21/07/2026
"San ba talaga ako lulugar?"
Lunes hanggang Biyernes. 20 na estudyante lang naman.
20 lang. Pero parang 200 yung bigat sa dibdib ko araw-araw.
Lunes:
May nagmumura sa likod. Pinatahimik ko. Ngumiti ako.
"Okay lang, pagod lang sig**o si classmate."
Tiniis ko. Para sa kapayapaan.
Martes:
May hindi gumawa ng activity. Pangatlong beses na.
"Anak, kaya mo yan. Next time ha?"
Pinipigil ko yung boses ko na nanginginig na sa pagod.
Kasi may lagnat ako pero pumasok pa rin.
Miyerkules:
Nagtawanan habang nagdi-discuss ako.
Huminga ako ng malalim. Binilang ko hanggang 10 sa isip ko.
"Class, makinig tayo please."
Pasensya. Palagi na lang pasensya.
Huwebes:
May nanapak. May nagsumbong.
Pinagsabihan ko. Medyo napalakas boses ko kasi napuno na talaga ako.
Kinabukasan, nasa GC na ng parents:
_"Ma'am ang sungit. Sinigawan anak ko. Child protection po tayo."_
Biyernes:
Umiyak ako sa CR bago pumasok sa klase.
Pinunasan ko mukha ko. Pumasok. Ngumiti ulit.
"Good morning class!"
Ang totoo?
Pag napagsabihan ko, ako yung masama.
Pag hinayaan ko, ako rin yung palpak kasi "hindi marunong mag-disiplina".
Hindi ko na alam kung san ako lulugar.
Pag nagalit ako, bawal. Child protection.
Pag hindi ako nagalit, wala rin. Wala din kwenta.
20 lang sila. Pero yung mental health ko?
Gumuguho na.
Yung puso ko na dati nangangarap magturo... ngayon natatakot na lang magkamali.
Gusto ko lang naman turuan sila.
Gusto ko lang naman maging g**o.
Pero bakit pakiramdam ko, wala akong karapatan maging tao na napapagod at nagagalit din?
Pag uwi ko, bagsak.
Pero kinabukasan, babalik ulit.
Kasi sino pa?
Ang sakit maging g**o ngayon.
Hindi dahil sa bata.
Kundi dahil pakiramdam mo, mag-isa ka sa gitna.