20/05/2024
𝙲𝚢𝚌𝚕𝚒𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚍 𝙲𝚊𝚝𝚌𝚊𝚕𝚕𝚒𝚗𝚐
Madami sa ating mga kasamahang siklistang babae ay na-cacatcall habang sila ay nasa ride. Madalas ang mga salarin ay ibang motorista, driver ng mga truck, jeep at iba pang PUVs o ang kanilang mga pahinante.
Ano ba ang Catcalling?
Sa ilalim ng Republic Act 11313 o Safe Spaces Act:
Catcalling refers to unwanted remarks directed towards a person, commonly done in the form of wolf-whistling and misogynistic, transphobic, homophobic, and sexist slurs;
Sa madaling salita ito ay isang uri ng pangbabastos mapababae man or miyembro ng LGBT. Ang mga halimbawa nito ay:
- Isang truck truck dinaanan ang isang babaeng siklista kung saan sinabi ng truck driver na “Miss, sabay ka na samin” o “Hi, baby!”
- Isang mangagawa na nagaantay ng masasakyan ay sinabihan ng pulis na “Miss, san ka nakatira, hatid na kita” o sinipulan ng “witwiw”
Sa ilalim ng nabanggit na batas ang unang paglabag ay may kaparusahan ng multang 1000 pesos at 12 hours na community service at gender sensitivity seminar; ang ikalawang paglabag ay may kaparushang pagkakakulong ng anim hanggang sampung araw o multa sa halagang 3,000 pesos; ang ikatlong paglabag ay naman ay may parusang 11 days – 30 days at multa na 10,000 pesos.
Kapag ang salarin ay nagpakita ng ari o ibang mahalay na aksyong sekswal ang unang paglabag ay may kaparushan ng multang 10,000 pesos, at 12 hours na community server at gender sensitivity seminar; ang ikalawang paglabag ay may kaparushang pagkakakulong ng 11 – 30 days o multa na 15,000 pesos. Ang ikatlong paglabag ay may kaparusahang 1month and 1 day to 6 months na pagkakakulong at 20,000 pesos na multa.
Kung ito ay sinamahan ng paghahawak sa katawan ng biktima mas mataas ang parusa nito.
Para sa ating mga kalalakihan, igalang natin ang mga kababaihan na nagbibisikleta. Tandaan natin na tayo ay may mga nanay at mga kapatid na babae at isipin nalang natin kung ano ang mararamdaman mo kapag sa kanila ito ginawa o papaano nalang kapag sila ang ginahasa? Diba?
For full text ng R.A. 11313 please click the link: https://www.officialgazette.gov.ph/2019/04/17/republic-act-no-11313/