28/11/2025
Ganoon kasaya.
Ganoon kabaliw.
Ganoon kasakit.
Ganoon ako kayang sirain.
Nakita kita at naisip ko biglaβminsan lang pala ako iibig nang ganoon kalala.
Ganoon kasaya.
Ganoon kabaliw.
Ganoon kasakit.
Ganoon ako kayang sirain.
Wala nang mas titindi pa sa pagmamahal na nadama ko sa iyo. Parang gumuho ang mundo ko noong nagpasya kang sumuko. Parang sumabog ang buong uniberso at ang tanging naiwan lamang ay ang walang hanggang kawalan. Madilim. Walang senyales na may sisilay pang liwanag.
Ngunit ang pag-ibig ay hindi naman pala kailangang maging digmaan.
Hindi kailangang maging masakit.
Hindi kailangang maging brutal.
Hindi kailangang may masawi.
Hindi kailangang maging magulo at maipaglaban mo muna para lang masabing totoo itoβmay pagmamahal pala na magbibigay ng kapanatagan sa puso mo.
May pagmamahal na patutulugin ako nang mahimbing sa gabi.
May pagmamahal na gigisingin ako sa kapanatagan.
May pagmamahal na hindi mananakit pero mananaig.
Nakita kita at naisip ko biglaβminsan lang pala ako iibig nang ganoon kalala.
Ngunit hindi na iyon mahalaga.
Natagpuan ko na ang sa akin ay magpapakalma.
Ang kapayapaan.
Ang walang hanggan.
Kaya pala hindi tayo kailanman naging akma.
- Charina Clarisse Echaluce, 2025
Β© Minsan Okay Lang Ma-traffic
___
PAGES:
π¦ Minsan Okay Lang Ma-traffic
π° MOLMT Publications
π©π»βπ» Life Traffic in the β90s
___
For invitations and business proposals:
π§[email protected]
___
π For Traffic books 1-3 orders, please message the page. π€ My Shopee store is closed ATM.