06/08/2024
Lumusong sa baha ang konduktor ng bus na si Alfie Sta. Ana para makabili ng pagkain para sa mga pasahero na mahigit 7 oras ng stranded dahil sa baha sa Marilao, Bulacan.
Sa isang facebook post, pinasalamatan ng isa sa pasahero ng German Espiritu Liner na si Chloe Dela Cruz ang pinakitang didikasyon sa trabaho lalo na ang pagmamahal sa mga pasahero ng nasabing konduktor.
“Bandang 4pm, lahat kaming sakay ay halos gutom na. More than 7 hours na kaming stranded. Lumusong yung kundoktor namin sa hanggang dibdib na baha para bumili ng tinapay at tubig para sa lahat.”, saad ni Chloe sa kanyang post.
Pero hindi pa dito natatapos ang sakripisyong ginawa ng nasabing konduktor dahil pagkatapos bumili ng pagkain, halos isang oras na naglakad ulit ang konduktor para humanap ng rescue.
“4:30pm, lumusong siya ulit at naglakad ng isang oras para humanap ng rescue. Lahat kasi ng tinatawagan namin, hindi na pwede dahil may mga ibang nire-rescue rin.”, dagdag pa ni Chloe.
Alas 5:30 na nang magdesisyon ang ilang pasahero na lumusong na sa baha dahil wala pa rin ang rescue at lubhang delikado na rin kung sila ay aabutan ng dilim.
“Imagine yung hanggang dibdib na baha, malakas na current, madumi at mabahong tubig, sinamahan ulit kami ng kundoktor, dinala pa yung mga bags namin sa balikat niya para makapagkapit-kapit kami at walang matangay ng agos.
Akala ko pagdating sa may mababaw, liwan niya na kami at hahayaan na umuwi. Nope, sinamahan niya rin kami sumakay sa truck, lumusong ulit, umangkas ulit, lumusong ulit.”, saad ni Chloe na labis labis ang pasasalamat kay Sta. Ana dahil sa ipinakita at ipanadama nitong concern at pagmamahal sa kanilang mga pasahero lalo na sa ibinigay nitong serbisyo at seguridad para sa kanila.
Nag-iwan din to ng mensahe para sa nasabing bus company.
“To German-Espiritu Liner Incorporated management, please take good care sa ganitong klase ng employee. Hindi po namin alam kung safe kaming makakauwi if not for him. Kung anuman po ang lagay ng bus na naiwan sa baha kahapon, we're not sure. Pero yung magkaroon kayo ng employee na maaasahan sa kahit anong sitwasyon ay sobrang laking asset na para sa inyong kumpanya”
Courtesy: Chloe Dela Cruz (Facebook)