16/10/2025
Sa lalim ng sugat na iyong nilikha, nagdurugo pa rin ang puso ko sa kirot na hindi ko naman dapat nadarama.
Sa laki ng takot ko na muling maniwala, hindi ko na magawang magpapasok ulit ng iba.
Sa dami ng pagmamahal na aking itinaya, wala na akong maipusta sa pag-asa ng walang hanggang.
Kaya kasalanan ko ba kung hindi ko kayang maging masaya para sa inyong dalawa?
Mali bang magtaka kung bakit nananatiling malaya ang mga taong kayang magpaikot ng iba?
Mali bang tanungin ko Siya kung bakit hindi patas ang mundo sa mga taong nagmamahal?
Mali bang makaramdam pa rin ng galit gayong nananatili ako lugmok?
Mali bang isipin na mas karapat-dapat akong sumaya kaysa sa inyo?
Mali bang isumpa ang kasalanang ako mismo ang dinurog?
Hindi ako masama. Hindi ko pa lang talaga kayang sumaya para sa mga taong sumira ng lahat.
- Charina Clarisse Echaluce, 2025
© Minsan Okay Lang Ma-traffic
___
PAGES:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
📰 MOLMT Publications
👩🏻💻 Life Traffic in the ‘90s
___
For invitations and business proposals:
📧[email protected]
___
📚 For Traffic books 1-3 orders, please message the page. 🤗 My Shopee store is closed ATM.