Marikina Daily News

Marikina Daily News Balitang Marikenyo, mula sa Marikenyo, para sa Marikenyo. News You Can Trust. May nais ka bang ipaalam sa publiko? Message us.

20/08/2025

Ready na ba kayo sa KWEN2HANG D2 natin ngayong araw?

Pakinggan natin ang ating idol, Atty. Miro Quimbo, kasama si Kagawad Khel, sa usaping Barangay Tumana. Tara na, mga ka-D2!

22/05/2025

LOOK: Mga Ballot Box sa Marikina, Natagpuang Hindi Selyado

Ayon sa sulat ng COMELEC, kinakailangang buksan ang 85 na ballot box dahil sa naiwang election paraphernalia na ballot feeder at ACM External Battery sa loob nito. Ngunit, sa pagpunta ng mga election observer at representative ng mga partido, natuklasan na hindi maayos ang pagkaselyado ng maraming mga ballot box. Ginamitan pa ang iba ng tape lamang, taliwas sa tamang pamamaraan ng pagselya ng mga ballot box.

LOOK: Mga Ballot Box sa Marikina, Natagpuang Hindi Selyado Ayon sa sulat ng COMELEC, kinakailangang buksan ang 85 na bal...
22/05/2025

LOOK: Mga Ballot Box sa Marikina, Natagpuang Hindi Selyado

Ayon sa sulat ng COMELEC, kinakailangang buksan ang 85 na ballot box dahil sa naiwang election paraphernalia na ballot feeder at ACM External Battery sa loob nito.

Ngunit, sa pagpunta ng mga election observer at representative ng mga partido, natuklasan na hindi maayos ang pagkaselyado ng maraming mga ballot box. Ginamitan pa ang iba ng tape lamang, taliwas sa tamang pamamaraan ng pagselya ng mga ballot box.

LOOK: Partial at unofficial na resulta ng   sa lungsod ng Marikina (as of May 13, 12:58 AM).Nangunguna si Cong. Maan Teo...
13/05/2025

LOOK: Partial at unofficial na resulta ng sa lungsod ng Marikina (as of May 13, 12:58 AM).

Nangunguna si Cong. Maan Teodoro na may 150,070 boto laban kay Stella Quimbo na may 118,794 sa pagtakbo bilang alkalde.

Sa pagka-bise alkalde, lamang si Del De Guzman na may 133,741 boto kumpara kay Doc Marion Andres na may 123,995.

Sa unang distrito ng Kongreso, nangunguna si Marcy Teodoro na may 78,705 boto laban kay Koko Pimentel na may 30,165.

Sa ikalawang distrito, si Miro Quimbo ang may pinakamataas na boto na 93,771 kumpara kay Donn Favis na may 56,190.

Para sa mga konsehal ng Unang Distrito, pasok sa top 8 sina Kate De Guzman, Ces Reyes, Atty. Pat Sicat, Sam Ferriol, Cloyd Casimiro, Jojo Banzon, Ginny Bolok Pioquinto, at Carl Africa.

Sa Ikalawang Distrito naman, nangunguna sa top 8 sina Jaren Feliciano, Angel Nuñez, Kap. Zif Ancheta, Kambal Ronnie Acuña, Marife Dayao, Coach Elvis Tolentino, B**g Magtubo, at Larry Punzalan.

Inirereklamo ngayong halalan ang insidente sa Fortune Elementary School kung saan Quimbo ang ibinoto ngunit Teodoro ang ...
12/05/2025

Inirereklamo ngayong halalan ang insidente sa Fortune Elementary School kung saan Quimbo ang ibinoto ngunit Teodoro ang lumalabas sa voter's receipt, matapos ipasok ang balota sa automated counting machine (ACM).

Isa lamang ito sa lima pang ulat na naitala sa iba't ibang bahagi ng Marikina ng parehong pangyayari.

Nagkaproblema ang automated counting machine (ACM) sa presintong kinabibilangan ni Marikina mayoralty candidate Stella Q...
12/05/2025

Nagkaproblema ang automated counting machine (ACM) sa presintong kinabibilangan ni Marikina mayoralty candidate Stella Quimbo sa SSS Village Elementary School, Barangay Concepcion Dos kaya naantala ang pagboto roon. Ayon sa electoral board, nag-jam ang papel na ginagamit sa resibo kaya hindi makapasok ang mga balota sa makina. Pansamantalang ginamit ang emergency bin habang inaayos ang ACM upang maipagpatuloy ang proseso ng pagboto.

Bukod sa insidente sa SSS Village, may naiulat ding mga problema sa VCM sa Barangay Malanday at Parang. Ilang makina sa mga nasabing lugar ang hindi agad gumana, na nagdulot ng pagkaantala sa pagboto ng ilang botante. Tiniyak naman ng COMELEC na may mga nakahandang technician para agad na maresolba ang mga teknikal na aberya.

Nabahala ang mga residente ng Marikina matapos madiskubre ang libo-libong kahon ng DSWD relief goods na nabulok sa isang...
11/05/2025

Nabahala ang mga residente ng Marikina matapos madiskubre ang libo-libong kahon ng DSWD relief goods na nabulok sa isang bodega ng lokal na pamahalaan. Napagalaman na mula pa sa ilalim ng administrasyon ni suspended Mayor Marcy Teodoro ang mga relief goods.

Ayon sa ulat, ang mga ayuda ay nakalaan para sa mga nasalanta ng Bagyong Carina noong Agosto 2024, ngunit hindi ito naipamahagi at ngayon hindi na magagamit.

Umani ito ng batikos sa social media, at lumalakas ang hinala ng ilan na posibleng inimbak ang mga ito para gamitin sa eleksyon ng administrasyong Teodoro.

Narekober ng mga sundalo mula sa 601st Infantry Brigade ang ilang high-powered fi****ms na iniwan sa Barangay Mao, Datu ...
11/05/2025

Narekober ng mga sundalo mula sa 601st Infantry Brigade ang ilang high-powered fi****ms na iniwan sa Barangay Mao, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur nitong Linggo ng umaga. Ayon sa ulat ng 6th Infantry Division, agad rumesponde ang tropa matapos makatanggap ng impormasyon mula sa mga residente ukol sa presensya ng mga armadong lalaki sa lugar.

Pagdating ng mga sundalo, suportado ng armored vehicles, wala na ang mga suspek ngunit naiwan ang isang M60 machine gun, limang M16 rifle, bala, at iba pang gamit pandigma. Pinuri ni Maj. Gen. Donald Gumiran ang mga residente sa maagap na ulat na posibleng nakaiwas sa karahasan, lalo na’t papalapit ang halalan. Sa ngayon, higit 5,000 sundalo ang ipinakalat ng 6ID sa buong Central Mindanao upang tiyaking ligtas ang mga lugar sa ilalim ng kanilang responsibilidad.

Inanunsyo ni Dean Tony La Viña ang kanyang pagsuporta sa kandidatura ni Teacher Stella Quimbo bilang mayor ng lungsod ng...
11/05/2025

Inanunsyo ni Dean Tony La Viña ang kanyang pagsuporta sa kandidatura ni Teacher Stella Quimbo bilang mayor ng lungsod ng Marikina para sa darating na eleksyon.

Sa isang Facebook post, inilathala ni La Viña ang listahan ng kanyang mga inendorsong kandidato para sa mga lokal at congressional na posisyon. Kabilang dito ang pag-endorso niya kay Koko Pimentel bilang kinatawan ng unang distrito ng Marikina.

Si La Viña ay kilalang dating dekano ng Ateneo de Manila University School of Government at naging undersecretary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Isa rin siya sa mga nagtatag ng ilang non-government organizations sa bansa.

Arestado ang siyam na dayuhan at dalawang Pilipino sa Mactan-Cebu International Airport matapos mahulihan ng umano’y ran...
11/05/2025

Arestado ang siyam na dayuhan at dalawang Pilipino sa Mactan-Cebu International Airport matapos mahulihan ng umano’y ransom money kaugnay sa pagkidnap at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que. Ayon sa Philippine National Police, tinangkang ilabas ng mga suspek ang P441.92 milyon, USD 168,730, at HKD 1,000 na nasa kanilang mga bagahe.

Paliwanag ng mga suspek, ang pera raw ay galing sa panalo sa isang casino at ipinakita pa nila ang sertipikong inisyu ng junket operator na "White Horse." Ngunit ayon sa PNP, ang "White Horse" din ang pangalan ng isa sa mga junket operator na konektado sa e-wallet na ginamit sa pagbabayad ng ransom. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng pera at kung ito ay halo sa ransom na ibinayad ng pamilya Que.

11/05/2025

Lumantad ang isang pamilya mula San Roque, Marikina City para ibahagi ang sakit na dinanas nila sa burol ng kanilang mahal sa buhay na taga-City Hall. Maayos na sanang naasikaso ng kampo ni Cong. Stella Quimbo—libre at may respeto.

Pero biglang nanghimasok ang kampo nina Mayor Marcy at Cong. Maan, pinilit silang ilipat ang serbisyo at pinilit pa raw palitan ang kabaong. May sabi-sabing baka maapektuhan pa ang benepisyo mula sa naiwang kaanak kung hindi sila susunod.

Address

Marikina City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Marikina Daily News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Featured

Share