
06/08/2025
SSLG nanguna sa pagsasagawa ng Club Recruitment Day
Sa pamumuno ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) idinaos ang kauna-unahang Club Recruitment Day na may temang โPaanyayang Hatid ay Siglaโ nitong ika-31 ng Hulyo at ika-1 ng Agosto na nilahukan ng ibaโt ibang organisasyong pang mag-aaral na ginanap sa gymnasium ng Parang High School (PHS).
Naitala sa programang ito ang pinakamaraming samahang nakibahagi sa programa dahil sa mga bagong organisasyon at sa pakikibahagi rin sa unang pagkakataon ng pahayagan ng paaralan sa Filipino at English na Ang Kaparangan at The Meadows.
Iba-iba ang naging estilo ng bawat grupo na may kani-kaniyang booth sa pagpapakilala ng kanilang samahan upang maengganyo ang iba pang mga mag-aaral katulad ng pamimigay ng mga flyers, paggawa ng tri-fold, pagdadamit bilang maskot, at libreng karaoke.
Sa pagtatapos ng ikalawang araw ginanap ang panapos na programa na dinaluhan ni Gng. Rish Guevara-Bastillador, kinatawan ng Marikina Youth Formation Division.
Isinagawa ang panunumpa ng SSLG, School Coordinating Council, at lahat ng opisyal at miyembro ng mga organisasyon, pati na rin ang State Of the Learners Government Address (SOLGA) ng pangulo ng SSLG na si John Louie Raine Flores mula sa 12-Sustainability.
Ibinahagi ni Flores sa kanyang SOLGA ang kanyang karanasan bilang lider na kabataan at pagpapasalamat sa lahat ng nakibahagi sa programa at naging bahagi sa kaniyang karanasan.
Sa pagtatapos ay ipinanood ang isang bidyo na naglagom sa katatapos lamang na Club Recruitment Day at isang teaser sa susunod na programang ihahatid ng SSLG.
Upang mapahalagahan ang oras at pagod na inilaan ng bawat samahan, naghanda ang SSLG ng mga natatanging parangal sa ibaโt ibang kategorya at ito ay nakamit ng sumusunod: ALAMath (Most Creative Booth 3rd Place, Most Organized Booth 2nd Place); Ang Kaparangan (Most Informative Booth 2nd Place); ArkiKultura (Most Organized Booth 1st Place); BSP (Most Informative Booth 3rd Place); EnglisHeroes (Most Creative Booth 1st Place); FHP (Most Organized Booth 3rd Place); KAMFIL (Most Informative Booth 1st Place); K*K (Most Informative Booth at Most Creative Booth 1st Place); MC-Alert (Most Organized Booth 3rd Place, Most Creative Booth 1st Place); SAIPY (Most Creative Booth 3rd Place, Most Organized Booth 2nd Place); at V-Guild (Most Informative Booth 3rd Place, Most Organized Booth 1st Place). (Jaillie Baron Estanislao)