27/04/2025
Buong puso at buong pagpapakumbabang inialay ni Presbyter Cris Enriquez ang buhay para sa misyon at pakikisama sa Sugong Apostol Arsenio T. Ferriol at ngayon ay ipinagpapatuloy ng mahal na Apostle Jonathan S. Ferriol.
Narito ang kaniyang artikulo tungkol sa pakikiisa sa mga sugo ng Dios, mula sa The Word Volume 30, Issue 214.
KASAMA TAYO NG SUGO NG DIOS
by Presbyter Cris Enriquez
Ang mga kasama ng sugo ng Dios ang siyang tumatayong mga kamanggagawa sa paggawa ng Kaniyang ba**l na kalooban sa lupa. Masasabing ito'y isang malaking kapalaran na maaaring matamo ng isang alagad. Ang pagiging kasama ng sugo ng Dios ay biyayang mas maglalapit sa isang alagad sa Dios.
Kung susumahin, ang pagtatagumpay ng gawain ng Dios ay nakabase sa mga taong Kaniyang kinakasangkapan sa lupa upang ang mga ito'y mangyari. Masasabi na isang malaking kapalaran ang makasama ng sugo ng Dios sapagkat sila'y sinasamahan rin naman ng Dios. Mababasa sa Marcos 16:20 (Ang Biblia) ang ganitong pahayag, “At nagsialis sila, at nagsipangaral sa lahat ng dako, na gumagawang kasama nila ang Panginoon, at pinatototohanan ang salita sa pamamagitan ng mga tandang kalakip.” Sa kanilang pagganap ng kaloobang pangangaral at pagbabahagi ng Salita sa iba't ibang dako, ang Dios ang nagbuhos ng Kaniyang ibayong kapangyarihan upang maipakita ang katotohanan.
Gayundin ang binabanggit sa Mateo 28:20, “Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.” Ang Dios ay sumasa Kaniyang mga anak sa panahong kanilang ginaganap ang Kaniyang dakilang utos. Ang utos na pagbabahagi ng dakilang pag-ibig ay isang paraan upang ang Dios ay manahan sa puso ng gumagawa nito.
Ngunit ang Dios ay may inilatag na babala sa mga taong hindi kasama sa paggawa ng Kaniyang kalooban. Sinasabi ng Ba**l na Kasulatan sa aklat ng Matco 12:30, “Ang hindi sumasa akin ay laban sa akin; at ang hindi nagiimpok na kasama ku ay nagsasambulat.” Ito ang kahahantungan ng mga hindi kasama ng sugo ng Dios. Ngunit, paano tayo magiging kasama ng Dios? Paano natin mararanasan ang mayamang pakikisama ng Dios sa ating mga buhay?
1. Laging gumawa ng mga bagay na nakalulugod sa Dios
Ang pakikisama ng Dios ay nagkakaroon ng katuparan sa mga taong gumagawa ng mga bagay na ikinalulugod Niya. Kung kaya't isang mabuting bagay na habang may taglay na lakas ay mas lalo nating pag-igihin at sipagan ang paggawa ng Kaniyang ba**l na kalooban. Kung sa tao man, ang buong pakikisama ng isang kaibigan ay ibinibigay sa mga kinalulugdan niya, gayon din pagdating sa Dios.
Gaya ng binabanggit sa Juan 8:29, “At ang nagsugo sa akin ay sumasa akin; hindi niya ako binayaang nagiisa; sapagkat ginagawa kong lagi ang mga bagay na sa kaniya'y nakalulugod.”
2. Magkaroon ng lapat na pakikiisa sa mga sugo ng Dios
Isa pang mahalagang bagay upang maranasan natin ang pakikisama ng Dios ay ang pagkakaroon natin ng lapat na pakikisa sa mga sugo ng Dios. Gaya ng binabanggit sa Galacia 2:9, “At nang makita nila ang biyayang sa akin ay ipinagkaloob, ang mga kanang kamay ng pakikisama ay ibinigay sa akin at kay Bernabe ni Santiago at ni Cefas at ni Juan, sila na mga inaaring haligi, upang kami ay magsiparoon sa mga Gentil, at sila'y sa pagtutuli.”
Si Timoteo ay isang magandang halimbawa pagdating sa ganitong begay. Siya'y nagpamalas ng lapat na pakikiisa kay Apostol Pablo sa kanyang pakikisama sa mga pagtitiis. Ito ang halimbawa na kanyang ipinakita sa 2 Timoteo 3:10-11, “Ngunit sinunod mo ang aking a**l, ugali, akala, pananampalataya, pagpapahinuhod, pagibig. pagtitiis, mga paguusig, mga pagbabata; anomang mga bagay ang nangyari sa akin sa Antioquia, sa Iconio, sa Listra; anomang mga paguusig ang tiniis ko: at sa lahat ay iniligtas ako ng Panginoon.”
Isa rin sa mga halimbawa ng pagiging kaisa ng mga sugong Dios ay ang isinasaad ng Ba**l na Kasulatan sa Roma 16:1-4, ang kahandaang ibigay ang kanilang buhay dahil sa kaligtasan ng mga sugo ng Dios. “Ipinagtatagubilin ko sa inyo si Febe na ating kapatid na babae, na lingkod sa iglesia na nasa Concrea: Upang tanggapin ninyo siya sa Panginoon, ayon sa nararapat sa mga ba**l, at tulungan ninyo siya sa anomang bagay na magiging kailangan niya sa inyo, sapagka't siya nama'y naging katulong ng marami, at ng aking sarili naman. Batiin ninyo si Prisca at si Aquila na aking mga kamanggagawa kay Cristo Jesus, Na ipinain ang kanilang mga leeg dahil sa aking buhay, na sa kanila'y hindi lamang ako ang nagpapasalamat, kundi naman ang lahat ng mga iglesia ng mga Gentil.”
Isa pang kapahayagan ng pagkakaroon ng lapat na pakikiisa sa mga sugo ng Dios ay ang kahandaan na tumulong sa pagpapalaganap ng evangelio, gaya ng binabanggit sa Filipos 1:5-6, “Dahil sa inyong pakikisama sa pagpapalaganap ng evangelio, mula nang unang araw hanggang ngayon; na ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin hanggang sa araw ni Jesucristo.” Ganito ang ipinakitang halimbawa ng sambahayan ni Estefanas sa kanilang pagtatalaga sa paglilingkod sa mga ba**l ay pinunan nila ang kakulangan ng iba (1 Corinto 16:15-17).
Maging ang Iglesia sa Macedonia, sa kabila ng maraming pagsubok at malabis na karukhaan ay sumagana sa kayamanan ng kagandahang-loob. Higit pa sa kanilang kaya ay nagsiabuloy sila sa sariling kalooban. Ito ay sapagkat ibinigay muna nila ang kanilang sarili sa Panginoon at sa Kanyang mga sinugo (2 Corinto 8:1-5). Kahanga-hanga rin ang pakikipagkaisa ng Iglesia sa Filipos sa kanilang masaganang pagtataguyod at pagsuporta sa mga sugo ng Dios (Filipos 4:15-19).
Gayundin sa ating panahon, sa kawakasan ng mga huling araw, may Sugo ang Dios na dapat nating laging samahan upang tayo'y maging kaisa sa pagtataguyod ng gawain ng Dios (Juan 9:4). Iniibig at ipinagmamalasakit ng Dios ang mga tupa. Kaya nais Niyang maging kaisa tayo sa paghanap at pagtitipon ng mga tupa na wala pa sa kulungan (Juan 1016, Efeso 1:10) sa pag-aalaga ng mga tupa sa Kaniyang kawan (Juan 21:15-17), at sa pag-ingat ng buong kawan (Gawa 20:28).
3. Magkaroon ng pag-iisip ni Cristo
Isa sa mga katangiang tinataglay ng mga taong sinasamahan ng Dios ay ang pagkakaroon ng pag-iisip ni Cristo, gaya ng binabanggit sa 1 Corinto 2:16, “Sapagkat sino ang nakakilala ng pagiisip ng Panginoon, upang siya'y turuarı niya? Datapuwa't nasa atin ang pag-iisip ni Cristo.” Nais ng Dios na tayo ay magkaroon ng pag-iisip na gayang kay Cristo Jesus (Filipos 2:5), at upang magkaroon ng pag-iisip ni Cristo, kinakailangan nating tularan ang mga sugo ng Dios (1 Corinto 11:1).
Bunga ng ating pakikisama sa sugo ng Dios ay hindi lamang nagkakaroon ng kapayapaan ang buong Iglesia, ito rin ay nagbubunga ng paglago. Ang sabi sa Gawa 9:31, “Sa gayo'y nagkaroon ng kapayapaan ang iglesia sa buong Judea at Galilea at Samaria palibahasa'y pinagtibay; at, sa paglakad na may takot sa Panginoon at may kaaliwan ng Fispiritu Santo, ay nagsisidami.”
Tayo ay mga kamanggagawa ng Dios bilang tayo ay kasama ng sugo ng Dios (1 Corinto 3:9). At sa pamamagitan ng ating pakikisama sa mga sugo ng Dios, tayo naman ay mayroong pakikisama sa Ama at kay Cristo. Gaya ng binabanggit sa 1 Juan 1:3, “Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kaya naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo.”