Radyo Pilipinas Marawi

Radyo Pilipinas Marawi The Official page of DXSO 99.7mhz FM Radyo Pilipinas in Marawi City, Lanao del Sur province

08/08/2025

| August 8, 2025

Arrival Statement from the State Visit to the Republic of India

08/08/2025

PBBM PODCAST EPISODE 3 PART 4 | August 8, 2025

08/08/2025

| August 8, 2025

Kasama sina Nords Maguindanao at Princess Habiba Sarip-Paudac

08/08/2025

ASEAN, Katuwang ng Pilipinas sa Laban para sa Kalusugan
Sa ilalim ng One Health approach ng ASEAN, nagtutulungan ang mga bansa sa buong rehiyon upang tugunan ang banta sa kalusugan, mula pandemya, sakit mula sa hayop, hanggang epekto ng kalikasan.
Mula medical supplies, research exchange, hanggang sabayang aksyon, sama-samang kumikilos ang ASEAN para sa mas ligtas at mas handang rehiyon.


𝐋𝐓𝐎, 𝐍𝐈𝐋𝐈𝐍𝐀𝐖 𝐍𝐀 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐔𝐓𝐔𝐒𝐀𝐍 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐓𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐌𝐔𝐋𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐘-𝐀𝐑𝐈 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐀 𝐁𝐈𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐊𝐀𝐊𝐀𝐊𝐔𝐇𝐀 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐂𝐄𝐍𝐒𝐄 𝐏𝐋𝐀𝐓𝐄𝐒...
08/08/2025

𝐋𝐓𝐎, 𝐍𝐈𝐋𝐈𝐍𝐀𝐖 𝐍𝐀 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐔𝐓𝐔𝐒𝐀𝐍 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐓𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐌𝐔𝐋𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐘-𝐀𝐑𝐈 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐀 𝐁𝐈𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐊𝐀𝐊𝐀𝐊𝐔𝐇𝐀 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐂𝐄𝐍𝐒𝐄 𝐏𝐋𝐀𝐓𝐄𝐒
Nilinaw ng Land Transportation Office (LTO) na walang kautusan mula sa Department of Transportation o LTO na nagpapataw ng multa sa mga may-ari ng sasakyan na hindi agad makakakuha ng kanilang license plates.
Ito ay kasunod ng mga ulat na mayroon umanong P5,000 multa para sa mga may-ari ng sasakyan na hindi agad makakakuha ng license plates at patuloy na gumagamit ng improvised plates.
Ayon sa LTO, nakatuon ngayon ang lahat ng kawani nito sa pagpapatupad ng mga hakbang upang maisakatuparan ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na maipamahagi ang lahat ng plaka sa loob ng tatlong buwan, matapos na maalis ang backlog noong June 30.
Hinimok din ng LTO ang mga may-ari ng sasakyan na agad kunin ang kanilang original o replacement plates sa pamamagitan ng online platform na LTOTracker o kaya ay pumunta sa tanggapan ng ahensya.
Inatasan din ng ahensya ang mga Regional at District Offices nito na palakasin ang information drive ukol sa distribusyon ng plaka upang maabot ang mas maraming vehicle owners, lalo na ang mga motorcycle rider. | ulat ni Diane Lear

𝐏𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐀𝐍, 𝐏𝐔𝐒𝐏𝐔𝐒𝐀𝐍 𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝐏𝐋𝐀𝐊𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐎𝐓𝐎𝐑𝐒𝐈𝐊𝐋𝐎, 𝐁𝐀𝐆𝐎 𝐒𝐔𝐌𝐀𝐏𝐈𝐓 𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐄𝐀𝐃𝐋𝐈𝐍𝐄 𝐒𝐀 𝐎𝐊𝐓𝐔𝐁𝐑𝐄Target ng Land Transpo...
08/08/2025

𝐏𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐀𝐍, 𝐏𝐔𝐒𝐏𝐔𝐒𝐀𝐍 𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝐏𝐋𝐀𝐊𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐎𝐓𝐎𝐑𝐒𝐈𝐊𝐋𝐎, 𝐁𝐀𝐆𝐎 𝐒𝐔𝐌𝐀𝐏𝐈𝐓 𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐄𝐀𝐃𝐋𝐈𝐍𝐄 𝐒𝐀 𝐎𝐊𝐓𝐔𝐁𝐑𝐄
Target ng Land Transportation Office (LTO) na maipamahagi ang nasa 7.5 million na plaka sa buong bansa, bago sumapit ang ika-31 ng Oktubre.
Ito, ayon kay LTO Exective Director Greg Pua, ay alinsunod na rin sa direktiba ng Department of Transportation (DOTr), na sa ilalim ng Bagong Pilipinas, dapat lahat ng motorista ay mayroong nang plaka.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ng opisyal na upang maabot ito, kailangang nilang makapagpamahagi ng nasa 100,000 na plaka kada araw.
Ito aniya ang dahilan kung bakit nagpapatupad na rin sila ng Oplan Stop Plate and Go.
Sa kasalukuyan, inaalam na aniya nila ang mga lugar na maaari pang pwestohan ng kanilang mga enforcers, upang mas maraming motorista ang mabigyan ng plaka.
"So, ang ginawa po natin, Stop, Plate and Go, ito po, enforcers po natin ay nasa mga daan pa rin siya pero hindi po tayo manghuhuli. Paparahin po iyong mga motorsiklong walang plaka, at right there and then po, ibi-verify kung ano iyong plaka niya, right there and then, ikakabit iyong plaka niya and then they can go. So, stop, plate, kabit iyong plate and then iyong motorist can go." —Pua. | ulat ni Racquel Bayan

08/08/2025

𝐈𝐌𝐁𝐄𝐒𝐓𝐈𝐆𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐋𝐄𝐆𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐅𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐑𝐎𝐋 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓𝐒, 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐈𝐒𝐈𝐍𝐔𝐇𝐈𝐍 𝐀𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐇𝐎𝐔𝐒𝐄 𝐏𝐀𝐍𝐄𝐋
Tiniyak ni House Committee on Public Accounts Chairperson at Bicol Saro Party-list Representative Terry Ridon na walang sisinuhin ang gagawing imbestigasyon na "in aid of legislation" sa flood control projects.
Aniya, mananatiling may kredibilidad ang gagawing imbestigasyon ng Tri-Comm kahit pa masangkot ang ilang mambabatas.
Dagdag pa ni Ridon, magiging patas ang pagdinig ng Tri-Comm kung saan bibigyan ng pantay na pagkakataon ang mga nag-aakusa, at ang mga mambabatas na pinaparatangang kontratista upang maipaliwanag ang kanilang panig. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Barangay official linked to illegal mining in Opol; one arrested A joint anti-illegal mining operation on August 2, 2025...
08/08/2025

Barangay official linked to illegal mining in Opol; one arrested
A joint anti-illegal mining operation on August 2, 2025 in Barangay Nangcaon, Opol, Misamis Oriental has exposed a large-scale illegal mining activity believed to be operated by an incumbent barangay official. The raid resulted in the arrest of one individual and the seizure of several heavy equipment, sparking concerns about public trust and accountability.
The operation was jointly carried out by the Mines and Geosciences Bureau Region X (MGB-10), Environmental Management Bureau Region 10 (EMB-10), the National Bureau of Investigation–North Eastern Mindanao Regional Office (NBI-NEMRO), and the 2nd Special Forces Company under the 1st SF Battalion, 403rd Brigade, 4th Infantry Division of the Philippine Army.
Authorities arrested an operator of a hydraulic excavator during the unauthorized extraction of sand, gravel, and other fluvial materials from the Iponan River system. Intelligence reports point to a sitting barangay official as the suspected operator behind the illegal activities.
Read the complete news here: https://denr.gov.ph/.../barangay-official-linked-to.../

𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬 𝐇𝐨𝐬𝐭𝐬 𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐏𝐨𝐥𝐢𝐜𝐲 𝐃𝐢𝐚𝐥𝐨𝐠𝐮𝐞 𝐨𝐧 𝐋𝐨𝐬𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐚𝐦𝐚𝐠𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐒𝐨𝐮𝐭𝐡𝐞𝐚𝐬𝐭 𝐀𝐬𝐢𝐚The Philippines, through the D...
08/08/2025

𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬 𝐇𝐨𝐬𝐭𝐬 𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐏𝐨𝐥𝐢𝐜𝐲 𝐃𝐢𝐚𝐥𝐨𝐠𝐮𝐞 𝐨𝐧 𝐋𝐨𝐬𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐚𝐦𝐚𝐠𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐒𝐨𝐮𝐭𝐡𝐞𝐚𝐬𝐭 𝐀𝐬𝐢𝐚
The Philippines, through the Department of Environment and Natural Resources (DENR) hosted a regional policy dialogue on Loss and Damage marking the first in a series of ASEAN-level discussions aimed at deepening regional understanding and cooperation on this critical climate agenda.
The event, held on August 6 and 7 in Makati City, brought together representatives from ASEAN Member States, climate experts, and development partners to explore the complex dimensions of climate-induced Loss and Damage – those climate impacts that go beyond the limits of adaptation. As the Host of the Meetings of the Board of the Fund for responding to Loss and Damage (FrLD), the Philippines is taking an active role in elevating the Loss and Damage agenda across Southeast Asia and positioning the region as a proactive participant in global climate negotiations.
DENR Undersecretary Jonas R. Leones, chair of the ASEAN Senior Officials on the Environment (ASOEN) said the policy dialogue highlighted that “by working together, sharing our knowledge, and aligning our efforts, we can transform ASEAN into a beacon for climate resilience and sustainable development, safeguarding the well-being of our communities and the future of our planet.”
Read the complete news here: https://denr.gov.ph/.../the-philippines-hosts-first.../
Website: https://bit.ly/ASEANEUGermanCAP

𝐌𝐀𝐇𝐈𝐆𝐈𝐓 𝟏𝟎𝟎 𝐌𝐀𝐘-𝐀𝐑𝐈 𝐍𝐆 𝐌𝐎𝐓𝐎𝐑𝐒𝐈𝐊𝐋𝐎, 𝐀𝐆𝐀𝐃 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐍𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐋𝐀𝐊𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐈𝐂𝐄𝐍𝐒𝐄 𝐏𝐋𝐀𝐓𝐄 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐋𝐓𝐎 𝐒𝐀 𝐒𝐌 𝐍𝐎𝐑𝐓𝐇...
08/08/2025

𝐌𝐀𝐇𝐈𝐆𝐈𝐓 𝟏𝟎𝟎 𝐌𝐀𝐘-𝐀𝐑𝐈 𝐍𝐆 𝐌𝐎𝐓𝐎𝐑𝐒𝐈𝐊𝐋𝐎, 𝐀𝐆𝐀𝐃 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐍𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐋𝐀𝐊𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐈𝐂𝐄𝐍𝐒𝐄 𝐏𝐋𝐀𝐓𝐄 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐋𝐓𝐎 𝐒𝐀 𝐒𝐌 𝐍𝐎𝐑𝐓𝐇 𝐂𝐀𝐑𝐏𝐀𝐑𝐊 𝐏𝐋𝐀𝐙𝐀
Umabot na sa 180 na mga may-ari ng motorsiklo ang agad na nakatanggap ng kanilang plaka sa isinasagawang license plate distribution ng Land Transportation Office (LTO) sa SM North Carpark Plaza sa Quezon City ngayong hapon.
Sa panayam ng media kay LTO Executive Director Atty. Greg Pua Jr., sinabi nito na target ng ahensya na maipamahagi ang 7.5 milyong plaka sa buong bansa pagdating ng October 31, 2025 matapos na maalis ang backlog nitong July.
Ayon kay Pua, ang mga motor na nabili ng 2014 hanggang 2017 ay agad na makukuha ang plaka, habang ang mga nabili naman ng 2018 hanggang 2024 ay tutulungan ng mga tauhan ng LTO gamit ang LTO Tracker para ma-locate ito, at maaaring mag-book ng courier para ipadala ang kanilang plaka.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng hakbang ng LTO na mailapit sa may-ari ng mga sasakyan, lalo na sa may-ari ng mga motorisiklo ang pagkuha ng kanilang plaka.
Nagsimula ang license plate distribution kaninang alas-3 ng hapon at tatagal hanggang alas-8 ng gabi.
Ngunit nakiusap ang LTO sa pamunuan ng SM, na payagan sila nang hanggang magsara ang mall upang bigyan ng pagkakataon na makakuha ng plaka ang iba pagkatapos ng oras ng trabaho.
Magsasagawa naman ng katulad na aktibidad ang LTO bukas sa Barangay Bagbag Novaliches, Quezon City. | ulat ni Diane Lear

08/08/2025

Thank God it’s Friday, budget peeps!
Tara na’t alamin ang pinakabagong balita at updates sa mga programa't proyektong isinagawa ng Department of Budget and Management (DBM), sa pangunguna mismo ni Secretary Mina Pangandaman—dito lang sa !
Ngayong , makakasama natin si DBM Asec. Mary Anne Dela Vega para ipaliwanag kung paano ihinahanda at pinoproseso ang National Expenditure Program (NEP) bago ito isumite sa Kongreso para mabusisi at maging ganap na batas.

Address

4th Street Extension, MSU Campus
Marawi City
9700

Opening Hours

Monday 6am - 6pm
Tuesday 6am - 6pm
Wednesday 6am - 6pm
Thursday 6am - 6pm
Friday 6am - 6pm
Saturday 6am - 6pm
Sunday 6am - 6pm

Telephone

+639279854517

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Radyo Pilipinas Marawi posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Radyo Pilipinas Marawi:

Share

Category