Marawi News Online

Marawi News Online Marawi News Online is a local news source that shares true and accurate events from its surroundings and around the world. YOUR VOICE,.YOUR STORIES.
(10)

It is a trusted news source in the Bangsamoro region because it is unbiased and reports only the truth.

TIGNAN: Kasalukuyang nagsasagawa ng campaign kickoff ang Bangsamoro Federalist Party- Maguindanao del Norte ngayong saba...
08/08/2026

TIGNAN: Kasalukuyang nagsasagawa ng campaign kickoff ang Bangsamoro Federalist Party- Maguindanao del Norte ngayong sabado sa Municipal Gymnasium sa bayan ng Parang.

Dagsa ang mga miyembro, sympathizers maging ang mga dumalo sa nasabing kickoff.

Bahagi ito ng simultaneous campaign kickoff ng partido sa ibat ibang probinsya sa Bangsamoro Region na ginaganap ngayong araw ng Sabado, August 8.

VIA: Bombo Julius Barniego




08/08/2026

Miyatotong a lake lanao ogayd na imanto na totally fireout na daw alhamdulillah, sukhran ko mga magigiting natin firemen 🚒 😊 👨‍🚒 salute rkano mga sir 💖 miyada dun kon so apoy insha allah.

Video Courtesy to nor mina.

07/08/2026

Mr. Lasureco, miyakalupas puman so pasad ta kapakalayt yan, totordowa kaman so sangan ka

MALACAÑANG, NALUNGKOT SA PAGMUMURA KAY PBBM SA DAVAO Nagpahayag ng kalungkutan ang Malacañang matapos kumalat ang viral ...
07/08/2026

MALACAÑANG, NALUNGKOT SA PAGMUMURA KAY PBBM SA DAVAO

Nagpahayag ng kalungkutan ang Malacañang matapos kumalat ang viral video kung saan ilang estudyante umano ang sumigaw ng mga mura at mapanlait na salita kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa kanyang pagbisita sa Davao.

Ayon sa Palasyo, nakalulungkot ang nangyaring insidente, lalo na't kinasasangkutan ito ng mga mag-aaral.

Samantala, humingi na ng paumanhin ang Department of Education (DepEd) Schools Division of Davao kaugnay ng tinawag nitong "inappropriate behavior" ng ilang estudyanteng nasangkot sa insidente.

Ang video ng naturang pangyayari ay mabilis na kumalat sa social media at nagdulot ng magkakaibang reaksyon mula sa publiko.

07/08/2026

Mataan a dowaniyan pakasurgaan o allah giyanan a wata ka. Dapat may imbestigasyon diyan, buhay ang nawala lalo na bata.

MATIBAG KAY REP. LEVISTE: BON VOYAGEMay pabirong mensahe si National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin...
07/08/2026

MATIBAG KAY REP. LEVISTE: BON VOYAGE

May pabirong mensahe si National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag kay 1st District Batangas Rep. Leandro Leviste matapos kumpirmahing bumiyahe ito patungong ibang bansa.

Ayon kay Matibag, lumipad sina Rep. Leviste at ina niyang si Sen. Loren Legarda patungong Hong Kong sa magkahiwalay na flights noong August 2. | via Gio Robles

07/08/2026

Piyangalaboso iran so mga maleta boys dahil sa kasong perjury.

ISA PANG ‘MALETA BOY,’ NAG-RECANT! “PINILIT, TINAKOT, AT PINAPIRMA LANG AKO.”Sunod-sunod na ang pag-atras ng mga dating ...
07/08/2026

ISA PANG ‘MALETA BOY,’ NAG-RECANT! “PINILIT, TINAKOT, AT PINAPIRMA LANG AKO.”

Sunod-sunod na ang pag-atras ng mga dating testigo. Sa bagong Sinumpaang Salaysay ni Bernard E. Tube, iginiit niyang ang una niyang affidavit ay hindi umano kusang-loob at nilagdaan lamang dahil sa umano’y matinding pamimilit at pagbabanta.

Mas mabigat pa rito, inamin din niya na sumama siya sa grupong “18 Marines” bilang bahagi umano ng isang planong pangingikil o blackmail laban sa mga taong itinuturing nilang tiwali, sa paniniwalang magbabayad ang mga ito upang sila’y manahimik.

Keyword sa potential DDS sa Office of the Ombudsman, mukhang “KILALA” ni Pyona at Ka Ramil Madriaga.

📖 Basahin ang parte ng transcribed affidavit sa ibaba at husgahan ang mga pahayag na nakasaad dito.

——————————-

SWORN DECLARATION

Ako, BERNARD E. TUBE, nasa hustong gulang, Pilipino, at may pahatirang sulat sa 10 Aim St. North Signal Village, Taguig, Fourth District, National Capital Region, matapos manumpa ayon sa batas, ay kusang-loob na nagsasalaysay ng mga sumusunod:
1. Ako ay pinag-pirma ng isang nakahanda na Sinumpaang Salaysay ng isang tauhan ng opisina ng Ombudsman.
2. Ito’y pinirmahan ko dala nang mausing pag-pilit na may kasabay na banta sa akin.
3. Ang sinabi sa akin na ako’y madali lamang kasuhan at ibulog sa kulungan kapag hindi ako nakisama.
4. Sinabi rin sa akin na itong Sinumpaang Salaysay ay gagamiting para mapanagot ang ilang mga tao na nagnakaw ng pondo ng bayan, kaugnay sa kaso ni dating Speaker Martin Romualdez at Presidente Marcos.
5. Binawi ko ang aking sinumpaang salaysay na may petsa Hulyo 3, 2026 at ipinahahayag ko na ang mga nakasaad dito ay hindi tumutugma sa katotohanan hinggil sa mga bagay na kinasaad nito.
6. Noong ito ay aking nilagdaan, ako ay nasa ilalim ng matinding pamimilit at takot dahil sa mga banta ng pagsasampa ng iba’t ibang kaso laban sa akin, gayundin ng walang takdang pag-aresto at pagkakapilit.
7. Ipinaalam din sa akin na ang aking mga nakatataas na sina Baligod, Defensor, at Marcoleta ay ikukulong at mawawalan kami ng anumang suporta o handler sa amin.
8. Dahil dito, at sa pangambang ang nasabing sinumpaang salaysay ay maaaring magdulot sa akin ng matinding panganib sa aking kaligtasan at mabibigat na kahihinatnang legal, minabuti kong ilayo ang aking sarili rito at magsabi ng totoo.
9. Pumayag akong sumama sa grupong “18 Marines” bilang bahagi ng isang planong pangingikil o blackmail na naglalayong manghingi ng salapi mula sa mga taong itinuturing na tiwali, sa paniniwalang magbabayad sila upang kami ay manahimik. Gayunman, kalaunan ay naging maliwanag na hindi ito magtatagumpay.

HINDI MAKAPAGPIYANSAUmapela ng tulong si Atty. Levito Baligod matapos bigong makapagpiyansa ang 14 sa 18 “maleta boys” s...
07/08/2026

HINDI MAKAPAGPIYANSA

Umapela ng tulong si Atty. Levito Baligod matapos bigong makapagpiyansa ang 14 sa 18 “maleta boys” sa kasong perjury.

“Mga kababayan, pwede ba ninyo kaming samahan dito sa Las Piñas dahil mula 8:30 ng umaga hanggang ngayon ay hindi na-process ng court ang pagpiyansa ng Brave 14,” saad ni Baligod sa kanyang Facebook post.

Address

Marawi City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Marawi News Online posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Marawi News Online:

Shortcuts

Share