14/11/2025
๐ป๐ผ๐ท | ๐ฐ-๐ฒ๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐
๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐๐๐๐ข๐, ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ: ๐๐ ๐ ๐๐๐ฆ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐๐ข๐ ๐๐ซ๐๐๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ซ๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐๐ฐ๐ข
Ang mga lokal na organisasyon ng midya sa Marawi ay aktibo at patuloy na gumagampan ng serbisyo-publiko sa pamamagitan ng paghahatid ng tapat at mahahalagang impormasyon sa kani-kanilang komunidad. Kabilang rito ang mga bumubuo sa ilang mga istasyon ng radyo at mga nangangasiwa ng mga social media pages gaya ng Facebook na nakabase sa Marawi City, Lanao del Sur.
Gayunpaman, nahaharap sila sa ibaโt ibang mga pagsubok habang sila ay babad sa kanilang trabaho. Ilan sa mga hamong ito ay ang pagbabanta at red-tagging. Hamon rin sa kanilang organisasyon ang kakulangan sa teknikal na kasanayan, at kakulangan sa pondo gayundin sa empleyado.
๐๐๐ ๐๐๐๐๐ง๐ญ๐ ๐๐ญ ๐ซ๐๐-๐ญ๐๐ ๐ ๐ข๐ง๐
Ang pagbabanta sa kaligtasan ng mga mamamahayag ay isa pa ring seryosong isyu sa Marawi. Ayon kay Settie Jehana Baunto, dating news writer at layout artist ng page na MJournal, isang non-government na social media group, mahirap at delikado ang magpraktis ng journalism sa lungsod, partikular ay dahil sa konsepto ng maratabatโisang katangiang Meranaw na may malalim na kahulugan, at katumbas ng "pride and honor" sa salitang Ingles.
Ayon sa kanya, ang mga pagbabanta ay karaniwang nagmumula sa mga mensaheng nagpaparatang sa isang pamilya. "๐๐ข๐ฑ๐ข๐จ ๐ฎ๐ข๐บ ๐ข๐ฑ๐ฆ๐ญ๐บ๐ช๐ฅ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข-๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ, ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ด๐ช๐ญ๐ข, ๐ฑ๐ข๐ต๐ช ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ค๐ญ๐ข๐ฏ, ๐ข๐ข๐ต๐ข๐ฌ๐ช๐ฉ๐ช๐ฏ ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ช," kwento ni Baunto.
Si Alexander Alag, ang Operating Manager ng radyong DXSK Cool FM, ay nakaranas din ng pagbabanta ngunit hindi gaanong nakakabahala.
Inilarawan niyang โuniqueโ ang tradisyong Meranaw, at sa kanilang komunidad, mayroong malalim na ugnayan ang bawat pamilya na nagbibigay ng proteksyon sa isaโt isa.
โ๐๐ข๐ฑ๐ข๐จ ๐ฎ๐ข๐บ ๐ฑ๐ถ๐ฎ๐ข๐ต๐ข๐บ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข, ๐ข๐ญ๐ข๐ฎ ๐ฏ๐ข ๐ข๐ญ๐ข๐ฎ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ด๐ช๐ฏ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ถ๐ฎ๐ข๐ต๐ข๐บ. ๐๐ข ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ ๐ฌ๐ข๐ด๐ช ๐ต๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ณ๐ช๐ฅ๐ฐโ๐ง๐ข๐ฎ๐ช๐ญ๐บ ๐ต๐ฐ ๐ง๐ข๐ฎ๐ช๐ญ๐บ,โ ani Alag.
Ang rido ay tumutukoy sa clan conflict o alitan sa pagitan ng mga pamilyang Meranaw. Ito ay isa lamang aspeto sa kumplikadong web ng karahasan sa Mindanao na kinabibilangan ng separatismong Muslim, insurhensiyang komunista, banditismo, at endemic na alitan ng angkan (Torres, W. M. Rido: Clan Feuding and Conflict Management in Mindanao. Ateneo de Manila University Press).
Ganito rin ang karanasan ng isang empleyado sa S'bang Ka Marawi na naging biktima ng red-tagging. Ang S'bang Ka Marawi ay isang community media na may page na pinangangasiwaan ng non-government organization na IDEALS Inc. (Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services).
Ayon kay Mikhaela Dimpas, Program Manager for Media and Communication ng IDEALS: โ๐๐ข๐จ-๐ณ๐ข๐ญ๐ญ๐บ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐๐๐๐ด, ๐ต๐ข๐ฑ๐ฐ๐ด ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ช ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ช๐ฏ๐ข๐ธ๐ข๐จ๐ข๐ฏ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ-๐ค๐ฐ๐ท๐ฆ๐ณ. ๐๐ง๐ต๐ฆ๐ณ ๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ, ๐ฎ๐ช๐ฏ๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ช ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐๐๐ ๐ข๐ต ๐ช๐ฃ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ถ๐ต๐บ-๐ฃ๐ฆ๐ข๐ณ๐ฆ๐ณ๐ด, ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ช ๐ณ๐ข๐ธ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐จ-๐ฐ๐ณ๐จ๐ข๐ฏ๐ช๐ด๐ข ๐ฏ๐จ ๐ณ๐ข๐ญ๐ญ๐บ, ๐ฏ๐ข ๐๐๐ ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ช."
๐๐๐ค๐ฎ๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐ญ๐๐ค๐ง๐ข๐ค๐๐ฅ ๐ง๐ ๐ค๐๐ฌ๐๐ง๐๐ฒ๐๐ง
Isa sa mga pangunahing hamon ng mga media organizations sa Marawi ay ang kakulangan ng mga empleyado ng sapat na kaalaman at kasanayan sa larangan ng media at komunikasyon.
Ayon kay Baunto, karamihan sa kanilang mga empleyado ay hindi nakapagtapos ng kurso na may kaugnayan sa media.
โ๐๐ฏ๐ญ๐ช๐ฌ๐ฆ ๐ด๐ข ๐ช๐ฃ๐ข, ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ด๐ต๐ข๐ง๐ง ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ ๐ฌ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ-๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ฆ๐ณ๐จ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ด๐ฆ๐ฎ๐ช๐ฏ๐ข๐ณ ๐ข๐ต ๐ธ๐ฐ๐ณ๐ฌ๐ด๐ฉ๐ฐ๐ฑ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฎ๐ข๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฆ๐ต๐ฉ๐ช๐ค๐ด ๐ข๐ต ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฅ๐ฐโ๐ด ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ฅ๐ฐ๐ฏโ๐ต๐ด ๐ด๐ข ๐ฎ๐ฆ๐ฅ๐ช๐ข,โ sabi ni Baunto, na nakapagtapos ng BA Communication Studies (Media Education) sa MSU-Marawi.
Dahil dito, madalas ay sabay-sabay niyang ginagampanan ang mga tungkuling dapat ay ginagawa ng ibang empleyado sa organisasyon. Ang kakulangan ng mga kwalipikadong empleyado ay nakakaapekto sa bilis ng paggawa ng content at nagiging sanhi ng pagkaantala sa paghahatid ng mga napapanahong balita.
Sa S'bang Ka Marawi, tanging si Dimpas at ang senior producer ang may background sa journalism.
โ๐๐ข๐บ๐ข ๐ฏ๐ข๐จ๐ฅ๐ฆ๐ด๐ช๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ช ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ-๐ง๐ฐ๐ค๐ถ๐ด ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ-๐ฅ๐ฆ๐ฑ๐ต๐ฉ ๐ณ๐ฆ๐ฑ๐ฐ๐ณ๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ข๐ต ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฏ๐ข ๐ด๐ข ๐ฃ๐ณ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ฆ๐ธ๐ด, ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ช๐ต๐ฐ ๐ฌ๐ข๐บ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ต๐ฆ๐ข๐ฎ,โ saad ni Dimpas.
Sa kabilang banda, ang DXSK Cool FM ay hindi makapagbalita ng lokal at pambansang balita dahil sa kakulangan sa mga reporter o kwalipikadong aplikante.
Ayon kay Alag, โ๐๐ข๐บ ๐ฎ๐จ๐ข ๐จ๐ถ๐ด๐ต๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ณ๐ฆ๐ฑ๐ฐ๐ณ๐ต๐ฆ๐ณ, ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ฐ ๐ธ๐ข๐ญ๐ข ๐ด๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฅ-๐ญ๐ช๐ฃ ๐ด๐ฌ๐ช๐ญ๐ญ๐ด.โ
๐๐๐ค๐ฎ๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐ฉ๐จ๐ง๐๐จ ๐๐ญ ๐๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐๐ฒ๐๐๐จ
Ramdam ng Radyo Pilipinas-Marawi (RP1 Marawi) ang kakulangan sa pondo at empleyado.
Ayon kay Bae Soraida Sarigala, station manager, โ๐๐ฌ๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฏ๐ข๐จ๐ฆ๐ณ, ๐ต๐ฆ๐ค๐ฉ๐ฏ๐ช๐ค๐ช๐ข๐ฏ, ๐ซ๐ข๐ฏ๐ช๐ต๐ฐ๐ณ, ๐ข๐ต ๐ฎ๐ช๐ฏ๐ด๐ข๐ฏ ๐ณ๐ฆ๐ฑ๐ฐ๐ณ๐ต๐ฆ๐ณ. ๐๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ต๐ณ๐ข๐ฃ๐ข๐ฉ๐ฐ, ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐จ๐ถ๐ฎ๐ข๐จ๐ข๐ธ๐ข.โ
Walo lamang ang empleyado sa RP1 Marawi, kabilang na ang dalawang security guards at isang driver. Ang DXSK Cool FM naman ay umaasa sa mga advertisements mula sa mga negosyong lokal upang mapanatili ang operasyon.
Ayon kay Alag, โ๐๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ฏ๐จ ๐ฆ๐ด๐ต๐ข๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐บ ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ข๐ฅ๐ด. ๐๐ถ๐ฏ๐จ ๐ธ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฅ๐ด, ๐ฎ๐ข๐จ๐ด๐ข๐ด๐ข๐ณ๐ข ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ช.โ
Subalit isang hamon rin ang makakuha ng mga sponsor mula sa mga lokal na negosyante, lalo naโt mas gusto ng mga tindahang mag-advertise sa Facebook.
โ๐๐บ๐ข๐ธ ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ๐ฑ๐ข-๐ข๐ฅ๐ด ๐ด๐ข ๐ณ๐ข๐ฅ๐บ๐ฐ ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ฎ๐ข๐ด ๐ฎ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ช ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ-๐ฑ๐ฐ๐ด๐ต ๐ด๐ข ๐ด๐ฐ๐ค๐ช๐ข๐ญ ๐ฎ๐ฆ๐ฅ๐ช๐ข,โ dagdag pa ni Alag.
Ayon naman kay Baunto, โ๐๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ด ๐ฎ๐ข๐ณ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ฆ๐ฅ๐ช๐ข ๐ฑ๐ณ๐ข๐ค๐ต๐ช๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ๐ฆ๐ณ๐ด ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐บ ๐ธ๐ข๐ด๐ต๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ฏ๐ข๐บ๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐บ ๐ข๐ญ๐ข๐ฎ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐จ๐ช๐ฏ๐ข๐จ๐ข๐ธ๐ข.โ
๐๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐ฌ๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐๐
Ang pinakamalaking hamon ng mga media outlet sa Marawi ay ang mababang bilang ng mga tumatangkilik sa kanilang mga serbisyo.
Gayunpaman, patuloy nilang itinataguyod ang kanilang layuning magbigay ng makatarungan at tapat na impormasyon, lalo na sa kasalukuyang panahong laganap ang โfake newsโ.
Umaasa ang mga lokal na media practitioners na sa darating na panahon, mabibigyang halaga ng komunidad at ng mga Meranaw ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga kurso sa pamamahayag at media, upang mapalawak pa ang saklaw ng kanilang mga estasyon, hindi lamang sa Lanao del Sur kundi pati na rin sa buong rehiyon ng BARMM. #
Ulat nina Jamaica O. Claros, Nor-Fatmah O. Codarangan, at Alkhairia B. Rangiris, BA Journalism students para sa JRN113 (Journalism Studies, 1st Sem, AY โ23-โ24).