31/10/2025
BGNews | MSCB-SHS Pasinaya 2025: Panunumpa ng mga Bagong Halal na Opisyal
Ganap nang nanumpa ng Pamumuno ang Marist School Coordinating Body â Senior High School (MSCB-SHS), alinsunod sa pagdiriwang ng Pasinaya 2025, ngayong ika-30 ng Oktubre 2025, sa Br. Maurus James Doherty Gymnasium, Marist School.
Isa-isang kinilala ang mga Opisyal ng Ehekutibo (Executive Officers) na sina Philip Macabeo bilang Bise Presidente, Althea Jimenez bilang Kalihim, Kyle Hernandez bilang Ingat-Yaman, at Wadence Uson bilang Opisyal ng Ugnayang Pampubliko. Sinamahan ni Angelo San Miguel, Pangulo ng MSCB-SHS 2025-2026, ang mga bagong halal na opisyal bilang simbolo ng pakikiisa sa bagong pamunuan ng MSCB-SHS.
Upang ipag-tibay ang pundasyon ng Central Student Council, nanumpa din ang mga Strand Representatives na sina Sebastian Cuadera bilang kinatawan ng ABM, Yuri Sace bilang kinatawan ng A&D, Andrew Tibayan bilang kinatawan ng HUMSS, at Jamir Gulalan bilang kinatawan ng STEM.
Bilang pagpapahalaga sa kaganapan, inihandog ni Marxus Magisa, dating MSCB-SHS President, ang susi sa bagong halal na pangulo na si San Miguel.
Sa naganap na panunumpa ng bagong pamunuan, ipinakita nila ang matapang na pagtanggap sa hamon na tuparin ang tungkulin nang may dedikasyon at katapatan - ang tunay na diwa ng pamumuno.
Isinulat ni Alyanna Guerra
Litrato ni Leon Reyes at Dean De Jesus