classifying Environmental Science as a normative science.

Assoc. Prof. Arreza introduced some of the various job opportunities of the BSES. Under government organization, an Environmental Science student graduate may be interested to work in DENR-EMB, DENR-CENDRO, DENR-PENDRO, DENR-Regional Office, DOST, DSWD, LGU, and NFA. In private sectors, some are the Ayala Corporation, Asia Development Bank, Visa Philippines, Mining Company, and many others. Other profession includes environmental planners, lawyer, doctor, freelance, and business owner.

"Environmental Science was not my first choice, but as days goes by, I'm starting to enjoy this program, and it was amazing, great, wonderful, and it is worth pursuing because the world needs environmental science students like us! ", said Joshua dela Torre, a junior student, encouraging the attendees to continue what they started.

Report by Ze Nob
Photos by Emran Usman

๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—ž | CFES spearheads Strategic Planning and Team Building 2025The College of Forestry and Environmental Studies (CFES)...
27/09/2025

๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—ž | CFES spearheads Strategic Planning and Team Building 2025

The College of Forestry and Environmental Studies (CFES) of Mindanao State University, Marawi (MSU-Marawi) conducted its Strategic Planning and Team Building 2025 on September 25โ€“27 at Kawayan Cliff Resort, Initao, Misamis Oriental, attended by CFES faculty, administrative and support staff, student-organization representatives, and the acting dean Dr. Atty. Renato S. Pacaldo PhD, RPF, with a collaborative effort to structure an escalated college-based direction and performance.

With the theme โ€œStrengthening Research, Extension, Curriculum, and Faculty Development in the College of Forestry and Environmental Studies,โ€ the event aligned the collegeโ€™s programs with the universityโ€™s strategic goals and the administrationโ€™s 9-point agenda through a set of four different workshops that answered: โ€œWhere are we now?โ€, โ€œWhere do we want to go?โ€, and โ€œHow do we get there?โ€

Alongside, team building through scrambled members per team from faculty, staff, and students was organized and intended to strengthen the foundation of the relationships amongst them.

Photos by Norsaif Mimbisa, and Muhaysen Barabadan

๐—™๐—˜๐—”๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜ | Bagong gabay, sa panibagong lakbayGalak. Lito. Gulat. Lungkot.Mga emosyong bumalot sa bawat mag-aaral, kawani,...
24/09/2025

๐—™๐—˜๐—”๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜ | Bagong gabay, sa panibagong lakbay

Galak. Lito. Gulat. Lungkot.
Mga emosyong bumalot sa bawat mag-aaral, kawani, at g**o ng Kolehiyo ng Pangkagubatan at Pag-aaral Pangkapaligiran sa pagtanggap ng bagong administrasyon. Sa apat na taong pag serbisyo ni Assoc. Prof. Abdul-Nasser D. Lomantong, MSF, RPF bilang isang dekano sa kolehiyo ay ipapatuloy sa unang semestro ngayong taong akademiko sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Atty. Renato S. Pacaldo, PhD, RPF. Ito ay mahalagang hudyat sa bagong landas na tatahakin at matatamasa ng mga kasapi sa komunidad. Bagong taong akademiko, bagong dekano, bagong transisyon.

Sa panibagong lakbay, handa ka na bang sumampa sa barko na may bagong kapitan tungo sa di-mahulaang hinaharap? Sa pormal na pagpasa ng susi ng responsibilidad sa bagong dekano, ang paligid ay napuno ng nakakabinging palakpakan na tila nagsusumigaw ng pag-asa at pagsusumamo para sa mas matingkad na bukas. Kapansin-pansin ang iba't ibang emosyong namayani sa bawat isa.

Ang malalakas na palakpakan ay nagpapahiwatig ng pag-asa at positibong pagtanggap. Ngunit sa likod ng mga palakpak, mayroong iba't ibang reaksyon na nagpapalabas ng kanilang mga saloobin. Ito ay dahil bawat kaanid ay may sariling hangad para sa kolehiyo.

Bagong administrasyon, bagong misyon? Sa bawat panimula, asahang may kakaiba, kung kayaโ€™t laging may kaakibat na pangamba. Ang anumang pagbabago ay may nakahandang hamon. Ang posibilidad na magpatupad ang bagong administrasyon ng mga patakarang salungat sa nakasanayan ay nagdudulot ng pangamba sa ilan. Hindi madali ang biglaang pagbabago ng direksyon, at ang transisyon ay nangangailangan ng matalinong pagpaplano at masusing pag-aaral.
Bilang tugon dito, ipinahayag ni Dr. Atty. Pacaldo ang kanyang pilosopiya: โ€œOne CFES, One Family.โ€

Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan, naniniwala siyang ang anumang balakid o suliranin ay kayang lagpasan. Ang susi, aniya, ay ang malinaw at tuloy-tuloy na komunikasyon sa pagitan ng administrasyon at ng komunidad sa kolehiyo.

Ang bagong simula ay hindi dapat tingnan bilang isang babala, kundi isang pagkakataon. Maging โ€œInternationally, nationally, and locally relevant CFESโ€ ang hangad ng bagong administrasyon, at makakamtan lamang daw ito sa tulong at partisipasyon ng bawat nasasakupan dahil ang naglalayag sa barkong may bagong kapitan ay hindi maliligaw ng landas sa tulong at gabay ng mga taong nakasakay.

Words by Ashrifah Alonto
Layout by AU Sumilalao

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ | CFES, idinaos ang College Orientation at Turn-Over Ceremony para sa A.Y. 2025-2026General Orientation at Tur...
19/09/2025

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ | CFES, idinaos ang College Orientation at Turn-Over Ceremony para sa A.Y. 2025-2026

General Orientation at Turnover Ceremony sa College of Forestry and Environmental Studies (CFES) ay isinagawa para sa Academic Year 2025-2026 ngayong Setyembre 19, 2025 sa CFES Grounds, Mindanao State Universityโ€“Main Campus, Marawi City, na dinaluhan ng mga studyante, g**o at kawani.

Naghatid ng pasasalamat ang dating dekano at kasalukuyang Assoc. Prof. Abdul-Nasser Lomantong, MSF, RPF, sa mga g**o, kawani, at sa mga estudyante. Ipinasa niya ang pamumuno kay Dr. Atty. Renato S. Pacaldo, PhD, RPF, na naglatag ng kanyang mensahe ng pagkakaisa sa ilalim ng motto na โ€œOne CFES, One Family.โ€ Samantala, tinalakay sa orientation ang ibaโ€™t ibang mahahalagang paksa: inilahad ni College Secretary Asst. Prof. Randell Keith Amarille MSF, RPF, MSc ang kalahatang impormasyon tungkol sa CFES; ipinaliwanag ni Department Chairperson Asst. Prof. Ricmar P. Magarin, MSF, RPF, ang mga pangunahing patakaran at pagpapakilala sa mga g**o; ipinresenta ni Fstr. Borhannoden M. Nasif ang mga kawani; habang ibinahagi ni Asst. Prof. Jayson Leigh Segovia, MiSDS, EnP, RPF, ang mga direksyon ng pananaliksik. Nagpaliwanag din si Ms. Fatha R. Bato tungkol sa paggamit ng aklatan at mga alituntunin nito, at tinalakay ni Fstr. Noraisah A. Dibaratun ang mga polisiya patungkol sa GAD o Gender and Development.

Report by Yasmira Faiz
Photos by Mohammad Raquib Boloto

Address

Mindanao State University Main
Marawi City
9700

Telephone

+639317543506

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Conservator posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Conservator:

Share

Category