
14/06/2025
Hirap kapag wala ng Nanay
Ako po si *** at gusto ko lang po mag labas ng sama ng loob.Open ko lang po sana ang nararamdaman ko kasi as in sobra na talga,.Okay play back.Sa loob ng 14 yrs na pagsasama namin ng partner ko,una pa lang magulo na.Ako that time is 20 yrs old sya naman ay 27,so mas ahead sya ng 7yrs old kaya sa pag aakala ko na matured sya ee,hindi pa pala.Dahil nga ahead sya sobrang bossy nya,Aaminin ko po,na inakala ko na kaya nya kong ihandle kase mas matured sya,at ako very fragile that time kase galing sa long term relationship at sobrang fresh pa ng break up.Pero I was so wrong at dapat pala inenjoy ko muna ang carefree ko.Nabuntis po ako sa unang do namin at sobrang unplanned,tho pinanagunatan nya ko noon which is dapat pala di na ko dumepende sa kanya,maybe natakot lang rin ako noon kase bata pa at takot tlga akong mapahiya ang aking pamilya,kaya nagsama kami at doon nagsimula ang aking kalbaryo.Nakitira po kami sa magulang nya at wala namang naging problema kasi sobrang bait,which is kabaliktaran ng ugali nya.Ilang pananakit at paghihinala ang tiniis ko para sa pinagbubuntis ko.Dahil po ayuko ng kahihiyan,tiniis ko pong makisama sa kanya.Lahat ng pananakit nya,paghihinala nya,bisyo nya ang tiniis ko to the point na sumasakit tyan ko sa stress ee tinitiis ko at di nya un alam kase palage syang lasing.Palagi rin syang wala sa bahay noon at mas priority ang.alak at barkada.Minsan nag aaway kami lahit nandon barkda nya,hanggang sa manawa na ko kase di na tlga ok para tyan ko.At infairness wala syang alam.Minsan iniisp ko ng umuwi sa amin at hwag na tlga magparamdam,kaso mas nananaig sa akin na hwag bigyan ng problema ang aking pamilya,Sobrang mahal ko sila at ayuko po talagang maging failure kaya hanggat kaya kung magpanggap na okay ee kinakaya ko.Hanggang sa manganak na nga po ako at namatay ang baby namin due to complications from Bacterial Meningitis,I swear to God this is it!This is the sign I think para umalis na ako na walang pananagutan at all.,I think this is God's way para makalaya ako s akalbaryo ko.Dun ko naisip na mahal pa rin ako ng Dyos.Kasi bingyan nya ako ng chance upang makaalis sa lusak na kinasasadlakan ko.Mabaliw2 po ako noon sa pagkawala ng baby ko na di ko alam kung may sense sa kanya o may p**i ba sya.Nghingi ako ng sign k Lord at alam ko un na yun,kaso pinalagpas ko.Naghanap po ako ng trabaho noon,para malibang ako,kase sobrang naiisip po tlaga anak ko.Walang gabi na hindi ako umiiyak lalo na alam ng anak ko kung anong pinagdaanan naming dalawa.Sya lang ang kausap ko kahit nasa tyan pa lang sya,I feel so alone lalo na wala tlga akong kamag anak na malapit sa akin.Wala na yung mama ko na kakalinga sa kin,😥 comment for pt2