16/09/2026
Tuwing ika-30 ng buwan, inaanyayahan ang buong pamayanan na makiisa sa buwanang debosyon sa Banal na Mag-Anak. Mayroon tayong Missa Votiva na gaganapin tuwing 6:00 ng gabi.
Sama-sama nating italaga ang ating mga pamilya, mga hangarin, at mga pagsubok sa Panginoon, nawa’y tularan natin ang pananampalataya, pag-ibig, at pagkakaisa ng Banal na Pamilya nina Jesus, Maria, at Jose