23/05/2025
PASADO NA PO ANG INYONG SELLER SA LICENSURE EXAM FOR PROFESSIONAL TEACHERS!
Salamat po, Lord, sa biyaya at sa gabay sa buong journey na ito.
Alam ko pong bihira ako makapag-live nitong mga nakaraang buwan—hindi dahil nakakalimot ako, kundi dahil todo-todo ang focus ko sa pag-aaral. Mahirap man, pinili kong unahin ito para sa pangarap ko. At ngayon, masaya kong ibalita na isa na po akong Licensed Professional Teacher!
Hayaan n’yo po muna akong i-celebrate ito ngayon kasama ang pamilya at mga malalapit sa akin. Pero bukas, babawi tayo! Magla-live tayo with BONGGANG pa-free at BONGGANG collection para sa inyo!
Maraming salamat po sa patuloy na suporta kahit wala ako masyado online. Bukas, kita-kits tayo!
Love you all, at salamat sa tiwala!